CHAPTER 131

54 26 2
                                    


A/N--

Siya nga pala guys, babaguhin ko ang portrayer ni Thraundille, kuya siya nila Kilein at Lev diba? Ang portrayer niya noon ay si Cha Eun Woo, sa next chapter ay ipapakita ko kung sino ang bagong portrayer niya.

Adrian's POV

"Ano?"nagitla pa ako at saka nilingunan si Prof. Rin. Ang naturang professor ay walang emosyon at nakatuon lamang ang pansin sa librong hawak nito ngayon.

Saglit akong nag-isip-isip at sinilip ang estudyanteng nagsabi tungkol sa mga naganap kani-kanina lang. Ano naman ang gagawin ko ngayon? Hindi ako pwedeng gumawa ng hakbang habang nalalaman kong pinahihirapan nila si Kilein.

"Anong gagawin natin senior? Baka umabot ito kay Dean"

"Hintayin natin ang desisyon ni Professor,"labag sa loob kong sagot. Tiningnan kong muli ang professor sa likuran ko at nag-angat naman ito ng tingin.

"Nasaan si Kil ngayon?"

"Ang balita ko po ay ikinulong po siya ng nga dating kasamahan ni Disinsyon sa isang abandonadong room, wala pong gustong tumulong sa kanya dahil ang ilan sa mga iyon po ay pinagbantaan na ang mga kaibigan ni Mondrallgo sir"

Hindi nagbago ang reaksyon ng lalaki. Tahimik siyang tumayo habang nakapamulsang naglalakad palapit sa pinto. Kami naman ay nagkatinginan at wala sa sariling sinundan ang guro.

Panibagong gulo na naman ito. Hay, kawawang Kilein, kailan ba ito matatapos sa'yo? Ano bang nangyari? Bakit na naman nila ito ginagawa?

At ang pinagtatakhan ko ay paano nila nagawang ikulong sa room ang babae na iyon? Kilala ko siyang malakas at pumapalag sa ganong sitwasyon.

"Tumabi kayo! Tabi!"anito ng estudyanteng kasama namin. Hindi alintana ang dami ng mga estudyanteng nasa labas, makaraan lamang si Prof. Rin. Ang madilim na aura niya ngayon ang nangingibabaw sa sistema ko, hindi ko mawari kung anong nasa isip niya pero, palagay ko ay galit na siya. Hindi ko pa nakikitang nagagalit si Professor ng ganito, ang ilan sa mga maanghang niyang salita noon na ibinabato sa akin ay hindi pa ganoon kalala. Kinakabahan ako. Sana ay wala siyang gawin na ikapapahamak ng iba.

Isasantabi ko muna ang nararamdaman ko para kay Kilein, para sa ikasisiya ng kapatid niya..

Pagkarating namin sa sa naturang floor at sa harap ng pinto ay nakaharang ang mga kasamahan noon ni Disinsyon na bagong naghahari ngayon sa teritoryong ito. Gumilid ako upang madali kong mapigilan ang anuman sa sigalot na magaganap.

"Oh Professor! Bakit ka narito?"nakangising tumayo ang isa sa mga nagbabantay sa pinto. Hindi ko makita ang loob ng kwarto dahil nakasara ang mga bintana at ang mga kurtina ay nakatalukbong, "hindi naman ikaw ang inaasahan naming pumunta rito ah"

"Buksan mo ang pinto"walang kagatol-gatol na utos ng propesor.

"Hoy hindi porke professor ka ay pwede mo kaming utusan! Kapatid ka ng Mondrallgo! Hindi mo kami--"

Blagg!!!!!

"A-Arghhh!!"namilipit sa sakit ang naturang lalaki ng matapos siyang sipain ni Kilein sa likuran nito. Hindi namin namalayan ang mabilis na pagbukas ng pinto at ang pagkilos niya!

THE UNEXPECTED Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon