CHAPTER 119

88 36 8
                                    

Hoy guys, noong Season 1 diba Heidee ang binigay kong nn kay Heidrion? I changed into Heidi, nakakalimutan ko hahahaha. But anyways, you can choose which you're preferred to call her. She's also our important character here, so sana wag nyo syang kalimutan 💞

Author's Note:

Please after you read. every chapter, kindly vote and genuine comments must be done! It will help me to continue updating chapters thank you 💓💓

Mitch's POV

"D-Damn!"napasigaw na lang ako sa pagkabigla ng makitang nakahandusay na nasa sahig si Kil! Hindi ako makapaniwala! Ito na ba iyon?! Ang masamang kutob na kanina ko pa nararamdaman. Ito na nga ba?!

Umaagos ang dugo nito sa bibig at namumutla ng maigi ang kabuuang ng kanyang mukha. Nahahabag ako ng abot-langit para sa kanya. Kainis! Bakit ngayon ko lang ito nalaman?! Hindi man lang ako gumawa ng paraan para mailigtas sya!

Sa napakagulong takbo ng isip ko ay nilapitan ko kaagad sya. Niyuyugyog ko ang mga braso nya at pinipilit gisingin. Mangiyak-ngiyak kong pinagmasdan ang kaawa-awa komg kaibigan.

"Kilein...Kilein please...."pinipilit ko pa ring gisingin sya. Tinapik-tapik ko ng mahina ang pisngi nya, nababalot long sleeves nyang puti ng dugo. Muli ko syang ginising.

Pero lumalaylay na ang parehong kamay nya. Hindi ko na din maramdaman ang tibok ng puso nya. Kinakabahan ako. Kinakabahan ako ng sobra sobra.

"Kilein! Kilein! Gumising ka na sabi! Ano ba! Nakakainis ka naman eh!"

Ngunit walang Kilein na sumagot sa pagsusumamo ko. Walang Thriaxiveille na pumigil o nambara sa akin. Wala ng mayabang na singhal nya ang aking narinig. Pawang ang malamig nyang katawan ang naramdaman ko sa aking palad hahang yakap ko sya.

Hindi...hindi ito totoo...hindi maaari...nananaginip lang ako...tama...maaaring--

"M-Mitch.."mahinang tawag sa akin ni Yashiko. Napansin kong lumapit din si Timrelli sa amin at animo'y gulat na gulat. Nanlalabo ang paningin ko. Hindi ko na makita ang iba sa amin dahil nanghihina ang buong katawan ko.

"Ano pang ginagawa ninyo...w-wala ba kayong gagawin?"

"A-Ano..."

"Yashiko...bakit nakatayo ka lang dyan? W-wala ka bang balak dalhin sya?"

"M-Mitch...a-ano kasi.."

Buong poot ko syang nilingunan. Pati ba naman sya? Wala ring gagawin para sa aming kaibigan? Kingina.

Nilipat ko na lang ang paningin kay Timrelli na nakatulala din at halos hindi rin makapaniwala.

"Ano pang ginagawa mo?! Kailan ka kikilos?! Pasko?! Tumawag ka ng ambulansya bilisan mo!"inis na inis na talaga ako kaya nasigawan ko na sya. Kaagad namang nanumbalik ang ulirat nito at tumango bago tumakbo paalis sa kinaroroonan namin.

Hindi ko mabitawan si Kilein. Hindi ako naniniwalang wala na sya. Hindi talaga. Naniniwala akong magigising pa sya sakaling dalhin namin sya sa ospital.

"M-Maurillde! What happened--oh! Oh my Goodness!!"napasigaw din si Heidi sa gulat, "Kilein! Thriaxiveille Kill! Oh my! I'll call the others!!!"

Hindi ko magawang tumugon. Hindi ako makapagsalita. Gulong gulo ngayon ang isip ko at tila para akong nasa hawla. Napakabigat ng pakiramdam ko.

Sa kabigatan ng aking nararamdamang pagkabalisa ay nabuhat ko ang aking kaibigan kahit mas mabigat pa ito sa akin. Nakalutang ang mga paa ko sa ere. Hindi ko magawang tingnan ang paligid habang papalakad papalabas ng kung saan mang lugar ngayon ako naroroon.

THE UNEXPECTED Season 2Onde as histórias ganham vida. Descobre agora