CHAPTER 122

81 36 2
                                    

Chapter 122

Author's Note:

Please after you read. every chapter, kindly vote and genuine comments must be done! It will help me to continue updating chapters thank you 💓💓


Yashiko's POV

Tahimik ko lang na binantayan magdamag sila Rangovine sa mismong kwarto na ito. Ako lang naiwan dito matapos tawagan si Mitch ng kanyang Lolo.

Hanggang ngayon, hindi ko matanggap. Ang mga nangyari noong kaarawan mismo ni Sunshine, parang bangungot. Nalason ang dalawa at mismong mga kaibigan ko pa. Kasunod ay ang pagkamatay ni Harly na syang susi sana sa matagal na naming pakay.

Sinilip ko ang kabuuan ni Kil. Grabe ang tinamo nito ayon sa doktor, kumpara sa nainom ni Rangovine. Napakagat labi ako.

Bakit palagi na lang nyang natitikman ang pait ng paghihirap sa buhay?

Nakakainis talaga. Ako itong kaibigan nya, ako itong nakakaalam sana, pero wala. Wala akong ginawa. Hanggang ngayon nagiguilty talaga ako. Ilang araw ding hindi ako gaanong kinakausap ni Mitch dahil dito. Malalim ang ginawa kong pagbuntong-hininga ko.

Wala naman sigurong tao ang naghahangad na higit na mapahamak ang kaibigan hindi ba? Taksil lang ang gagawa ng ganong bagay. Kasalanan ang magtaksil. Kamatayan sa lupa maski sa kabilang buhay ang matatamo.

Kapatid ang turing ko kay Kil. Sya na lang ang natitira kong pamilya, no offense dahil ulila na ako. Sya ang unang tao na tumanggap sa akin. Kaya ganito na lang ang pananahimik ko, ngayong napahamak sya dahil sa akin. Hindi ko kinakayang naabot nya ang antas na kinaya ng isang martir na kayang magligtas ng iba.

Hindi pa ako nakakabalik sa Cavite, si Wendevian muna ang namahala ng cafe shop na mismong pagmamay-ari ko. Sa sobrang guilty ko, hindi ako nakakatulog ng maayos sa magdamagang bantay sa kanilang dalawa. Hindi ako maaaring matulog ng matagal man, isang kisap mata lang, gising na.

Kaya ito, bawas ang beauty ko. Siguro mga 78% ang ibinawas ng beauty tissues ko sa mukha at katawan. Hindi rin ako halos nakakakain ng maayos kahit dinalhan ako ng pagkain ni Mitch dito.

Hindi rin nakakabisita rito ng maayos si Kuya Rin dahil may trabaho pa sya sa SMU. Gayundin ang iba. Mas minabuti rin namin na dito muna silang dalawang mamalagi sa ospital upang hindi magambala pansamantala ang pagpapagaling nila. Besides, para na rin makapagpahinga daw ako sa mga nakalipas na operasyon.

Tok tok tok--

Awtomatiko akong natigilan sa pag-iisip at kusang tumayo at nilapitan ang pinto.

"Sino iyan?"

"Ako ito, Collins"

O_O

Nanlalaki ang mga mata kong pinagbuksan ito ng pinto. Matagal-tagal din noong huli kong narinig ang babaeng ito. Saan kaya sya nanggaling? Wala na akong naging balita sa kanya simula noong hinahanap nya ang taong nagpadala ng pera kay Gary para makapagpiyansa.

"Ikaw pala Michaendra, pasok ka"

Mapait itong ngumiti sa akin saka naupo sa couch. Nahahalata ko sa kanya ang pilat sa kanyang labi, saan galing iyon?

"Bakit?"napansin nyang nakatitig ako za kanya kaya't una na akong nagiwas ng tingin.

"Mabuti't pinayagan ka ng parents mo na makabisita ka. Malayo ang Cavite rito eh"

"Oo, teka maayos na ba ang lagay nilang dalawa?"

"Oo."muli ay sinilip ko ang mukha ni Kil. Napapikit na lang ako.

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now