Chapter 02

182 11 3
                                    

Typing

Naaliw naman akong panuoring inaasar
na naman ni Brent si Jia. Parang bati na rin sila dahil tumatawa na lang si Jia.

Hindi na ako naki-alam sa ginagawa ng mga naglalaro ng Jengga. Narinig kong tumambay ang ibang kaklase ni Ethan sa malayong parte ng ecopark, kaya minabuti kong aliwin ang sarili ko para hindi ako mailang. Kahit hindi ko alam kung nandoon siya o wala.

"Ria, you wanna join?" tanong ng babae kong kaklase.

Wala naman akong plano pero para may pagkakaabalahan na rin. Sige. Kaya sumali ako sa next round nila.

Nakakagalit nga lang kasi naiisahan ako ni Jia at Brent. Haha. May 16 cards lang naman akong hawak ngayon.

"Dapat maging alerto ka kasi...kapag may nakita kang isa nalang ang card, sumigaw ka agad ng "Uno"" sabi ni Brent.

Ka badtrip iyon pero nagawa ko na mang tapusin ang laro nang hindi ako nababanas sa mga kaklase ko. Hindi namin namalayan ang oras na naglalaro doon, hindi naman kasi mainit dahil sa mga malalaking puno.

Bukas daw, magdadala si Seb ng gitara, kantahan naman daw kami bukas. Sumangayon naman ang iba. Nagpaplano na ng mga gagawin kapag tinatamad maglibot sa napakalaking grounds.

Pero baka hindi ako makasabay sa kanila bukas, busy na ako eh.

"Pupunta ka pa sa bahay ng club-rep niyo?" tanong ulit ni Jia nang palabas na kami ng school dahil pwede nang umuwi.

Mag-memeeting lahat kaming may mga dapat ico-cover na event. Goal ko talaga mula nung grade 7 na maging parte ng monthly school book, ang maging photojournalist dito. Ngayon pa ako nasali dahil nag-graduate na ang last na nasa slot ko. Bukas pa magsisimula ang ibang sports event, sa parte ko, simula hangang finals lang ang iko-cover namin. At shet noh, excited na ako. Manghihiram ako ng camera ni Papa.

Malapit lang naman ang bahay ng club-representative sa school, kaya nilakad ko lang patungo doon. Mataas pa naman ang araw kaya hindi pa delikado.

"Yung mga assigned sa sports, ayos lang next week pa mag-pasa ng coverage. Sa Lit-Fest at Film Entry dapat by friday which is last day ng intrams mag-pass na." salita ng club-rep namin.
Grade 12 at mestiza na nakasalamin.

Busy ako magtake notes, yung partner ko, si Gion, may kinakausap na kaklase yata, about sa lenses ng camera. Nagpatuloy lang ako makinig hangang sa nag-paalam yung mga lower grades namin. Five na kasi ng hapon kaya dapat maka-uwi na.

Kami ng partner ko, makikipag usap pa sa comentator ng events namin. Madami pa ang kailangan ihanda gaya ng tripods, shock absorbers para sa handy cams, at iba pang technical na hindi ko pa masyadong gamay. Mas magagaling yung mga seniors namin, mas marami silang gamit. Tinutulungan naman kami.

Nagtatype ako ng intro para kay Ate Cass, yung isang commentator nang biglang tumahimik ang buong sala ng bahay ng club-rep namin. Nakita kong nakatingin sila sa may pintuan. Nag-angat ako ng tingin mula sa laptop at nag-sisi agad na ginawa iyon dahil agad nagtama ang tingin namin ng bagong dating lang na si Ethan. Nanaman.

Kung iiwas agad ako ng tingin, baka isipin niya na... Ano nga bang iisipin niya? Wala. Dumating siya bigla, eh. Malamang titignan. Hinubad niya sapatos niya at pumasok. Waw. Kanya 'to?

"Shae, ngayon ko na lang ipapasa iyong pyesa ko." tawag niya sa club-rep namin.

Bumalik din agad kami sa mga ginagawa namin kahit may mga tanong siguro bakit nandito ang "richboi bully ghoster" ng buong school. Natawa pa ako habang nagtitipa naiisip iyon. Nakita ko lang iyon sa Twitter. Alam na agad na siya.

You over the StreetlightsWhere stories live. Discover now