Chapter 17

100 8 0
                                    

Ways




"Ate..." 

Pukaw sa akin ni Papa. Kanina pa ba ako nakatunganga? Bumaling ako sa kanya at agad akong nanlumo sa mga iniisip ko. Mga nag-aalalang mata ni Papa ang bumungad sa akin. Parang nawasak ang puso ko at gusto kong sapakin ang sarili ko sa mga kalokohang iniisip. 

Iniisip ko lang ang sarili ko. Putcha, ang laking kalokohan nito. Hindi dapat ganito.

Lumunok at unti-unting ngumiti. Parang may nakabara sa lalamunan ko at alam ko na kung susubukan kong magsalita ngayon ay mababasag ang boses ko.

"Nagulat lang ako, Pa. Ah..Kumusta naman -- Ano -- Ayos pa ba na magdalang tao si Mama sa edad niya?"

Nakita kong humingang malalim si Papa, "Iyon nga rin ang inaalala ko. Pero, basta, ipapatingin ko ang Mama mo para malaman agad natin ang gagawin."

"May pera pa ba kayo, Pa?" 

Agad na humalakhak si Papa sa sinabi ko na parang isang joke ang narinig niya. Bakit? Kailangan iyon ngayon lalo na at buntis nga si Mama!

Ngumiti si Papa at pina-upo ako sa silya, lumuhod siya para maglebel ang tingin namin. Nakangiti siya pero iba ang pinapakita ng kanyang mga mata, nasasaktan. 

"Ano ka ba, Ate.. Syempre! May ipon ako kahit parang wala akong trabaho. Hot shot photographer kaya itong Tatay mo!" 

Mariin kong tinignan ang mukha ni Papa. Hindi ko alam kung totoo iyon, pero hinding hindi nagsisinungaling si Papa. Tama naman na medyo kilala na siya sa trabaho niya. In demand ang company nila sa mga photoshoots sa kahit anong larangan, ma pa catalogue, fashion, weddings at kahit documentaries.

Inabot niya ang kamay ko at pinisil-pisil iyon, mas lalo ko tuloy gustong maiyak sa init na bumabalot sa puso ko.

"Kaya kinausap agad kita, para sabihin sa iyong hindi mo na dapat pinoproblema ang mga bagay na dapat kaming mga magulang mo ang namomroblema. Naalala mo noong lubog na lubog pa tayo sa utang natin nung nagkasakit si Radley? Diba sabi ko aahon din tayo, basta hindi lang susuko at magpupursigi."

Mapula ang gilid ng mga mata ni Papa, at sa tono niya'y alam kong pinipilit niya lamang magsalita. Pinipigilan kong maiyak pero nangingilid na ang mga luha ko. Tumango ako at ngumiti si Papa.

"Pumayag lang ako diyan sa pagpupumilit mong mag-partime dahil gusto kong matutunan mo sa murang edad mo ang kahalagahan ng pagpa-plano, balansehin ang oras mo at maging mulat sa realidad. Alam kong gusto mo lang tumulong sa amin ng Mama mo at nag papasalamat kami doon, at ang mga kapatid mo."

Tumulo na ang luha ko at agad kong pinalis iyon.

"Kaya huwang kana mag-alala doon, okay?" may kung ano sa tono ni Papa na agad akong napatango. 

Para akong nakahinga ng maayos sa loob ng matagal na panahon. Sinikop ko ang kamay ko sa leeg ni Papa at niyakap siya ng mahigpit. Tahimik parin na dumadaloy ang luha ko, pero masaya ako. Masayang masaya.

"Sorry, Pa. Sorry.." iyon ang tangi kong nasabi sabay punas ng ilong at ng ilalim ng mga mata ko.

Bumitaw ako sa yakap namin ni Papa. Hindi ko kayang tignan ang ama ko ngayon dahil sa hiya. Nahihiya ako dahil iniisip kong magiging pabigat lang ang pagkakaroon ng dagdag na myembro sa pamilya namin, gayong naghihirap pa kami. 

Sandali ko lang inisip iyon at agad sinita ang aking sarili. Napaka makasarili ko...

Gusto kong sabihin sa Papa na masyado lang akong maraming iniisip. Kung paano ang pag-aaral ko kung ganon, paano ang plano ko sa kolehiyo.

You over the StreetlightsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz