CHAPTER 144

44 19 1
                                    


CHAPTER 144

Natheleo's POV

Mukhang tama ang hinala ko.

Dahil masyadong in denial ang lokong si Jehridale malamang ay nagpunta iyon sa bundok. Napahilamos ako sa mukha.

"What are we gonna do? Hindi pwedeng mag-isa iyon!"

"Matigas ulo nun, pag ginusto niyang gawin talagang gagawin nun"kibit balikat na usal ni Airon. May kinuha siya sa likod ng kotse.

Hindi namin kasama si Shinichi, malamang ang magaling naming kaibigan ay kinikilig. Bakit ba parang hindi kami masaya para sa kanya? Nakakatawa hindi ba?

Dapat nga ay masaya kaming tatlo na nakakasama nila dito kaso ewan ko ba. Santisima!

"Bakit ba natin pinoproblema kung sakali ngang maging sila nila Shin?"kibit balikat na sabat na ni Airon, "maski ako di ko alam bat disappointed ako sa sinabi ni Kil pero, malay nyo, baka nagbibiro lang iyon, saka di nga natin alam kung aabot ang SMU sa finals diba?"

"At isa pa, ano na naman kung maging sila? Ayaw nyo nun? Hindi na malulungkot si Shin..."

Nanumbalik sa isipan ko ang pagkamatay ni Hanabi. Oo nga pala, hindi pa naman nakakalipas ang isang taon ng mamayapa siya. Nalungkot ako bigla para kay Shin, hindi ba kami masyadong selfish sa pagiging bias para kay Dale?

Lahat na kasi ay halos mayroon na kay Dale.

Ang kay Shinichi? Kalayaan at kapayapaan sa ginagalawan niya ang wala..

Nakokonsensya na talaga ako!

"Tim...paano na iyan? Yung manok natin mukhang....mabubulilyaso.."mariing bulong ko kay Timrelli na tahimik lamang na nakikinig. Tama si Airon, dapat siguro-

"To be honest, gusto kong makita ang progress ni Thrianne Kilein sa ating lahat...not for this dating shit.."

Napamaang na lamang kami ni Airon sa biglaang pagsasalita ng mokong.

"Hindi niyo ba napapansin, ang kalalabasan nito sakaling mag-agawan sila Dale at Shin sa iisang girl? Malaking problema iyan sigurado"

Nagkatinginan kami ni Airon. Naisip na namin ito noon pa, na what if ganoon? Na sakaling unang magkagusto itong si Shinichi kay Kilein, at saka naman sasabay ang feelings ni Jehridale para dito?

Talagang....napakalaki nitong gulo!

"Hindi ko magets kung bakit pumayag si Kilein kay Shinichi, kasi naman...isa siyang Kaede, natatandaan niyo ba noong Fencing Event?"

"O-Oo..."

"Mahigpit na magkalaban ang kanilang angkan pagdating sa mga negosyo at kalakalan, iyon ang narinig kong paguusap ng Lolo ko at ni Mommy sa bahay.."

Ah oo nga pala...ang kanilang hidwaan ay hindi makakalimutan. Ano nga bang binabalak ni Thrianne Kilein? Ang alam namin dito, wala siyang feelings para kay Shin..

Wala nga ba? Hays...

"Shemay! Kung sinasabi mo ngang magkalaban ang kanilang angkan ay...malabo talagang maging sila kung magkaganon!"

"Hindi mo rin masasabi iyan Nath.." pahayag ni Airon     "wala tayong alam sa magiging takbo nito pero, palagay ko ang isang tulad ni Kilein ang gagawa ng paraan para matupad ang gusto ni Shin..."

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now