"Okay lang ako ma, don't worry na-handle ko na po at tsaka nandiyan naman si best para tulungan ako" pag-aasure ko dito.


"Sigurado ka anak ha? Alam mo naman na palagi lang kaming nandito ng tatay mo at ng mga kapatid mo. Basta ba tawagan mo lang kami pag may problema ka, okay?" malambing na  tanong nito.



"Opo ma, pasensya na talaga at hindi na ako nakakatawag sa inyo pero pag hindi na medyo busy sa school, uuwi din po ako" promise ko dito..hay nakakakonsensya talaga at hindi ko man lang naisip sila mama dahil sa kadramahan ko sa buhay. Dapat talaga mag-focus nalang ako sa mga priorities ko sa buhay.



"Sige anak, asahan namin yan ha? I love you anak. Namimiss ka na namin dito, kinakamusta ka na din nitong mga nakababata mong kapatid."



"I love you din po ma, kayo ni papa. Ikamusta mo nalang ako kay Bea at Paul. Sabihin mo may pasalubong ako sa kanila pag-uwi ko."



"Sige anak, siguradong matutuwa ang mga yun. Bye anak" paalam ni mama.



"Bye ma" paalam ko din.



Namimiss ko na ang pamilya ko, lalo na yung dalawang nakakabata kong kapatid. Kailangan makauwi na talaga ako.


Nagpatuloy lang akong maghanap ng outfit ko ng mag-ring ulit ang phone ko. This time si Lee naman ang tumatawag. Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko..hay..grabe talaga ang epekto niya sa akin.


"He-llo..Lee?" 



"Hi Yan, hmmm...gusto... ko.... s-anang itanong ko..p-wede ba kitang..s-unduin...mamayang gabi? tanong nito, bakas sa boses nito ang kaba.



"Ah..sorry Lee pero si Josh na kasi ang susundo sa akin. Pumayag na kasi ako pero salamat sa offer" sagot ko naman.



"Ganun ba? Sige, magkita nalang tayo mamaya" sabi nito at mahahalata mo ang lungkot sa boses nito.



"Sige b--." may narinig naman akong boses sa kabilang linya.
"Pahiram nitong shirt mo H ha?" teka familiar yung boses na yun.."Naman Faith! Magtapis ka nga!, hindi dahil sa pareho tayong babae ay pwede ka nang maglakad ng naka-bra at panty lang!" rinig kong sigaw nito "Bakit ba? Sexy naman ako dib--" hindi ko na tinapos pakinggan ang pag-uusap nila at in-end ko na yung call. Tama nga yung desisyon ko na iwasan na lamang ito. Paninindigan ko na talaga ang pagmo-move on ko.



Matapos makapili na ng isusuot, nagshower na ako. Narinig kong may pumasok sa loob ng kwarto ko at si best pala. Nagtanong lang ito kung ready na ba ako at kung may napili na ba akong isusuot. Gusto din nitong gawin ang make-up ko  pero tinaggihan ko nalang. Alam kong kailangan din nitong mag-ayos ng sarili nito at gusto kong light lang ang make-up ko ngayon so kaya ko na siguro yun.

Beautiful Eyes (GxG)(Lesbian Story)Where stories live. Discover now