CHAPTER 135

151 17 3
                                    

Chapter 135

Thrianne's POV

-_____-
(WHOLE MOOD KO NGAYON)

Pinipitik ko ang tuhod ni Rangovine dahil gusto ko syang patayuin. Tinatamad syang bumangon ngayon, Lunes na ngayon. Alam kong wala syang praktis pero pakiramdam ko gusto ko na lang syang sipain sa labas.

"Aray! Ihhhh ayaw ko nga kasing pumasok! Ang kulit ah!"

"Samantalang nung nakaraan na hindi ka pinapapasok gusto mo namang pumasok, tss"

"Eh sa ayaw ko eh! May magagawa ka?"

"Oo,"nginiwian ko sya at pagkatapos pwersahang hinila ang paa nya, "masyado ka ng nagpapahinga dyan, ako na lang gagawa ng paraan para habambuhay ka ng matulog-"

"A-Ahhh!!! Hahahaha! O-Oy! Ito naman!"aniya habang kinakaladkad ko na sya sa sahig, "o-oy Thrianne! Binibiro lang kita! A-ahhh!! Helppp! Gagawin na akong basahan!"

Pabagsak kong nilapag ang mga paa nya, kita ko sa mukha nya ang pamimilipit, pero pagkakita sa akin kaagad naman syang tumayo.

"Namumuro ka ah! Pasalamat ka-"

"Ano?"kompronta ko sa kanya habang blangko ang ekspresyon ko,"pasalamat na ano? Gawin kaya kitang bola"

Mabilis na namutla ang gaga at nag-iwas ng tingin. Alam siguro nya ang ginagawa ko sa bola kapag hawak ko na. Dahil malapad ang kamay ko, dinidiin ko ito at saka malakas na binabalibag sa pader. Warm up ko iyon before magstart ng training sa volleyball.

Nagbihis na siya at inihanda ang mga gamit. Dumistansya ako ng kakaunti dahil hindi pa sya naliligo.

"Napakaarte mo rin eh no! Kala mo hindi ka rin naliligo pag may sakit ka! Tse!"

Natunugan nya ang nasa isip ko. Nginiwian ko na lamang siya.

"Dami mong dada"

Naglakad na lamang kami papuntang school. Hindi ko muna ginagamit ang bike para masiguro ang kaligtasan ni Orange.

Mukhang balik sa dati ang lahat. Pero kataka-taka naman ang mga tao dito sa SMU, kapag kami ang nakikita ay nagiiwas sila ng tingin. Nagkatinginan pa kami ni Rangovine nang hindi man lang lumingon sa direksyon namin ang kampon ni Vanessa.

"Parang mga tanga, ang ganda ng araw ko tapos ganito wala man lang grand entrance or pawelcome party sakin?"sarkastikong anito ni Orange. Hindi ko na lamang sya inimikan.

Pagkaakyat pa namin ay walang estudyante kaming nakitang pakalat kalat. Nagsipasok ang mga ito kapag nakikita kami. Hindi ko alam kung anong problema ng mga nilalang na ito, kung mas weird ako ay mas mas weird ang mga ginagawa nila.

Pagpasok namin ng room ay si Princess ang unang nangamusta, kasunod ay si Prince Greg, mukhang nainip ang dalawa sa pagpapagaling ng kaibigan ko. Bukod doon, namamasid ko ang mga nagsitahimik kong mga kaklase, animo parang nakakita sila ng multo sa harap.

"May nakapagsabi kasi about sa pagkamatay ni Disinsyon, nakakabigla raw bakla, maraming haka-haka tuloy, kabilang yung nangyari kay Orange jusko mga tao"sabay hawak ng bakla sa noo. Napasandal ako sa sandalan ng upuan.

Ano naman ang kinalaman ni Rangovine kay Gary?

"May nagpakalat rin na maaaring ginantihan mo raw yung hayop na yun, kasi last time may nakakita raw sa taong pumatay sa kanya, babae raw, matangkad at--"

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now