CHAPTER 115: CHARITY EVENT Part 1

108 37 5
                                    

CHAPTER 115:Charity Event Part 1

Part 1 will be Jehridale's POV, for this whole chapter 😍

Please after you read. every chapter, kindly vote and genuine comments must be done! It will help me to continue updating chapters thank you 💓💓

SORRY PO KUNG NATAGALAN ANG UPDATE, NAHIRAPAN KASI AKO BUKSAN TONG ACC. HUHUHU




Jehridale's POV

-_-

>_<

Panaginip----

Uhuh uhuh,Life like this

Uhuh uhuh, that's the way it is...

Habang hinahabol ko ang isang babae ay bigla akong napatigil. Isang babae rin ang nagpatigil sa akin. Mula sa pagsunod mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan.

"JD! Please! Wag mo akong iiwan!"

Hindi ko sya nilingunan. Patuloy lang ako ngayon sa pagsunod sa kasalukuyang itinitibok ng puso ko.

Sinusundan ko ang isang anino, na may di kalayuan sa akin. Naglalakad ito palayo sa akin, hindi ko maintindihan kung bakit. Gustong-gusto ko syang pahintuin sa paglalakad pero hindi ako makapagsalita. Hindi ko maigalaw ang bibig ko.

Patuloy pa rin ako sa pagsunod sa kanya. Hindi ako huminto hangga't hindi ko sya naabutan. Hindi ko man sya nakilala pero, pakiramdam ko napakaimportante nyang tao sa akin na ayaw kong mawala.

"JD!"

Napatakbo na ako dahil sa kasabikan kong masundan ang anino. Hindi ko nilingunan ang babaeng tumatawag sa akin.

"JD ano ba!"

Malapit na ako sa kinaroroonan ng sinusundan kong anino. Nang mapalapit na ako sa kanya ay saka sya lumingon sa akin. Direkta ko syang niyakap at walang anu-ano'y napaluha ako sa hindi malamang dahilan.

"B-Bakit? Bakit mo ako iiwan?"

"A-Ano bang--"

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ko sya sa magkabilang braso.

"JD! What are you doing?!"sigaw ng babaeng nasa likuran ko. Pero hindi ako nag-abalang tingnan sya. Ang anino namang nasa harap ko ay napaatras.

"Hindi ko alam kung bakit ginagawa mo ito"aniya ng anino. Patuloy sya sa pag-atras.

"Sandali...wag kang...umatras...pakiusap"pagsusumamo ko. Isa isang pumapatak ang mga luha ko habang pinipilit kong maaninag ang mukha nya. Pero. Hindi ko makita ito. At nakakalungkot isipin na, tanging kadiliman lang sa kanya ang nakikita ko.

Hindi ko man makita ang reaksyon ng mukha nya ay nararamdaman kong naguguluhan ito. At ng mapalapit sya sa liwanag ay saka na lang akong huminto sa paglapit sa kanya.

"Hindi ko maintindihan kung bakit mo ito ginagawa, pero, pwede bang tigilan mo na ang ginagawa mong pagsunod sa akin...wala akong nararamdaman para sa'yo"

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now