Chapter 07.2

84 11 0
                                    

Asus... Hindi ka naman pala late..."

Bungad ni Brent sa akin. Sinundo niya ako gamit ang golf car nila sa village sa bukana ng village nila. High-end village ito sa centro ng lungsod. Malawak at malalaki ang mga bahay. Malayo kung lalakarin lang patungo sa bahay ng mga Del Llano kaya mas mabuti kung nakasakay.

"May pahabol pa si Mommy na lasagna... Kinain pala ni Yesha iyong isang ginawa niya. Baka makulangan daw. Request din ng mga kaklase natin, eh." bangit niya sa kapatid niya at pag-explain bakit hindi pa sila nagsisimulang...kumain. Maaga pa naman...

"Masarap naman magluto talaga si Tita ng pasta." sobra!

"Naman! Dapat lang! Baka hindi kana makapasok sa bahay namin 'pag sinabi mong hindi." tumawa kami habang minamaneho niya ang golf cart.

"Loko."

"Uy... May narinig ako galing kay Sean..." napatingin ako kaagad kay Brent. Akala ko galit ang mukha niya. Given sa history ng dalawa. Hindi muna ako nagsalita at tumango lang sa kanya.

"Kanina habang "wanted" ka... Si Theo Hiralde raw ang kasama mong nagtatago." plain na pagkasabi ni Brent. Walang galit o kung ano. Huminga ako ng malalim.

Sinipat niya ako saglit. "May ginawa ba siya? Ayos ka namang naka-balik sa station, Pero wala akong tiwala sa gago na iyon. Who knows, baka pagtripan ka niya."

"Pagtripan?"

Tumawa at umiling si Brent. "Pagtripan. Gaya ng palagi niyang ginagawa! Alam mo naman ang nickname ng Hiralde na yun."

May naiisip na akong idyea sa pinagsasabi niya pero parang ang labo naman! Sobra! Kinunotan ko lang ng nuo at nanliit ng mata kay Brent. Suminghal naman siya. Frustrated.

"Nako! 'yang mga kagaya mo talaga ang madali niyang mapapaikot. Ganito oh..." pinakita niya sa akin angbisang kamay niya. Ang isa nakahawak sa manebela ng golf car.

"Akala mo hawak niyo ang lamay ng isat-isa, pero... Hawak ka niya ng buong buo sa palad niya. Mag-eenjoy siyang tignan ka sa palad niya. Tapos wawasakin ka niya. Boom! Poof! Pira piraso." pag-eexplain ni Brent. Kasama pa ang mga kamay niya. Sa halip na matakot ako, natawa ako sa explanation niya.

"Alam kong inosente ang tingin mo sa akin, Brent Del Llano. Pero," tinignan ko siya snobbishly. "hindi ako tanga. Wala akong oras maging tanga."

"Hindi mo naman malalaman na tanga ka hangang hindi ka nakagagawa ng bagay na naging dulot ng pagka tanga mo!" inupakan ko na siya.

"Kung ano-ano talaga sinasabi mo... Kaya palaging nag-aaltapresyon si Jia sa'yo!"

Hinimas niya ang parteng inupakan ko. OA hindi naman iyon malakas. Nagngiting aso lang ang ewan.

Nang tahimik na kaming dawala ni Brent, pumasok naman sa kokote ko ang mga sinabi niya. Pagtripan. Ni Ethan. Kalat ang rumor na sikat siya sa mga babae na nang-iiwan sa ere. Na kapag hulog na hulog na ang babaeng pinupormahan niya, bigla nalang siyang mawawala, bigla nalang magiging "cold" kuno.

Eleen Nasturia, Andy Chu, Elizabeth Miranda at iba pang sikat na may tatlong malaking M sa buhay. Maganda. Matalino. Mayaman. Mga anak ng tycoons. Ang naiwan sa ere at pina-iyak ng isang Ethan Hiralde. Nakakakilabot na ganoong range ang mga trip niya. Kaya kahit ako na walang dalawang M sa buhay, dumidistansya talaga ako sa kanya kahit kilala ko na siya noon pa. Mahirap na, eh. Maganda lang ako.

Well... Masasabi ko rin namang matalino ako kahit papano. Pero hindi ko na i-c-claim iyon. Average lang ako. Sa lahat. Pero ang mahalaga. Maganda ako.

Agad bumukas ang gate nila Brent. Ang alam ko powered ng Japanese Technology ang bahay nila. Lahat auto-matic. Sa makailang beses na namin rito, namamangha parin ako. Japanese inspired architecture kahit wala naman silang dugong Hapon.

You over the StreetlightsWhere stories live. Discover now