CHAPTER 142: SPORTS FEST/Volleyball Part 1

Start from the beginning
                                    

Nagpunta na ako ng cr para makapagbihis. Naroroon na din ang iba sa mga kasamahan ko.

"Aba, akala namin ay hindi ka na susulpot, minsan ka lang nagpraktis kasama namin"bungad ng aming libero. Hindi ko siya inimikan.

Bakit pa ako magpapraktis kung mas mahusay pa ako sa inyo?

Sarap sabihin ang ganito sa kanya pero nakakaawa naman at baka hindi pa ako hayaan maglaro.

Katulad noon...

Hindi umiimik ang katabi nito na medyo may katangkaran din, pero sa aming titigan malamang masasabi ko ang gusto nyang sabihin.

Hambog..

Hindi ko namemention sa ibang chapters ang tungkol sa minsanang praktis ko noong unang buwan na pinalista ako, madalas na hindi ko nakakasundo ang mga players maliban sa libero at ang captain at ang vice captain.

Nabanggit din naman sa ilang chapters sa season 1 ang mga pangalan ng mga taong iyon pero hindi ko na matandaan. Hindi naman sa makakalimutin.

Ganon siguro pag hindi ako interesado..

After ko magsuot ng sapatos ay napansin kong nauna na silang lumabas. Lumabas na rin ako at naginat ng leeg.


Jehridale's POV

"Bat parang ako pa yung kinakabahan na ewan bro? Haysh"nakangiting usal ni Timrelli. Sinamaan ko ito ng tingin.

Nakarating na rin kami sa SMU dahil sinundo pa nila ako sa bahay, itong mga toh na parang hindi mapakali maliban kay Shin, hinila pa ako sa pagkakatulog ko.

Ano ba kasing meron ngayon at ganito nalang tong mga kasama ko? Parang mga tanga

"Mapapanood na natin maglaro si Kilein! Excited na ko wohoo santisima! Sakto marami akong nabiling energy drinks makakatulong sa kanya toh!"si Nath. Inis akong binalibag ang kumot.

"Eh-ano?! Ginising nyo ko para lang mapanood ang babaeng iyon?!"

"Bakit sinabi ba naming ikaw lang? Ginising ka namin para makasama ka"si Airon na nakangisi lang habang nakasandal sa tabi ng malaking salamin.

"Ih! Ano namang gagawin ko kapag napanood ko?! Ni hindi ko na nga kinakausap yan!"

"Sino ba kasing tarantado ang naglista ng pangalan nya dati sa club? Di ba ikaw?"si Timrelli. Inirapan ko lang siya. Aba't sinisisi talaga ako ng mga ito ah.

"S-Sinisisi mo na ako ngayon nyan?"

"Hindi ah, hahaha, buti nga naisipan mo yan, e di may nalaman tayo na may alam pala sya sa sports diba? Akalain mong mapapanood na natin siya talaga maglaro ngayon"mas excited pa siya ngayon. Napapikit na lamang ako sa inis.

Nagcheck ako ng text mula sa mga inatasan kong estudyante na magmanman kay Thrianne Kilein at sinabi ng mga ito na naroon na ito.

Sinilip ko si Shin na nakaupo lamang at tila chill na nagbabasa ng libro. Napabusangot ang mukha ko.

Ayos tong si pretty boy ah, pauwiin ko kaya itong mga ito?

"Tol maligo ka na!"tulak sa akin ni Natheleo. Kinuha ko ang nakaready na mga damit at saka sinamaan ng tingin ang kaibigan ko.

Lagot talaga kayo sakin pagkalabas ko dito..

--------------

"Oh ayan! Nahuli na tayo! Napakabagal kasi!"marahas na kamot ni Natheleo sa ulo. Hindi ko maiwasang mapangiti sa sama ng tingin sa akin ng mga kaibigan ko.

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now