CHAPTER 111

89 42 1
                                    

Chapter 111





Thriaxiveille's POV

Walang hinto sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa mga oras na ito. Inihilamos ko ng marahas ang mukha sa tubig dito sa cr. Inilabas ko lahat ng sama ng loob ko sa mundo.

"Lahat na lang sa akin napunta...haha...tangina"  nanghihinang sambit ko. Iniangat ko ang aking maliit na buhok at binasa iyon. Para kong pinaliguan ang sarili ko dahil don.

"Kilein?"litaw ngayon ni Michae. Dahan-dahan ko lang syang nilingunan at saka ibinaling ulit ang sarili sa malapad na salamin.

"Pupunta dito ngayon si Yashiko. May mahalaga syang sasabihin sayo"

"Bakit hindi ikaw ang magsabi?"

"Hindi nya tinukoy ang sasabihin nya sayo. Sinabi nya na sya na mismo ang personal na magsasabi."

"S-Sige.."hindi ko napigilang manghina. Naubos ng tuluyan ang lakas ko kanina.

"I know you have a problem Kil..."nakatungong saad ni Michaendra, "patawarin mo ako kung wala akong magawa para sayo. Napakarami mo ng nagawa para pagbayaran ang lahat, pero maski isa wala kaming naiganting mabuti para sayo. Patawad."sinserong dagdag nya.  Sobrang bumigat ng husto ang loob ko kaya hindi naibsan kaagad. Pero kahit papaano. Sa kakarampot na salitang iyon ay gumaan ang loob ko. Naappreciate nila, ng mga totoong kumilala sa akin, lahat ng mga nagawa kong sakripisyo. Hindi ko naman hiniling na gawin nila pero kusa nila itong ginawa.

Wala ako sa sariling napangiti. Muli ay inihilamos ko ang aking mukha sa tubig.

Pagkalabas naming pareho ni Michaendra ay narinig kong nagring ang cellphone niya. Sinenyasan nya ako na babalik sya kaagad.

Tumango ako kaagad. Naghiwalay kami dito at nagtungo na ako sa Dean's Office. Alam kong doon maghihintay si Yash sa labas.

"Kil!!!!"

O_O

Sinakubong kaagad nya ako ng yakap. Sa pagkabigla ko ay naiilang akong kumalas ng bahagya sa kanya.

"B-Bakit?" tanong ko sa kanya ng hindi ako tumititig sa kanya ng diretso.

"I'm so proud of you! Waaaah! Pakiss nga!"

"Subukan mong idikit yang labi mo sa pisngi ko hahalik ka sa lupa ng wala sa oras tamo" maangas na pagkakaharang ko sa kanya. Nginusuhan lang nya ako.

"Kainis ka naman eh! Panira ka ng moment huhu"

"Ano ba kasi iyon?"

Ngumiti muna ito ng pagkakalapad-lapad bago dukutin ang kung ano mang sa bulsa. Maya-maya ay iniayos na nya ang tindig kahit ang mga kamay nya ay nakatago sa likod.

"Ano ba kasi yan?"

"Tadaaaaaa!!"

O_O

"Ano ba yan?"

"Malamang! Cellphone!"

"Oo cellphone nga ang nakikita ko, pero ano yan? Hindi ba't meron ako nyan?"

"Gaga ka! Kunin mo!"

"Bakit nga?!"

"May tumatawag malamang! Kaya sagutin mo na bilis! Hihihi"

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now