"Hindi ko na alam Lee, hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa mga sinasabi mo ngayon. Hindi dapat tayo nagkakasakitan. Hindi dapat ganito ang nangyayari sa atin. Siguro hindi talaga t-ayo.. ang para sa... isa't-isa" nasasaktang sabi ko dito.


"May problema ba dito? Iya? Bakit ka umiiyak? Nakita pala kami ni Josh, pinunasan ko agad ang luha ko at si Lee naman ay lihim din na pinunasan ang mga luha sa mata niya.


"Hindi pa kami tapos mag-usap, maari bang iwan mo muna kami" sabi ni Lee.


"Okay ka lang ba Iya? Gusto mo bang samahan kita?" nag-aalalang tanong ni Josh.


"O-kay.. lang ako. Tapos na tayong mag-usap Lee. M-auna.. na kami" sabi ko dito.


"So, ganun na lang  ba talaga yun? Hindi mo ba nakikitang may gusto sa'yo itong Buchok mo Yan? hahaha..I should have known. Lalaki siya ako ano ba ako? Babae din, hindi ako ganun kalakas para maprotektahan ka, hinding-hindi natin maipapakita sa lahat na nasa relasyon tayong dalawa ng walang manghuhusga. Isang relasyong pinagbabawal at pinandidirian!" puno ng sarcasm na sabi nito.


"Hindi ganun kababaw ang isip ko Lee kung yan ang iniisip mong dahilan ko. Ni minsan Lee, hindi ko kinuwestyon ang pagkagusto ko sa'yo. Hindi ko minsan inisip ang mga sasabihin ng ibang tao. Ni hindi ko nga inisip ang sasabihin ng mga kaibigan at pamilya ko dahil ang alam ko lang nagkagusto at nagmahal lang ako. Hindi masamang magmahal Lee basta't wala ka lang inaapakang tao pero sa ngayon ang iniisip ko lang ang tama at kung ano ang mas nakabubuti sa lahat" mahabang paliwanag na sabi ko dito.


"Nakabubuti ba? ..Kung ganun ang limutin ang lahat ng nangyari sa atin ang tamang gawin..Kung yan ang gusto mo fine!" naglakad ito papunta kay Josh.


"Ikaw na ang bahala kay Yan..Josh, mas bagay kayo. Alagaan mo siya dahil deserve niya yun" lumingon naman ito sa akin.


"Hindi ko alam kong makakaya kung kalimutan ang masasayang araw na magkasama tayo Yan dahil sa mga araw na yun totoo lahat ang ipinakita ko sa'yo, naging masaya ako noon at hindi mo alam kung gaano ako nagpapasalamat na nakilala kita. Pero kung ito ang gusto mong mangyari sa ating dalawa..nirerespeto ko ang desisyon mo" yun lang huli nitong sinabi at naglakad na ito palayo. Hindi ito lumingon at narinig ko na lang na may tunog ng sasakyan palabas ng bahay ni Faith.


Inalalayan naman ako ni Josh dahil biglang nanghina ang tuhod ko at ang sama ng pakiramdam ko. Bigla na lang bumuhos ang luha sa aking mga mata. Niyakap naman ako ni Josh para pakalmahin sabay hagod sa likod ko.


"Oh, lumalabas na naman ang pagka-Iyakin mo..tahan na. Ang dami mo na yatang nailuha, hindi ka pa nga kumakain. Umupo ka na lang muna doon at ikukuha kita ng tubig" turo nito sa upuan sa may hardin.


"H-uwag na Buchok..p-wede bang iuwi mo na lang ako. Sorry kung nadamay ka pa sa kadramahan ko ngayong gabi. Nag-eenjoy ka na dapat ngayon at may kasayaw na iba't-ibang chicks" sinubukan kong makipagbiruan dito.


"Ano ka ba Iya, makakapag-antay naman ang mga chicks ko pero ikaw, hindi kita iiwang mag-isa, palagi lang akong nasa tabi mo gaya noong mga bata pa tayo" sabi naman nito na nagpaluha na naman sa akin.

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Where stories live. Discover now