Chapter 22

98 7 1
                                    

Thoughts

"Ipapadala nalang natin sa Papa mo ang mga damit at gamit natin." sabi ni Mama nang nasa study room ulit kami. Pinapa-tulong niya akong mag ayos ng mga papeles. Marami-rami rin iyon at i co-compile lang ni Mama at ang ibang sekretarya na ni Ma'am Crissia ang bahala.

"Ha? Ma... Nakakahiya naman kina Ma'am Crissia." Sabi ko.

Nang-aasar na nanliit naman ang mata ni Mama. "Wala na tayong oras kapag uuwi pa tayo. Kailangan ako ni Ma'am Crissia dito para sa party, ngayong halos lahat ng kasambahay nila ay umuwi sa probinsya."

Wala nalang akong ibang imik kundi ang tumango habang nilalagay ang mga papeles sa isang office box. Naka cattering naman mamaya pero mahirap nga kapag si Ma'am Crissia lang at ang apat na organizers ang mag-oorganize lahat. Nasa 150 ang guests.

"'Nak, umamin ka nga."

"Po," agad agad kong sagot. May pakiramdam na kung tungkol saan ang itatanong ni Mama.

"Anong meron sa inyo ni Sir Ethan?"

Agad na nanlaki ang mata ko. Kahit alam ko na na itatanong talaga iyon ni Mama ay wala parin akong sagot na maisip. ano ba talaga?

Haller! Ashley, friends! Friends lang kayo! Kaibigan! Ganon.

"Uh..." Napalunok ako nang humalukipkip si Mama at tinuon ang atensyon sa akin. Mas kinakabahan tuloy ako.

"Kaibigan, Ma.. Schoolmates kami diba?" patay malisya kong sabi, kunawari hindi ako kinakabahan.

Naguguluhan ako bakit ako kinakabahan na wala naman akong ginagawang hindi maganda. Talaga namang magkaibigan kami ni Ethan. Alam kong may pagtingin ako sa kanya, may malisya lahat ng ginagawa at pinapakita niya sa akin para sa akin. Pero masaya ako na hangang diyan lang kami, I'm happy we gave our friendship a second chance.

"Kaya ba mula noon hangang ngayon kapag nababangit si Ethan agad nagbabago ang mood mo?"

Blanko kong tinignan si Mama. Para namang nanalo sa isang chismis si Mama base sa nakakainis niyang ngiti. Ganon paman ay patay malisya parin ako.

"Huh? ano pinagsasabi mo, Ma?"

"Naku naku..." panay iling ni Mama. "Ligpitin mo na ang mga 'yan at sumunod ka sa akin sa kwartong sinasabi ni Ma'am Crissia."

Saktong pag-tango ko kay Mama ay bumukas ang pinto sa silid. Si Ethan. Mukhang bagong ligo dahil basa pa ang buhok niya, he brushed it away when he entered the room. He's also on a new set of clothes. Mama acknowledged him.

"The guestroom is ready, Tita, Ashley." sabi niya sa aming dalawa ni Mama.

"Salamat Sir Ethan!" sabi ni Mama na halos matawa ako. Nakita ko ang pag-irap ni Ethan.

"Tita, please- I hate to say it pero naririndi na talaga ako kapag tinatawag mo 'kong 'Sir'."

Tumawa naman si Mama at bahagyang hinampas si Ethan. Lumapit siya rito at kinurot ang pisngi ni Ethan.

"Kasi hindi ka na baby!" mapaglarong sabi ni Mama na natatawa namang umiiling si Ethan.

I am still so shocked that they're quite close. 'Nga naman, Mama was Ma'am Crissia's secretary two years after Mama finally graduated college habang naninilbihan pa bilang kasambahay sa pamilya nila noon. I am just shocked at their closeness.

"Tita, baka mag-selos ang anak mo," joke ni Ethan.

Umiling lang ako at tinapos na ang paglalagay sa box ng mga papeles.

"Ethan, tulungan mo naman si Ashley dalhin ang mga 'yan sa sasakyan ng Mommy mo," suyo ni Mama. Sumangayon si Ethan at lumabas na si Mama sa silid.

"Hindi ko alam na close pala kayo ng Mama ko," sabi ko sa kanya.

You over the StreetlightsWhere stories live. Discover now