Chapter 18

104 7 1
                                    

Hindi magkamayaw ang mga pinagsasabi ng utak ko kung paano ko sasagutin si Papa. Hindi rin mapakali ang katawan ko na umaabante at umaatras. Gusto kong tumakas sa sitwasyon na iyon. Nakakahiya. Kay Papa at Ethan.

"K-kaklase po ako n-ni Ashley, schoolmate po." rinig kong matulin at nauutal na sabi ni Ethan na parang nagsalba sa akin sa kung ano mang kapahamakan.

Napahinga ako ng malalim. Pero, kaklase tapos schoolmate?

"Alin ba sa dalawa, kaklase o schoolmate?" seryoso paring sabi ni Papa. Ngayong wala siyang suot na antipara ay mas lalong nakakatakot tignan ng diretso ang mukha niya. Madilim man ang paligid pero alam kong nanlilisik ang mata ng ama ko. Jusko po!

"A-ah, sorry po." pilit na ngisi ang iginawad ni Ethan sa Papa ko.

Pa naman! Si Ethan Hiralde 'yan! anak ng boss ni Mama!' Gusto kong i singit iyon pero natatakot ako. Kumakabog parin ang dibdib ko.

"Bakit magkasama kayo?" baling ni Papa sa akin. Pasagot na sana ako pero-

"Ihahatid ko lang sana si Ashley sa tapat ng bahay niyo po... Parang delikado kase ang lugar papasok kasi madilim at mag-isa pa siya."

Nagshort circuit yata yung utak ko, wala akong mai-react sa sinabi niya. Si Papa rin, parang nahimasmasan sa nanlilisik niyang mata. Lumunok ako para makapagsalita.

"Pa, siya po si Ethan, Ethan Hiralde." in-obvious ko talaga yung "Hiralde" para matauhan si Papa. Pero tinaasan lang ako ng kilay. Tumikhim si Papa at tumango.

"Kung ganon, salamat sa pagmamalasakit mo," napangiti ako ng malumanay na sinabi iyon ni Papa. "Mr. Hiralde,"

Napaawang ang baba ko sa narinig. Ilang second-hand embarrassment pa ba ang mangyayari bago kami maka-uwi sa bahay?

Kita kong nagulat si Ethan sa sinabi ni Papa pero minaskarahan niya ito ng ngiti.

"Ethan o Theo nalang po, kaibigan naman ako ni Ashley."

Nanlalaking mata ko talagang nilingon ang lalaking nasa tabi ko. Ano? Talaga? Sure na 'yan?

Wala sa agenda ng sasabihin dapat iyan, ah. At bakit ba sumagaot pa siya kay Papa? Baka magulo lalo ang sitwasyon na'to.

Sandali niya akong nilingon para lang bigyan ng pag-kindat ng mata niya. Sinapo ko ang aking ulo hindi dahil masakit ito, kundi dahil ayaw kong niya at ni Papa ang unti-unting pagkalat ng 'kilig na wala sa oras' sa katawan ko. Pinipilit ipaalala sa sarili ko na maiinis dapat ako sa kanya. Pa'ano kapag nag-assume to si Papa na manliligaw tong si Ethan?

Ayan ka nanaman, Ashley... Ang lala na ng hangin mo.

Tumango ng may awtoridad si Papa at bumaling sa akin. Tinuro niya ang bahay na ilang lakad nalang.

"Mauna ka nang umuwi at ihahatid ko si Sir Ethan sa kanila."

"Naku, 'wag na po. Ayos lang. Kaya ko naman ang sarili ko" Agad na tugon ni Ethan na parang natatakot talaga siyang ihatid ni Papa sa bahay nila. Tumango-tango ako para suportahan ang gusto ni Ethan. Mas nakakahiya yata kung ganon, ano nalang iisipin ng mga magulang niya? close kamo kami? Kita namang hindi.

Natigil ang tingin ni Papa sa aming dalawa ni Ethan. Nagbuga siya ng hangin at dahang-dahang tumango. Sumasang-ayon sa sinabi ni Ethan. Bakas rin sa mukha ni Ethan ang pagkagalak sa narinig.

May isang sigundong nanatili ang tingin ni Papa sa katabi ko at may nakita akong kung ano sa tingin ng ama ko. Hindi ko maintindihan pero parang may sinasabi iyon. Bago pa ako magtanong kung ano ang problema ay bumaling na sa akin si Papa.

"Mauna ka nalang pumasok sa bahay, Ate. Ihahatid ko nalang si Ethan sa kanto." Buo iyon, alam kong hindi ko dapat salungatin pa ang sinabi ni Papa.

Tumango nalang ako at napasulyap sa katabi ko. Na parang nakatingin narin pala sa akin. Ginawaran ko siya ng isang ngiti ng pagpapaumanhin, alam kong medyo awkward at mabigat ang ere dala ng nakita kami ni Papa. Wala namang reaksyon na nakatingin siya sa akin.

You over the StreetlightsWhere stories live. Discover now