CHAPTER 139

74 19 1
                                    


Author's Note;

Kindly like and comment for the latest chapters, to help me update the upcoming chapters. Thank you for your appreciation 💞 it will be my pleasure 💞

SA NMU!!

Jehnica's POV

Hello hello!

I'm a lil bit of having excitement for this day! Syempre naman, ambilis kaya ng panahon!

Sports Festival na!

Well, hindi naman matatawag na pangtournament ang ginagawa sa araw na ito. Explain ko ah.

Since dati akong nag-aaral sa SMU ay ang ginaganap na SPORTS FEST (fictional) ay isinasagawa kapag ang isang lugar ay napagpasyahang baguhin ang rules sa tinatawag na National Competition, at pinalitan sa SPORTS FESTIVAL.

Bakit?

Ganito kasi iyon.

Hindi eksaktong itinatakda ang petsa ng Sports Fest sa takdang susunod na taon, unlike sa ibang sports tournament keme. May sariling sinusunod na panuntunan ang Sports Fest, ang mga namumuno rito ang kasalukuyang nagaanunsyo ng petsa at mga bagong panuntunan.

Dapat nga noong last week pa ginanap ang sports fest kaso nagkaroon ng aberya. Hays..

Binuo ang Sports Fest hindi lang para makipagtagisan ng skills at talent sa bawat manlalaro, kundi para rin hindi mapressure ang mga atleta.

"Tara na apo! Magsisimula na ata ang Festival.."anyaya ni Lola Patricina. Nauna na rin ang mga Chairman sa amin. Pati na rin ang kapatid ko.

Inalalayan ko si Lola patungo sa sasakyan at medyo naaaliw ako dahil palakwento pa rin siya kahit nasa biyahe.

"Balita ko hindi na Basketball ang sports ni Zeirin hindi ba hija?"

"Yes po 'La, chess na iyon ngayon"

ilang beses ko ng naikwento iyon sa matanda pero mukhang nakakalimutan niya. Hindi ko tuloy maiwasang ngumiti.

"Nagpapractice ba ang batang iyon?"

"Opo syempre! Hahaha, that kid, hindi naman basta-basta magpapatalo ang isang iyon, besides, hindi niya tayo pwedeng ipahiya!"

"Aba eh 'wag ka namang ganyan at baka mapressure ang kapatid mo, pasaway ka talaga"natatawang sita sa akin ni Lola. Magalang ko siyang nginitian bilang tugon ko.

Naalala ko pa noong nasa 16 pa ako, hindi pa isinasali ang larong Fencing ng kapanahunang iyon, at ako naman ay nasa cheerleading team. Wala naman akong alam na sports na pwede kong salihan.

Kumbaga, isa lang akong palamuti ng pamilya namin.

Pero tama na ang downs!

Teka, naikwento nga pala ni Lein (Kilein) na nasa festival din siya, at kalahok siya sa isang sports. Hindi ko tuloy naitanong kung anong sports iyon before.

Ay basta! Excited rin akong makita siya! Ano kayang lalaruin niya?!

"Naikwento ko na ba sa inyo ang batang binubully ni Jehridale 'La?"hindi ko na rin naiwasang tanungin ang Lola about doon. Baka kasi hindi niya matandaan.

"Oo naman ano! Naalala ko pang ikinwento mo sa akin, aba'y teka? Hindi ba't magkaschool mates sila ni Zeirin?"

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now