"Opo!"

"Baka makita ko siya, maglalaro ba siya mamaya?"

"Opo ata, don't you worry Grandmother! Makikita at mapapanood mo siya mamaya!"

Reto unlocked!

Napa-yes pa ako ng bulong. Sana okay siya kay Lola, gustong-gusto ko talaga ang batang iyon. Matagal ko na kasing inaasam na magkaroon ng little sister noh!

Kaso ang asungot na kapatid ko ang dumating, hindi bale, pasalamat siya gifted sya, lalo nga lang sa kayabangan!

"Nandito na po tayo Ma'am Zeinalle,"pagopen ni Kuya Jed sa pinto ng kotse. Inalalayan ko si Lola habang naglalakad na lumabas ng kotse.

Nasa NMU na kami. Semi-private University na kung saan nagkalat ang mga athletic na tao.

"Grabe, ito na pala ang NMU ano?"

"Opo 'la"

"Malaki na rin ang pinagbago simula ng una ko itong napuntahan..."ngiti niyang sambit saka sumilip sa akin. Napanguso ako.

Oo nga pala, matagal na rin noong huling naratay noon si Lolo Zeico, hindi na nabisita ni Lola ang mga lugar noon kaya ayun...tengga sa pagaalaga kay Lolo...




Ivory's POV

"5 teams ang isasalang ngayon, kada iisang sports, kinakailangan pokus lang! Huwag kalilimutan ang mga naipractice ninyo! Naintindihan niyo NMU?!"hindi ko alam kung seryoso si Coach sa pagaapproach sa amin o parang pinepressure kami. Pagkakabigkas nya palang sa unang pangungusap ikanga ay may kakaibang kahulugan sa akin.

Gayunpaman ay hindi ko na pinansin iyon. Nakisama na lang ako sa mga 'teamwork' na kung tawagin nila.

Kung tutuusin hindi naman big deal sa akin ang mga kasama na kagaya nila. Kaya kong manalo ng wala sila. Magaling ako eh.

Nakajackets pa kami na galing sa NMU Women's Volleyball Club, ang mga player ay kanya-kanyang gawa ng paraan para pakalmahin ang sarili. Aniya, nasa sariling court nga naman kami at hindi kami maaaring lampasuhin dito first day pa lang.

Hindi pa naman volleyball ang unang isasalang na sports sa kinaumagahang iyon, kaya naisipan kong magtungo sa cr.

Pagkalabas ko ng mga oras na iyon ay nasaksihan ko ang pagbaba ng sasakyan ng iilan sa mga siguradong bigating tao. Hindi ko namumukhaan ang iba sa kanila. Pero may isang pamilyang naagaw ang atensyon ko.

Ang pamilyang ito ay minsang nakikita ko sa NMU, palaging nakasuot ng itim. Ayon sa sabi-sabi ay sila raw ang nagmamay-ari ng NMU pero hindi naman makumpirma kung totoo ito. Dahil hindi pa naming nakikita ang may-ari ng NMU, tanging ang Director lang ang nakikita namin.

Araw-araw sigurong may libing...

Natawa ako sa iniisip. Anong laban ko sa mga bigating tao? Hindi ko nga kilala ang mga 'yan.

"Ang Ivory na kilalang hangal pagdating sa paglalaro, nakakabili ng Nike? sa bangketa siguro sya nakakabili hahaha"rinig ko ang paguusap ng iilan sa cr. Syempre, hindi pa naman ako masyadong nakakalayo, at isa pa bandang gate ang comfort room.

Hindi na ako nagugulat sa mga ganong lait sa akin. Nakakuha lang naman ako ng scholarship dahil mahirap kami.

Naririnig ko mula sa ibang mga nag-aaral rito na mas grabe ang pakitungo ng Diamonde University sa mga mahihirap, gayundin ang SMU. Marahil nakakaranas doon ang ibang mga kaibigan nilang naroroon o di kaya ay mga kamag-anak nilang nag-aaral doon.

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now