Tumango ako. "Gagawin ko na rin iba kong requirements dito habang wala ka."

Ngumiti siya bago tumango saka ako hinalikan. "Alis na ako. Balik ako mamaya."

"Ingat ka."

Kumaway pa siya bago lumabas ng unit. Napabuntonghininga ako nang mapagtanto na mag-isa lang ako dito sa unit niya sa buong maghapon. Pumunta na lang ako sa gamit ko saka kinuha ang art materials para gawin ang mga assignment na kailangang ipasa sa Monday.

It was always like this whenever we met. Tuwing siya ang umuuwi ng Tarlac, pareho kaming busy sa pag-aaral. At kapag nasa condo niya ako, pumapasok siya kahit na dapat, wala naman siyang pasok every weekends.

Mommy also told me na, sa sobrang dami ng ginagawa sa URST, hindi kumakasya ang oras na mayroon kada subject kaya normal lang na magkaroon ng special classes every weekend.

The first semester of our first year in college ended that way. Malungkot kasi nasa pag-aaral na ang focus namin pero kahit papaano, nasasanay na rin ako sa sitwasyon naming dalawa. After all, we're only chasing our own dreams. College na kami at hindi na kami p'wedeng mag-chill katulad ng ginagawa namin noon.

"Pupunta nga pala ako ng US next week. Buong week akong nandoon," sabi ko kay Fierro habang nakapatong ang ulo ko sa lap niya.

Tulad ng mga nagdaang buwan, kahit na semestral break na, may short-term classes pa rin siya na need niyang i-take. Three subjects lang naman pero kahit na gano'n, puro naman 'yon major kaya hanggang ngayon, puro aral pa rin ang ginagawa ni Fierro habang ako, nakatanga lang.

"Bakit? Anong gagawin mo ro'n?" tanong niya habang nagsusulat sa table.

I sighed. "65th birthday ni Lola. She wants us all there."

Tumango-tango siya bago ibinaba ang ballpen saka itinuon ang atensiyon sa akin. "Will you be alright there? Hindi ba, galit ka sa kanila?"

I sighed. I remembered all those things that Mommy endured while she's pregnant with me. Hindi ko pa rin sila kayang tingnan katulad ng kung paano ko sila tingnan noon.

"Well, hindi ko alam. Ayaw ko nga sanang pumunta kaso kailangan daw lahat. Ayaw ko namang maging official black sheep ng pamilya, kahit na naging black sheep na ako noong hindi ko pinili ang pagdo-doctor." I chuckled. "Pero I'll be okay."

He smiled a little. "Call me from time to time, hmm?" I nodded. "Tatawag din ako sa 'yo palagi."

Ngumiti ako bago hinawakan ang kaliwang pisngi niya gamit ang kanang pisngi ko. Lumunok siya bago tinanggal ang suot na salamin saka yumuko para halikan ako. Ipinikit ko ang mga mata bago tuluyang gumanti sa mga halik niya.

Muli, naramdaman ko na naman yung pakiramdam na naramdaman ko noong unang beses na mag-stay kaming dalawa sa k'warto niya, pero binalewala ko na lang dahil sa tuwing iniisip kong gagawin namin ni Fierro 'yon, naaalala ko ang sinasabi ni Mommy.

'Wag kang gagawa ng bagay ng ikapapahamak mo. Pinagkakatiwalaan kita, Calista.

***

Halos isang linggo akong inip na inip sa US.

Sa tuwing nagpa-party sila sa bahay, lagi lang akong nakakulong sa k'warto dahil wala naman akong ka-close sa mga 'yon. Nandoon din naman ang mga pinsan ko pero hindi ko rin naman sila ka-close kahit na hindi pa kami lumilipat ng Tarlac.

"Miss ko na jowa ko," sumbong ko kay Solari na kausap ko sa video call.

Tumawa siya. "Magbi-break na kayo niyan!"

Umirap ako sa kan'ya. "Shut up nga! Gano'n ba talaga kapag walang jowa?"

Humagalpak siya ng tawa bago ipinakita sa akin ang nag-i-standing ovation niyang middle finger. "Choice ko naman ang 'wag jumowa, Calista! Kaya kong jumowa kahit ngayon pa kung gugustuhin ko, 'no!"

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now