CHAPTER 150

22 16 0
                                    

Adrian's POV

Ilang araw na ang nakararaan ng hindi pumapasok si Thrianne Kilein, at ang mga sabi-sabi sa SMU na napaexpel na siya ay unti-unting kumakalat. Wala akong mapagtanungan kung nasaan siya.

Si Prof Rin rin ay hindi siya mahanap, ayon kay Adrin..

Sila Mitch at Yashiko ay tikom ang bibig ukol dito. Sabagay, dati na akong pinagbantaan ni Yashiko tungkol sa kanilang kaibigan. Hays.

Matapos magexamine ng mga answers sa test papers ni Prof. Zang ay naabutan ko naman ang mga kabanda ni Shinichi na nasa labas ng room. Silang tatlo ay nagbubulungan at pagkatapos ay nagtatawanan.

Gusto ko sana silang kausapin kaso tila yata maaabala ko lamang sila. Hindi bale na lang.

Nang papaliko na ako ng daan ay nakarinig ako ng mga yabag ng pagtakbo patungo sa kinatatayuan ko. Nilingunan ko iyon.

"S-Senior! Hindi ka namin napansin pasensya na" hingal na hingal na ani ni Josh. Tinapik ko lamang ang balikat nito at nginitian ang mga kasama niya.

"Ano ang pinagkakaabalahan ninyong tatlo? Bakit hindi kayo nagpapraktis sa room?"

"May gagamit kasi ng room namin sir, eh naisipan na lang namin na pumunta sa bahay ni Wilson, tutal wala naman din kaming mga gagawin sa mga subs"paliwanag ni Crayden. Sumang-ayon naman sa kanya ang dalawa. Tinanguan ko lang sila, mabuti na rin iyon. Para naman makapagrelax sila.

"Sige, una na ako sa inyo...magiingat kayo"habilin ko sa kanila. Nagbabye ang mga ito sa akin at kanya kanya na kaming kumalas sa mga direksyon na tinatahak. Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa sarili.

Minsan para akong matanda magisip, hindi ko naiiwasan na tila isa akong may edad na kung magsalita, pero kadalasan nagiging teenager din kapag gusto kong mawala ang stress.

Maraming nakapagsabi sa akin niyon. Tinatawanan ko na lamang kapag napapansin nila. Hays.

Nitong mga nakaraang linggo ay hindi ako nagpapakita gaano sa madla, o maski ang makipagusap kay Prof. Rin upang maiwasan ang gulo sa pagitan nila. Napagalaman ko na kabi-kabilang mga mata sa paligid ang nakakasaksi sa mga kinikilos nila, at nakakapagtakang hindi sila naaalerto dito.

May mga sabi-sabi na patungkol sa dating buhay ni Kilein, mayroon na naririnig kong dinaragdag nila sa kwento, pero wala pa sa kalahati ang talagang nandoon. Ang pagkakakilanlan niya ay unti-unti na ring mabubunyag, ang nakaraan niya sa NMU at ang sekreto sa pagkakaexpel niya, iyon ang hindi ko pa alam.

Ang alam ko lang, ay ang miserable at walang kwenta kong buhay kasama siya before ng lahat ng iyon.

Pagbaba ko sa ground hall ay natagpuan ko naman ang limang lalaki na nagkukumpulan. Ang kilalang grupo ni Jehridale. Hindi ko na nga pala nakakausap ang ate nito, sabagay, distansya ang ginagawa ko sa lahat eh.

Pero hindi ko maiwasang tanungin siya kung ano kaya ang naiisip niya ngayon sa mga nangyayari? May mga napapabalita kasi na tila nagkakamabutihan na ang kanilang grupo sa dati nilang binubully na si Thrianne Kilein.

Hay.

Pero hindi bale na lang. Mas maiging hindi ako makita. Ramdam ko pa rin ang paguuyam sa mga nakatingin sa akin.

Naisipan ko ng bumili na lamang ng makakain sa labas, nang mabundol ako sa balikat. Nag-angat ako ng tingin kung sino ang nakabundol sa akin, at napamaang pa ako ng makitang si Shinichi pala ang nakabangga sa akin.

"S-Senior sorry, nagmamadali ako"

"Sige...ayos..lang"hindi na ako narinig ng binata na sinabi ko iyon dahil kumaripas na ito ng takbo. Wala ba siyang dalang kotse? Parang uuwi pa ata siyang tumatakbo?

THE UNEXPECTED Season 2Kde žijí příběhy. Začni objevovat