CHAPTER 106

108 46 3
                                    

Thrianne's POV

Saglit akong umalis sa pinangyarihan ng pagbabalat ng ahas kanina. Hindi ko maipinta ang mukha ng Harly na iyon. Nanlilisik ang mga mata nya habang nakatitig sa akin.

Tila hindi nya inasahan ang pagdating ko.

Nandito ako ngayon sa rooftop. May naramdaman kasi akong kakaiba. At sa kutob ko, mukhang ang panganib na pinaghandaan ko ay nag-uumpisa ng magpakita.

Iyon kasi ang dahilan kung bakit ako naparito. Narinig kong tip kay Mitch na posibleng may pupunta ditong hindi ordinaryong tao.

Habang pinagmamasdan ko ang buong paligid ay natatanaw ko ang madilim na bahagi ng kinatatayuan ko. Mahirap maaninag dahil napakadilim, gayunpaman, mabilis kong nakakabisa ang lugar kaya naman sisiw na yan sa akin.

Inabot ng limang minuto ang paghihintay ko rito kaya napagpasyahan ko ng bumalik sa loob ng hotel ng lumitaw ang anino sa dilim. Inaaninag ko kung sino iyon pero dahil natural lang ang paningin ko, tanging ang distansya lang nya ang natatanaw ko. Kasunod pa non, nawala ang anino sa dilim at ang naririnig ko ay ang mga kalampag sa bubong at lagaslas ng dahon. May malaking puno kasi ang naitayo sa gusaling ito sa rooftop.

Dahan-dahan kong pinagmasdan ang paligid. Napaupo ako ng hindi sumasayad ang puwitan sa sahig. Nilalakasan ko ang aking pandinig at maya-maya pa, ang mahinang hagikhik ng kung sino na ang aking naririnig mula sa 3 metrong distansya.

"Tingnan mo nga naman," rinig kong wika ng isang lalaki na may pamilyar na amoy. Natitiyak kong palapit na ito sa akin, dahil sa distansya ng boses nya mula rito, "hindi ko akalaing makikita ko dito ang dati kong kaibigan...ang tinatawag na kalaban ng lahat"

O_O

Sabi na nga ba. Aldrico Espozo...

Nanatili akong walang imik. Ang segundong pagitan sa mga nagaganap ngayon ay tila napakabagal pa sa isang oras kung susumahin. Ang muli naming pagkikita, sa gitna ng buwan, isang reunion na hindi ko na hinihiling pang mangyari. Dinudumog ako ng aking konsensya.

"Matapos lang ng isang taon na pagtatago mo sa amin, basta ka nalang bumalik dito at tatangkilikin na lang basta ang pamilyang umagrabyado sa'yo? Hahah...anong nakain mo?"

"Hindi ka pa rin nagbabago Dynamo" tinawag ko sya sa kanyang codename, "sa dilim ka pa rin nakatira, anong sadya mo? Bakit ka narito?"

Lumitaw na sya sa kakarampot na liwanag. Kitang kita ko ang pagbabago ng mukha nya makalipas ng isang taong hindi ko pagpapakita sa kaniya. Nagkaroon ng mga itim na pagitan sa ibabang bahagi ng kanyang mga mata. Namumutla ang kanyang balat, ngunit nandoon pa rin ang kakisigan nito. Magulo ang kanyang hanggang taingang kulay asul na buhok.

Ang mga mata nyang puno ng pagdadalamhati at paghihiganti, galit at walang awa, iyon ang nagpalitaw sa anyong mabalasik. Sa paglitaw nito sa liwanag, ay iisa lang ang walang nagbago sa kanya, ang kanyang leeg na nagkaroon ng pasa dahil sa isang insidente.

"Ikaw ang sadya ko rito, Black" tawag nya rin sa codename ko. Nakapamulsa itong nilingunan ang kaunting liwanag.

"Hindi ko mapaniwalaan ang sinasabi mo"

"Nandito ang Callevein na target namin," pagpapatuloy nya, walang emosyon na nakatitig na sa mga mata ko, "ang hayop na iyon, magandang pagkakataon ito para makaganti"

"Ano ba ang ibig mong sabihin dito?"

Sa puntong iyon, ngumisi sya habang hinahawi ng hangin ang pareho naming pinaglalaban.

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now