I smiled at her but I stopped midway when I watched her stand up and smiled at me timidly.

She looked like the other person on my drawing!

Yung tipid na ngiti na walang eye-smile, alam kong siya ’yon kahit na nakabagsak ang buhok niya!

“Ingat kayo pauwi!” sabi ni Solari. “Nice meeting you, Fierro! Salamat sa kape!”

Nagpaalam lang si Fierro sa kanila pabalik. Napatango na lang ako habang pinanonood sila na lumabas ng coffee shop malapit sa university.

“Paano ’yan? Mukhang hindi siya yung hinahanap mo,” sabi ni Fierro habang nakatingin sa akin.

Humarap ako sa kan’ya. “Hindi siya yung na-meet ko noon.”

Umawang ang bibig niya bago tumawa nang mahina. “Oo nga.”

Umiling ako bago humarap nang mabuti sa kan’ya. “Pero siya yung isa sa dalawang d-in-rawing ko. Siya yung matipid ngumiti sa picture na nilagyan ko ng eye-smile sa drawing. Alam kong siya ’yon kahit na yung ayos niya, katulad na katulad ng sa Destinee na na-meet ko noon.”

Umiwas ng tingin ang mga mata niya kasabay ng pagkamot sa ulo.

“Hindi ko maintindihan.” Tumingin siya sa akin. “Bakit sinabi niyang wala siyang kapatid?”

I sighed before sipping from my decaf latte. “Hindi ko alam. Nalilito na rin ako.”

Alam kong kambal sila noong d-in-rawing ko sila. Magkamukha sila, sobra, tapos magkapareho pa sila ng damit. Imposibleng magkamali ako dahil sobrang importante sa akin ng pangyayaring ’yon.

Nagbuga siya ng malalim na buntonghininga.

“Hayaan mo na, huwag mo na masyadong isipin. Kung sinabi niyang wala siyang kapatid, baka nga hindi siya ’yon. Tutal, anim na taon na rin yung nagdaan, Calista. Imposible na gano’n pa rin ang itsura nila mula noon hanggang ngayon.”

Napanguso ako bago humihop sa kape ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa kasi hindi nangyari ang inaasahan kong mangyari.

At hindi ko nakita yung taong matagal ko nang ipinagdarasal na makita.

Nang maubos namin ni Fierro ang cake at coffee namin, naglakad na kami papunta sa sakayan ng jeep pauwi, tutal, marami pa kaming gagawin.

“Kumusta yung PerDev mo?” tanong niya.

Nagkibit-balikat ako. “Matatapos na.”

Ngumiti siya. “Very good.”

“Ikaw?” tanong ko.

Ngumisi siya. “Tapos na.”

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng malawak na pagngiti. “Talaga?! Ang bilis, ah!” We laughed. “Anong nilagay mo sa ‘where do you see yourself in five to ten years?’”

Tumawa siya bago ginulo ang buhok ko. “Secret. Malalaman mo rin soon.” Ipinatong niya ang kanang kamay sa kanang balikat ko pagkatapos.

Napanguso ako bago humawak sa baywang niya. “Malapit na pala finals, ’no?” I sighed. “Saan ka mag-OJT?”

Lumingon siya sa akin. “Kung saan ka mag-OJT.”

Ngumiti ako. “Talaga?”

Yumuko siya para patakan ako ng mababaw na halik sa labi. “Talaga.”

Tumawa ako kasabay ng paghampas sa kan’ya dahil sa naging epekto ng ginawa niya sa akin. Ilang sandali pa, may huminto ng jeep sa harap namin kaya sumakay na kami kasabay ng mga college student na kasama naming naghihintay kanina.

Habang bumabyahe pauwi, sinabi ko na kay Fierro ang mga nasa isip ko simula pa kanina.

“May sasabihin ako.”

Tumingin siya sa akin. “Ano?”

