Chapter 13

94 7 0
                                    

Confess

Tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang first subject sa hapon. Nagkukumahok na ang mga estudyante na bumalik sa kanilang silid, pero kaming apat ay parang walang pakealam sa oras. Kaming tatlo ni Jia at Brent ay nalilito at gulat sa sinabi ni Sean.

Walang nagsalita ng ilang segundo, ramdam ang namumuong tensyon sa isa't-isa. Gulat ang reaksyon ni Jia, si Bent naman ay walang pinapakitang emosyon.

Ako...

Ito ang unang beses na nagulat ako ng husto. Habang tinitignan ko ang mukha ni Sean, unti-unting namumuo ang mgapagdududa ko. Walang bahid ng pangjo-joke time ang itsura niya.

Ngunit bigla nalang siyang humalakhak.

"Tara na! Male-late na tayo, sungit pa naman nung si Ms. Literature." maligalig na sabi niya sa amin.

"Tara na, Jia, Ria. 'Wag nang tatanga-tanga dyan!" sinigundahan ni Brent at marahang hinatak si Jia para palakarin kasama niya.

Tahimik lang akong tumgango. Hindi alam kung ano ang sasabihin. Hindi ko rin alam ang gagawin.

Ano ba iyon, confession? Ibig ba sabihin na gagawing girlfriend ay may gusto na ang tao sa kanya? Gaga, bakit ang tanga ko? Syempre! May gusto 'no!

Pero si Sean, may gusto sa akin? Pwede ba iyon? Natural ba iyon na diba nga, sabi niya...

Bigla akong nahinto sa paglalakad dahil may nabanga ako sa paglalakad ko. Tao. Tindig palang at anyo, at kung paanong kilala na ng katawan ko ang init ng kanya at ang kusang pagkilala ng puso ko na umiingay, si Ethan. Sino pa nga ba?

"Earth to Ashley. Nalipasan ka ba ng gutom at wala ka sa sariling naglalakad, ha?" malumanay na bulong ni Ethan sa akin.

Di ko napansin ang lapit ng katawan namin kung hindi ko pa siya tiningala. Nag-eenjoy nga siyang tignan ang tulala kong itsura.

He's smirking again. Bakit ayaw niya ngumiti? At bakit parang kailangan ko na ngumiti siya? Legal ba na kiligin dahil lang doon?

"What's wrong?" kumunot ang nuo niya. Nakatingala parin pala ako sa mukha niya. Parang tumataas na sa tainga ko ang dugo ko dahil sa lapit naming dalawa. Yumuko ako at nakita na halos dalawang dangkal lang ang layo ng mga paa namin.

"Ria," he called.

Agad akong napatingin sa kanya. Kunot ang nuo niya at parang binabasa ang laman ng utak ko.

Tinawag niya akong Ria...

Hindi ko alam pero hindi parin ako makasagot sa kanya. Tulala ako kanina dahil sa ibang rason, ngayon tulala ako dahil ang ganda pala ng view kapag sobrang malapit ako kay Ethan at tinitignan niya rin ako pabalik kahit yuyuko pa siya para makita ako dahil sa height gap namin.

"Come on, we should get upstairs if you don't want to be late for the afternoon class." lumayo siya ng konti at nagmustra na umakyat na kami. Walang emosyon ang mukha niya pero alam kong may tinatagong ngiti.

"Uh, sorry. Okay." sagot ko rin sa wakas.

The afternoon class went on like a blur to me. Ang daming pumapasok sa isipan ko, sa sobrang dami, hindi ko na alam kung ano ang tamang gagawin. Pagkatapos ng eksenang iyon na may sinabi si Sean ay hindi ko pa siya nakakausap. Naging busy sa klase at sa mga seatworks. Lalo na na nasa 4th column siya at nasa 2nd kami nila Brent at Jia. Ang dalawa rin ay walang sinasabi ukol doon.

So... Ano ba talaga iyon? Ano dapat gawin ko? Magpanggap na wala akong narinig? Na hindi iyon nangyari? Sa takbo ng ina-akto nila ay parang ganoon na nga.

You over the StreetlightsWhere stories live. Discover now