Chapter 15

84 8 1
                                    

Kinabukasan nga ng lingong iyon ay pinagtyagaan kong hindi na makalapit pa o ang makalapit si Ethan sa akin. Nagawa ko iyon hangang ngayon na patapos na ang klase para sa first sem. Kinabukasan ay semestral break na kaya mas konting pagkakataon na magcrus ang landas namin ni Ethan.

Pwede naman palang makontrol natin ang pagkakataon. Marami naman palang paraan para maiwasan ang isang bagay na hindi mo gusto. Sobrang late kong na realize iyon.

Pero hindi rin pala madali. Kaya ko ngang iwasan pero kaakibat rin ang pag-iisip kung tama ba ang ginagawa ko. Tama ba na ganito ko tapusin ang sandaling pagkakaigihan namin ni Ethan. Sa huli rin naman ay naalu ko ang sarili ko na isipin na mabuti na nangyari rin ang sandaling panahon na nakilala ko ng kaonti ang kaibigan ko dati.

Delikado rin para sa akin ang umuusbong na nararamdaman ko para sa kanya, hindi ko naman alam kung bakit ganoon iyon. Basta, nakakabuting iwasan na lamang.

Ang paglayo ko kay Ethan ay nagbigay daan naman para ma harap ko ang sitwasyon na meron kami ni Sean. Hindi rin madali at pati sina Brent at Jia ay gumagawa na ng paraan para makapag-usap kami. Hangang sa nagkaroon ako ng pagkakataon o sabihin na nating na corner ko siya.

"Brent! Patulong muna sa Trigo oh -" Winagayway ni Jia ang graphing paper na gamit sa Trigonometry. Agad namang dinaluhan ni Brent si Jia.

Busy kaming lahat dahil Wednesday iyon at last subject sa morning ang Math. May binigay na seatwork na hindi namin kaya i solve ng 15 minutes. Sinong may matinong isip ang makakasolve ng 15 minutes sa 10 items na puro equations? Sana all nalang kung mayroon.

"LETCHE SINABING WAG ERASIN ANG FORMULAS NG CIRCUMFERENCE NA NASA BOARD, EH! ISA NALANG TALAGA! MAKAKABATO NA AKO NG JO MALONE PERFUME BOTTLE KO!" sigaw ni Jia habang tumatayo.

Sinisimulan na kasing erasin ni Ara ang mga sulat sa board. Malamang tapos na siya kaya niya nagawa iyon. Ayokong manumbat pero nag-iinit ang ulo ko sa ginawa niya. Letche talaga.

"Oy, Miss secretary, hindi dahil matalino ka ay ipapanglantaran mo iyon! Walang maganda sa matalino pero walang malasakit!" si Sean naman. Nanlaki ang mata ko. Shocked but not surprised. Ganyan talaga siya eh. Pranka.

"Grabe! Sorry na! Reflex lang eh dakilang taga sulat at taga erase lang naman kasi ako ng board ano! Ibigay mo nalang yang Jo Malone mo Jia!" pagkatapos ay tumawa siya at bumalik sa upuan.

Ipapasa namin ang answers mamaya alas 3 kaya nagkakarambulan na halos ang classroom namin.

Gutom na gutom na ako! At nasa number 6 pa ako, letche. Sinubukan ko pang magsolve pero ang tanging naiisip ko ay ang gutom ko kaya tumayo na ako.

"Jia, bababa muna ako, gutom na ako. May ipabibili ka?" sabi ko.

"May baon ako!" agad nilabas ni Brent ang 4 layered silicon lunch box niya. "Para sa amin lang ni Jia, request niya to, eh." ngumisi ang mokong na parang nahihiya na para sa kanila lang ang dala niya.

Feeling betrayed, tinignan ko si Jia na parang wala lang na tinititigan ang equations sa papel niya. Ngumisi ako kay Brent at sinabing ayos lang iyon. Sana all dadalhan ng lunch.

Ewan ko, baka reflex lang rin dahil sa memory muscle ay tinawag ko si Sean. Bumaling siya sa akin galing sa upuan niya. Gulat na tinawag ko siya.

"Samahan mo ko sa canteen," sabi ko.

Ayos na rin para may panangga ako kay Ethan. Nakikita ko kasi na hindi siya lumalapit kapag may kasama ako. Naman! Dapat roon siya sa ka level niya, hindi siya bagay makipaghalubilo sa gaya kong iskolar lang. Im a nobody and he's like the image of our school. The grandson of a president. The son of a multi-millionaire.

You over the StreetlightsWhere stories live. Discover now