Chapter 05

108 9 0
                                    

Wanted

"Alas 4 pwede nang kunin ang bayad mo, Ms. Villa. Kung pwede sana ay ang guardian or any of legal age member ng pamilya mo ang kukuha, dapat kasama rin kayo para saga pipirmahan." pag-reremind ng staff na nakatoka sa mag dedistribute ng mga paychecks namin.

Ito na ang ika-siyam na beses na kukuha ako ng paycheck ko! Gaya nang unang beses kong kumuha ng paycheck ay sobrang kinikilig at saya ko. Five thousand ang full na payment ngayon, wala pang tax kasi hindi naman aabot ng 21k ang sweldo ko at part time job ko lang.

Dapat sana daw ay isang guardian na nasa legal age ang kokobra ng sweldo namin. For formality at ethical sake. Pero kung walang available ay pwede namang ikaw lang at written consent ng guardian mo.

Walang oras pareho sila Mama at Papa bukas kaya nakapapirma na ako ng consent.

Pagkagising ko pa lang, iniisip ko na kung ano ang gagawin sa pera. 50 percent sa ipon ko? Or 70 percent para mas malaki? Tapos ang natira ay gagawin kong allowance ko habang wala pa akong slot sa catering.

Ang saya sana dalhin si Radley sa paborito niyang fast food, o ipasyal siya sa arcade. Pati narin si Esme at Kim, ang bilhan sila ng damit, sapatos o di kaya mga gusto nilang gamit. Kaso alam ko namang hindi magkakasya itong limang libo para lang sa gala. Ang dami ko pang iniisip pagtabihan noon. Mag-iipon muna ako.

"Anak, baka pwede namang tumigil ka nalang sa mga part time jobs mo... Ayos pa naman ang ipon namin ng Papa mo, makakapag-aral ka ng kolehiyo, sisiguraduhin namin iyan." sabi ni Mama pagkatapos pirmahan ang written consent ko.

Ilang beses na niya akong kinukumbinsi pero hindi ako nagpapatinag. Kailangan eh.

Ngumiti ako, "Gusto kong magkapera na galing sa sariling sikap ko, Ma. Paghahanda rin ito sa future, 'no!" sagot ko kahit hindi naman iyon ang totoong rason.

"Ang bata mo pa para sa ganito, eh." mahinang sabi ni Mama sa mahinang tono.

Alam kong ayaw niya iyon iparinig, pero aba, malakas pandinig ko, eh.

Nagpaalam na ako paglatapos kumain at lumakad na para pumasok sa school. Ikalawang araw ng pagco-cover namin ngayon. Hindi tulad kahapon na ang dami kong dala, ngayon camera at lunch nalang talaga. Natuto na ako kahapon, nagdala pa ako ng notebook, eh hindi naman ginamit.

Same routine ulit pagdating ko. Attendance, chika kay Jia, mas madaming chika kay Sean. Nako! May issue na naman raw na nadawit ang pambansang ghoster ng school! Wala nang iba kung di si Ethan! May pinopormahan na naman daw na JHS na lower grade daw kasi mas maliit raw sa kanya!

"....Ang siste, e hinahatid pa daw sa sakayan ng jeepney!" bulong sa amin ni Sean. Ako namang baka wala siyang ibang mapagsabihan ay tumango lang sa kanya. Si Jia, interesanteng nakikinig.

"Tsk. Ang bulok na ng style na ganyan!" si Jia

"Magkahawak pa ng kamay! Oh, s'an ka pa?" si Sean.

Kulang nalang talaga itong isang 'to, laladlad na eh. Sana nga malapit na iyon.

"Wala ba talagang may nakakita sa istura ng girl? Ang out of the blue naman yata ng isang Theo Hiralde na may ihahatid sa sakayan ng jeepney, why can't he just drop her off or something..." ani ni Jia. Napatango at napa-isip si Sean.

Ako, natigilan. Parang may mali sa kwento nila. Parang... Bakit - Si Ethan raw may hinatid sa sakayan ng jeep na lower grade, pinopormahan raw. Pero kasama ko kahapon si Ethan sa - HALA SHET! Huwag mong sabihing... Ako?! Ako? Nadawit ako kay Ethan? Shuta, lower grade raw! Oo nga naman, baka may hinatid siyang lower grade talaga?

"Maiksi daw ang buhok, jet black. Yun yung sabi."

"Hello, ang daming maiksing buhok sa campus! Gaya nitong si Ria -"

You over the StreetlightsWhere stories live. Discover now