Chapter 19

86 8 1
                                    

Fun



"Did the two talk it out?" 

Nang kumalma na si Jia ay sinabi kong kailangan nila mag-usap na sila lang dalawa kundi ay hindi ko na siya iisiping kaibigan. F.O. Ganon. Himala naman na tumango lang ito saka nakapuslit ako palabas.


Kaya ngayon kasama ko ulit si Lucas. May hawak parin na inumin na nakalagay sa isang red cup, ang sabi ay bawal iyon sa akin dahil nakakalasing. Nakakalimutan ko na mas matanda nga pala siya sa akin.


"Pinilit ko. Masama na hangang matapos ang party, nagkakasamaan sila ng loob." sagot ko kay Lucas. Tumango ito bilang sagot.


Dahil nga nasa loob sila Brent at Jia, na sana'y matiwasay na nag-uusap. Dala-dala ako ni Lucas kahit saan sa party. May mga games sa kung saan-saang lupalop ng backyard nila Jia. Nagkalat rin ang mga kaibigan ng mga pinsan niya. Hinahanap ko sana ang kuya ni Jia kaso sa dami nga ng tao at sa lawak ng lugar, hindi ko pa nakikita mula nang dumating ako.


"Gusto mo sumama? Inaaya ako ng pinsan ko, magbe-beer pong daw kami. Gusto mo manuod? Magaling ako doon." sabi ni Lucas, may pasaring pang yabang. 


"Lucas! Ang KJ hindi nag-costume! Anong character yan?" may nagtanong na siguro'y kakilala. 


"Disapointment." sagot ni Lucas. 


Napahiyaw ng malakas ang kakilala niya. Naka Edward Cullen na character. Gwapo rin naman, bagay lang.


Sheesh! 'Wag naman masyadong harsh sa sarili bro!" 


Para akong tanga na nakikinig sa kanila. Sa'n na ba kasi yung Sean na 'yon!


Parang na jinx nga dahil nakita ko siya, in flesh. Pinagtitinginan ng mga mas matatanda pa saming mga babae. Naman! dahil ang gwapo rin tignan ng mokong sa suot niya. Bagay na bagay rin. Hindi ko nga lang ma explain. Kinulayan niya ang buhok niya ng yellow, probably color hair spray, sa baba ng isang off-white colored fedora hat. Hindi ko na ma explain ang suot niya, basta naka reveal ang upper chest niya at maraming acessories. May glitter rin siya sa gilid ng mga mata niya.


Umalis muna ako sa tabi ni Lucas at nilapitan si Sean na naka-o ang labi ng makita ako. 


"Oh my god, it that you Ria?" malakas niyang sabi dahil sa tugtog na nakapalibot. 


Inirapan ko siya. "Ba't ang tagal mo? Kanina pa ako tumawag ah." nakahalukipkip kong sabi.


"Hello? Kayo lang babae ang dapat mag take ng time for make up and everything? Nag-prep pa ako ng skin ko." 


Napa-awang ang labi ko sa sinabi niya. Girl...


"So ano ka ngayon? Edward Cullen rin?" 


"Oh my Ria. Hindi mo pa napanuod ang Euphoria? Napaka-uncultured swine mo naman," 

You over the StreetlightsWhere stories live. Discover now