CHAPTER 142: SPORTS FEST/Volleyball Part 1

33 17 0
                                    

Thrianne's POV

Kinaumagahan.

Kinusot ko ang mga mata ko at sinilip ang sinag ng araw sa kisame. Ang maaraw na umaga ang nagpagising sa akin.

Nagwarm up ako pagkabangon at nagpush ups.

"Thrianne,gising ka na? Yung gatas mo nandito, siya nga pala, pupunta dito si Mitch para samahan ako. Maiiwan na kita dito ha?"

Hindi ko siya sinagot. Abala ako sa pagpupush ups at sit ups kaya naman nang makarinig na ako ng kalampag ng pinto ay naisipan ko ng ipahinga ang aking katawan bago maligo.

Ang totoo, hindi ko naman talaga ginustong maglaro, kaso may putanginang naglista ng pangalan ko noon...wala akong magawa kundi ang maglaro..

At isa pa, hindi ko na pinatanggal ang pangalan ko sa listahan dahil masyadong abala para sa akin.

May nagtext rin sa akin kagabi, ang Red Ticket ng The 5 na galing kay Jehridale Callevein ay hindi na muling ipinakalat, ibig sabihin wala siyang next target? Tila yata nahinto ang kahibangan ng taong iyon.

Sabagay, anong mapapala niya sa pagiging pasimuno?

Akala niya siguro ay mapapatumba niya ako noon.

Nagbalik tanaw ako sa dating alaala ng nakaraan, noong wala pa ako sa SMU. Wala rin namang maganda ss mga alaalang iyon.

Tanging pagpapasakit ng murang isipan lamang ang mayroon.

"Hindi ko alam kung paano hihinto, wala akong magagawa"nasabi ko na lamang. Lumabas ako ng kwarto at ininom ang gatas na inihanda sa akin ni Orange.

Ininat ko ang aking likuran upang madigest ng mabuti ang gatas na iyon. Nagpasya akong hindi kumain dahil baka magka-appendicitis pa ako.

Kaya ko namang gumalaw ng walang laman ang tiyan.

Ilang saglit pang pahinga ay naligo na ako. Ang paghahanda sa katawan sa larangang ito ay hindi biro. Bukod sa lakas at stamina kinakailangan din ang presensya ng isip.

Tila mapayapa ang isipan ko ngayon. Hindi ako mahihirapang magfocus.

------

Ginamit ko ang bisikleta papasok ng SMU. Dinala ko ang sports bag na binigay ni Rin. Dala ko rin ang mga vitamins at sapat na gamot para hindi ako madaling magutom.

Ang kalsada ay tila nakikisama sa mapayapang isipan ko. Mabuti naman at wala masyadong tao. Maganda din ang bughaw na kalangitan, ang anino mula sa mga matataas na bahay ay pumapanig sa akin. Hindi naman sa ayaw ko sa araw, masyado kasing tirik iyon.

Pagkarating ko ng SMU ang mga manonood sa palaro ay nagsisibili ng kanilang mga makakain. Ang iba ay bumili ng mga merchandises at displays. May mascot pa doon na hinahambing sa isang Greek na babae na may dalang espada at sibat sa likod.

Ang lahat ng naroroon ay tila nasasabik. Hindi ko lang alam sa akin.

Apat ang teams na maglalaban, dalawa na nakaschedule sa umaga at dalawa sa hapon, sa madaling salita, ang tig-iisang team lamang syempre ang dapat manalo sa first quarter, at para malaman kung ano ang koponan na maglalaban sa hapon.

Panghapon ang sched namin. Ang kampiyonato ng NMU ay kinakailangang paglabanan ng mga schools na kalahok ng organisasyon. Balita ko ang SMU ay natalo last year.

Pero dahil isa na ako sa mga maglalaro ngayong taon sa SMU, wala lang. Ibibigay ko ang laro na sadyang okay para sa lahat.

Pero kung susumahin kaya ko naman silang patumbahin, kaso naaawa ako sa kanila..

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now