CHAPTER 110

101 43 1
                                    


Thrianne's POV

Kakauwi ko lang ng bahay mga bandang ala-una ng umaga. Sa totoo lang wala pa akong balak umuwi talaga dahil gusto kong magpalipas sana ng gabi doon.

Naabutan kong tulog na tulog si Orange sa sofa kaya naman naligo na lang ako at nagbihis. Kumilos ako ng walang nililikhang ingay.

Humiga ako sa banig na nilatag ko sa sahig. Ewan. Trip kong matulog ngayon dito.

Huminga ako ng malalim at nagbuga ng hininga. Inhale. Exhale. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. Para akong napapraning. Andami kong kailangang solusyunan na problema. Ang kaso ng kay Ethana, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Marami ng gumugulong konklusyon sa isipan ko. Maraming hindi nagkakatugma. Tao lang din ako, at natural. Kakabahan sa posiblidad na kahahantungan ng lahat. Inaalala ko rin si Orange.

Ayaw kong mangyari din sa kanya ang nangyari kay Ethana. Ilang beses nang pinagbantaan ng mga sangganong iyon ang buhay nya. Hindi talaga maiiwasang may mangyaring hindi maganda, lalo na ngayon, alam kong ito pa lang ang umpisa.

Kinabukasan

Nakatulog ako ng halos 5 oras lang. Kinukusot-kusot ko ang ilalim ng aking mga mata. Pipilitin kong magising ng ganito kaaga.

Naligo at nagbihis. Pagkatapos, sinuot na ang uniform ng SMU. Sinuklay ko ng maayos ang buhok. Hindi ko na tinalian. Hinayaan ko lang na lumugay ito, tutal hanggang lagpas sa balikat naman ang haba nito. Nagspray rin ako ng aficionado.

Pinagkunutan kaagad ako ng noo ni Rangovine matapos akong bumaba na parang walang nangyari. Pero hindi naman na sya nagusisa. Inalatag na lang nya ang kakainin ko sa mesa.

"Walang kamote?" nakangiwing usisa ko. Inismiran nya lang ako. Pero bumuntong hininga na lang sya.

"Saging na saba ang available dai, kainin mo na lang"

Wala na rin akong nagawa kundi ang umupo at kainin ang limang saging na saba. Hinog ang mga iyon, masarap talagang kainin. Namiss kong kumain ng saba noon. Mabuti na lang at ito ang inihain nya.

Ilang saglit pa.

"K-Kamusta na pala 'yong pagdalaw mo sa...namayapa mong kaibigan?"

Padabog kong naibaba ang baso na may gatas. Walang emosyon ko syang tiningnan.

"A-Ah eh...sorry. Hindi ko na dapat pala tinanong.."

Hinagilap ko ng paningin ang gatas na nasa baso. Ang pagiikut-ikut ng nakahalong liquid sa gatas ay pinagmamasdan ko.

"Ok naman..." walang buhay kong tugon. Pagkasabi nyang iyon ay kaagad nyang ibinalik ang paningin sa kinakain. Naupo ako sa sofa at inistretch ng dahan dahan ang likod. Kinuha ko ang medyas at black flat shoes.

SMU

"Oh, nandito na ang mga siga" nakahalukipkip na humarang sa amin si Vanessa. Lintik. Wala bang kadala-dala ang babaeng ito? Halos araw-araw pineperwisyo kami. Hmm. Ang totoo nyan, hindi ko na isinasama ang ilan sa mga pambibwiset nito sa amin.

Kasa-kasama ang mga alipores. Inismiran ko lang sila at pinagbabangga ang mga balikat. Hindi ba sila nagsasawang humarang sa dinaraanan ko? Tsk. Todasin ko na kaya ang mga ito?

"T-Thrianne...."

"Ha?"

"Ok ka lang ba? K-Kung hindi ka ok magsabi ka lang..."

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now