“Dito ka na ba mag-dinner?” tanong niya.

Umiling ako bago tumingin sa kan’ya. “Anong oras na ba?"

“7:30.”

Tuluyan ko nang tinapos ang isang regalo na binabalutan ko. “Kailangan ko nang umuwi. Sorry, ikaw na lang magbalot ng natitira. Tatlo na lang naman, eh. Kaya mo na ’yan! ’Wag mo kakalimutang lagyan ng pangalan para hindi magkahalo-halo, ah?”

Kinuha ko ang bag at ang paper bag na naglalaman ng ibang pinamili ko.

“Samahan kita sa sakayan ng jeep,” sabi niya.

Tumango ako at saka kami umalis nang sabay. Habang naglalakad papuntang highway, nag-text ako kay Mommy na uuwi na.

“Next time, kukuha na talaga ako ng sasakyan para maihahatid na kita deretso sa bahay n’yo,” sabi niya.

Tinawanan ko siya. “Hindi naman na kailangan, Fierro. Kaya  ko naman.”

“Sana pala nagpasundo ka na lang ulit sa driver mo.”

Umiling ako. “’Wag ka ngang mag-alala sa akin, kaya ko naman.”

Nang makarating kami sa waiting shed para maghintay ng jeep, nagsalita ulit siya.

“Kapag . . . ano . . . kukuha na talaga ako ng sasakyan para madali kang mapuntahan.”

Napakunot-noo ako bago lumingon sa kan’ya. “Kapag ano?”

Ngumiti lang siya bago tumingin sa highway saka pinara ang jeep na papalapit sa amin.

“Ingat ka pauwi.”

Kumaway ako sa kan’ya bago sumakay ng jeep. “See you tomorrow!”

Nang umalis na ang jeep at makapagbayad ako ng pamasahe, muli kong naalala yung huling sinabi ni Fierro.

“Kapag . . . ano . . . kukuha na talaga ako ng sasakyan para madali kang puntahan.”

Ang ibig bang sabihin ng “kapag ano” niya ay “kapag nakapasa siya sa university sa Manila”? Kung makakapasa siya ro’n at sa Manila siya mag-aaral, maiiwan ako dito sa Tarlac.

Gusto kong maging masaya para sa kan’ya pero hindi ko rin mapigilan maging malungkot kasi magkakalayo kaming dalawa. Alam kong mali itong nararamdaman ko ngayong gabi pero hindi ko kasi maiwasan.

Kaya ba namin pasukin ang LDR?

Lately, sobrang clingy namin sa isa’t isa. We kissed everyday, saw and touched each other . . . hugged and held hands everytime we could. Long distance relationship would be very hard for me.

Kung kaya niya . . . baka ako, hindi.

Kung papasa siya, gusto kong sa Manila na lang din mag-aral. Pero hindi ko kayang pag-aralin doon ang sarili ko sa kurso na kukuhanin ko. Malaking tulong ang scholarship na makukuha ko dito sa Tarlac kaya . . . dapat lang na manatili ako rito.

Pero . . . paano kaming dalawa?

Nang makarating sa bahay, nagpalit lang ako ng komportableng damit sa k’warto, bumaba na ulit ako para kumain ng dinner.

Sa gitna ng pagkain namin, hindi ko makalimutan yung mga nasa isip ko kanina sa jeep kaya naman nadala ko ang pagiging tahimik at walang gana habang kumakain.

“May problema ba?” 

Nag-angat ako ng tingin kay Mommy nang nakakunot-noo. Doon ko lang na-realize kung tungkol saan yung sinasabi niya.

“A-Ahh, w-wala po.”

Sinubukan kong ituloy ang pagkain pero wala talaga akong gana. Nalulungkot talaga ako.

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now