CHAPTER 136

78 17 1
                                    


CHAPTER 136

Unknown's POV

"Natapos nyo na?"

"Opo boss, kaso may problema"

Napahawak sa noo ang taong may hawak ng burner phone habang nakatago ang katauhan sa anino ng dilim. Naiisip palang nito kung ano na naman ang katangahan o kapalpakan ang ginawa ng mga inutusan nya.

"Buhay pa? Nadala nyo? Ano?!"

"B-Boss, may mga kasamang binata...malamang nasundan sya"

"Hahaha, sinasabi na, hindi talaga tayo magtatagumpay na madakip o mayare ang babaeng iyon, sige na..."

At saka ibinaba ng taong ito ang linya. Kinuha nya ang paubos na sigarilyo at malalim na hinigop ang usok na nagmumula sa loob nito likha mula sa upos. Marahil sa mga oras na ito ay naiisip nya ang pagiging swerte ng isang Mondrallgo sa kanyang kapalaran.

Lintik...matatalo ang aking koponan, ang aking Ivory....

Jehridale's POV

"What the fuck...it's already loud here.."napahawak na ako sa sintido. Nahihilo na ata ako. Nakakainis.

At itong si Airon, mahimbing na natutulog sa aking balikat. Mapait akong napangiti at naaasar na natawa.

"Imbes na bawasan ko stress ko nadodoble pa ata. Wake up asshole, iiwan kita dito"

Ang kaibigan ko ay hindi natitinag. Napahawak na rin ako sa batok. Ayokong magbitbit ng tao sa labas, sira image ko rito.

Bakit ko ba nakalimutan na mahina sa inuman itong bihon na ito?

Mahina ko na lang siyang itinulak sa sofa at talagang iiwan ko sya rito. Nakapamulsa na akong lumabas ng bar. Medyo hilo na ako ng mga oras na iyon, pero napakagat labi pa ako.

What...the...

Am I thinking straight pa ba? Naamoy ko ang scent ni....Kilein.

Iyong natural scent nya. Unlike sa aficionado na palagi niyang ginagamit at naaamoy ko sa campus, naamoy ko na ang natural scent nya nung before and during Department's Fest...

No way she's here...hindi sya pupunta dito..

And I don't want to see her. How unpleasant place this is, isang beses ko lang naman syang nakita sa bar, at wala na akong...

Ilang saglit pa ay naaninag ko na si...Kilein..

Totoo ba ito? Totoo ba ang nakikita ko???

Nakawhite sleeve at maong pants. Rare days ko lang syang makitang nakawhite, nakatayo sya habang nakasandal sa BMW ko.

"W-What are you doing here?"

Nakangisi lang sya paglapit ko, at maangas na inayos ang pagtitig sa akin. Nagiinit ang pareho kong pisngi sa hindi malamang dahilan.

Why is she acting like a dude? Hindi ba nya alam na....tumatalon ang puso ko ngayon?

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now