Nagbuntonghininga ako bago ngumiti. “Yung pagkuha ko ng course, nakadepende sa resulta ng scholarship test natin.”

Napakunot-noo siya. “Anong ibig mong sabihin?”

Suminghap ako bago sumandal. “Mahirap yung test natin, sa totoo lang. Hanggang ngayon, 50-50 pa rin ang chance kung papasa ako o hindi kasi marami talaga akong hindi alam. Kaya naisip ko . . .” Lumingon ako sa kan’ya. “Kung makakapasa ako at makakakuha ng full scholarship, itutuloy ko ang Fine Arts. Kung hindi ako makapasa, susundin ko yung gusto ni Mommy.”

Nag-iwas kaagad ako ng tingin sa kan’ya pagkatapos dahil ayaw kong mahalata niya na hindi ko talaga gusto itong desisyon ko. Pero bago pa man ako umiwas ng tingin sa kan’ya, nakita ko na ang pagkurap at paglunok niya na parang alam na niya ang sasabihin ko.

“Hindi mo kailangang gawin ’yan. Sundin mo ang gusto mo. Calista, buhay mo ’yan. Susundin mo yung mommy mo tapos habang-buhay kang mabubuhay sa buhay na hindi mo gusto?”

Tumawa ako nang mahina bago pinindot ang ilong niya. “I’m just being fair to my decision-making. At least, dito, may choice talaga. May stake—may consequences. At may tension kasi hindi ko alam anong mangyayari at anong mapipili ko.” I chuckled.

He sighed before leaning his back too and closing his eyes. “Sabagay. Sigurado rin naman akong makakapasa ka sa scholarship—makakapasa tayo.”

Tumawa ako. “Kapag lumabas na yung resulta, saka ko na sasabihin kay Mommy.”

Bahagya niyang iminulat ang mga mata saka gumiti sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko saka pinagsalikop ang mga daliri namin.

“Calista, may hiling ako.”

“Hmm? Ano?”

Umalis siya sa pagkakasandal saka mas lumapit sa akin. “Magtiwala ka sa akin.”

Napakunot-noo ako bago tumawa. “Of courss. May tiwala ako sa ’yo, ’wag kang mag-alala, okay?”

Ngumiti siya. “Baka maging busy kasi ako. May mga araw na hindi ako makakapasok. Babalitaan na lang kita kapag ayos na, ha?”

Napanguso ako. “Hindi mo ba p’wedeng sabihin ngayon?”

Umiling siya. “Baka ma-jinx, eh.” He laughed. “Basta magtiwala ka sa akin.”

Tumango-tango na lang ako bilang tugon. “Dahil sinabi mo, magtitiwala ako sa ’yo. Basta ipangako mo sa akin na hindi ka mapapahamak sa ginagawa mo at maayos ka lang palagi, ha?”

Ngumiti siya bago hinalikan ang likod ng palad ko. “Okay na okay ako dito, Calista. Basta magtiwala at maniwala ka lang sa akin, maayos na ako.”

I smiled. “Okay, then. I will trust and believe in you.”

Nagtuloy-tuloy ang kwentuhan namin hanggang sa bumaba na kami sa harap ng village. Naglakad kami papasok at inihatid niya ako pauwi.

“Pasok ka muna?” tanong ko.

Umiling-uling siya. “Marami pa akong gagawin at aasikasuhin. Pero kung gusto mong magkita mamaya, p’wede naman.”

Ngumiti ako bago umiling. “Hindi na. Magkita na lang tayo bukas at gawin mo na lahat ng dapat mong gawin para masolo na ulit kita.”

Tumawa kaming dalawa.

“O, sige na. Pumasok ka na,” he said.

Tumango ako bago kumaway sa kan’ya. “Mag-ingat ka, Fierro. See you tomorrow!”

He smiled. “Tatawag ako mamaya.”

Tumango ako bago pumasok saka isinarado ang gate.

Love At The Coffee ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon