I have already got rid of calling her ate kasi hindi niya naman ipinaramdam sa akin kahit isang beses na mas matanda siya sa akin. She was the best cousin for me . . . and my best friend. Calling her ate only happens when I feel guilty about something.

Umiling siya. "Ayos lang ako, mamaya pa namang 9 a.m. ang pasok ko. Maaga lang talaga akong nagising."

Tumango ako. Ilang sandali pa, naupo si Tita Luna sa kabisera ng lamesa, pinananatili ang tingin sa akin.

"Tungkol na naman ba 'to sa course mo?" Hindi ako nakasagot. Nagbuntonghininga siya. "Bakit ba hindi na lang bitiwan ni Celestine ang tungkol sa bagay na 'yan? Bakit hindi ka na lang niya suportahan sa gusto mo?"

Nangilid ang mga luha ko bago sumagot. "Wala raw pong pera sa art . . . at ako raw po ang may kasalanan kung bakit hindi natupad ang pangarap niya. Sinira ko raw ang buhay niya."

Sunod-sunod na namang tumulo ang mga luha ko matapos maalala kung gaano kasakit ang naramdaman ko noong sinabi ni Mommy sa akin 'yon kanina. Uminom ulit ako ng tubig.

"Kailan sinabi 'yan sa 'yo?" tanong ni Solari.

"Kanina lang." I sniffed. "Binigyan niya kasi ako ng deadline na hanggang ngayon na lang daw ako p'wedeng mag-decide tungkol sa course. Pinaglaban ko yung gusto ko at sinabi ko sa kan'ya yung mga paraan para mapag-aral ko yung sarili ko. Nagalit siya at sinampal ako tapos . . ." Nanginig ang mga labi ko. "S-Sinabi na niya lahat ng masasakit na salita na hindi ko inaasahang marinig mula sa kan'ya."

Sinubukan kong pigilan ang muling paghagulgol pero hindi ko talaga kaya. Hindi ko matanggap lahat ng mga salita ni Mommy. Hindi ko kayang sikmurain kaya ngayon, parang nagagalit ako sa sarili ko.

"Ano po bang nagawa ko para magalit siya sa akin nang gano'n?" I sobbed. "Sa lahat ng sinabi niya kanina, parang . . . parang nagsisisi siya na pinanganak ako, Tita Luna. Parang nagsisisi siya na naging anak niya ako—na naging magulang ko siya."

Narinig ko ang mahabang buntonghininga ni Tita Luha bago hinawakan ang kamay ko. Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya at nakita ko ang malulungkot niyang mata na nakatingin sa akin. Si Solari naman ay patuloy sa paghagod ng likod ko.

"Sa totoo lang kasi, mahirap din yung pinagdaanan ng mommy mo. Pero hindi tama yung mga ginagawa niya sa 'yo—yung mga sinabi niya sa 'yo. Wala kang kasalanan. 'Wag kang makinig sa kan'ya. Wala kang ginawang mali. Inosente ka, Calista. Maniwala ka sa akin."

Napakunot-noo ako sa mga sinabi ni Tita Luna.

Bigla kong naalala, matagal na silang mag-boyfriend ni Tito bago sila nagpakasal. Kung gano'n, posibleng kakilala rin ni Tita Luna si Mommy simula pa noon at baka may alam siya sa mga nangyari kung bakit ganito siya ngayon. Bakit hindi ko kaagad naisip 'to noon?

"Bakit, 'Ma? May alam ka?" tanong ni Solari bago naghila ng upuan sa tabi ko saka naupo. "Chika mo naman sa amin."

Suminghot ako. "P-Pwede ko po bang malaman? Matagal ko na kasing kinukwestiyon ang sarili ko—kung may nagawa ba ako sa kan'ya at kung bakit galit na galit siya sa akin sa tuwing sinasabi kong ayaw kong maging doctor."

Sunod-sunod na napalunok si Tita Luna bago nagsalin ng tubig sa baso niya saka uminom. Pagkatapos n'on, nagbuntonghininga siya.

"Yung mommy mo kasi, bata pa lang, pangarap nang maging doctor. Gusto raw niya na maranasan mag-opera. Gusto niyang maranasan lahat ng nangyayari sa hospital para makapagligtas ng buhay."

Tahimik akong nakinig sa kwento ni Tita Luna tungkol kay Mommy.

"Bata pa lang, pinag-iipunan na ng tito mo ang pag-aaral niya sa med school. Invested siya kasi matalino si Celestine. Lagi siyang top one sa klase at g-um-raduate siyang valedictorian noong elementary at high school. Kaya noong nag-college, nag-take kaagad siya ng pre-med course niya na BS Biology."

Love At The Coffee ShopWhere stories live. Discover now