"Hindi Yan, kailangan kong magpaliwanag sa'yo dahil kahit hindi mo sabihin, alam kong nasasaktan kita. Hindi ko naman sinasadya pero kahit ano yatang gawin ko, nasasaktan parin kita Yan at ayokong makita kang nasasaktan dahil lang sa akin" hinawakan naman nito ang kamay ko.


"I'm sorry sa lahat ng nagawa ko Yan, hindi ko intensyong saktan ka. Napakahalaga at espesyal mo sa akin. Please give me another chance Yan, para maipakita ko sa'yo at maiparamdam ko sa'yo kung gaano ka ka-importante sa akin. Alam ko dapat noon palang sinabi ko na sa'yo kung ano tayo o kung ano man ang gusto kong mangyari sa ating dalawa. Dapat ipinakita ko na sa'yo na I mean what I said that I like you at malinis ang intensyon ko sa'yo. Pero,  napakagulo lang ng isip ko ng mga panahon na yun. Ngayon, I'll make it rig--"


"Lee, gaya ng sinabi ko hindi mo na kailangan magpaliwanag sa akin. I get it at naiintindihan ko lahat" tinanggal ko ang paghawak ng kamay niya sa akin.


"Talaga Yan!" halata ang tuwa sa reaksyon nito.


"Oo, kaya hindi mo na kailangan banggitin ang nakaraan dahil tapos na yun" dagdag ko pa dito.


"So, ibig mo bang sabihin, binibigyan mo pa ako ng second chance? masayang tanong nito.


"Hmm..Lee, I'm sorry pero lahat ng nangyari sa atin noon.... Gusto ko sanang kalimutan na lang natin. Mas mabuti nalang na maging magkaibigan tayo. Masaya naman tayo noon diba? Kahit magkaibigan lang tayo, wala masyadong drama at hindi na sana naapektuhan yung iba pa natin na kaibigan dahil sa nangyayari sa ating dalawa."


"A-nong ibig mong sabihin Yan??..na ganun nalang yun? Impossible naman ang gusto mong mangyari Yan. Hindi ganun kadali yun!" hindi makapaniwalang sabi nito.


"Mas mabuti nang ganito Lee, mag-move on nalang tayo" sagot ko naman.


"M-ag-move on..?? Naririnig mo ba ang sinasabi mo Yan? Sa tingin mo ganun nalang kadali yun? Bakit? Dahil ba..... m-ay... J-osh.. ka ...na?" puno ng hinanakit na sabi nito.


"Walang kinalaman si Josh dito!"


"At talagang pinagtatanggol mo pa ha?" sarcastic na sabi nito.


"Pwede ba Lee, kung makapagsalita ka parang ako lang talaga ang may kasalanan sa nangyayari sa ating dalawa ngayon. In the first place, sino ba ang nag-lead sa akin na akala ko gusto mo talaga ako? N-a.. a-kala ...ko ako lang. Hindi mo nga naikwento ang nakaraan mo Lee, ninyo ni Faith. Alam mo ba kung gaano kasakit maging r-ebound?. At ng bumalik na nga ang f-irst... love mo.. na kay Yuri ko pa talaga nalaman. Bigla mo nalang akong iniwan sa ere Lee.. Nagmukha akong tanga! Ginawa mo akong tanga! Pero gising na ako Lee, masyado na akong nasaktan at pagod na pagod na akong masaktan!" umiiyak na sabi ko dito.


"So, pagod ka na ..Alam ko naman na nasaktan kita Yan. Pero paano ko maiibsan ang lahat ng sakit na nararamdaman mo kung ni minsan hindi mo ako binigyan ng chance na magpaliwanag sa'yo, Ni minsan hindi mo ako kinuwestyon sa lahat ng nangayari?. Hindi kita ginawang tanga Yan, ni minsan hindi ko inisip na tanga ka o rebound ka lang. I'm sorry kung yun ang naiparamdaman ko sa'yo" naluluhang sabi nito.

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon