Chapter 16

85 7 0
                                    

Alas 6 na ako nakarating sa bahay. Agad na tumungo sa kwarto upang subukang hanapin ang isang liham na natangap ko noon, nung first day ng intrams.

Kabado ako habang hinahalukay ang mga libro ko at kung saan ko pa iyon naitago. Sigurado akong hindi ko iyon natapon.

"Ate ano hinahanap mo?" si Esme ngunit hindi ko na pinansin.

May nakita akong papel na tumakas sa isa sa mga binabasa kong nobela, kinuha ko iyon at agad nakita ang laman. Ito nga!

Ilang beses ko itong binabasa noon. I know it may not be a letter for me but I find it cute. I fintd the letter cute. Bakit naman sa ganitong paraan pa makikipagkaibigan, diba? Ano siya, taga 1990's?

Kaya kabado ako dahil pareho ang sulat kamay nito sa note na iniwan ni Ethan. Pero hindi ko iyon malalaman kung hindi ko ico-compare kaya nagmadali talaga ako umiwi.

Pinagtabi ko ang dalawang maliit na papel. Nanliit ang mata ko sa nakita. Parehong pareho ang penmanship! Hindi agad ako nakagalaw sa kinauupuan ko.

Anong.. Siya iyon?

Tanda ko pang nakita ko itong unang note na natangap nang napulot ito ni Esme na lumanas daw sa bag ko. Hindi ko maalala na may pagkakataon na nagkalapit kami ni Ethan bago mag intramurals.

Napatalon ako sa upuan nang biglang nag-ring ang phone ko. Si Jia tumatawag, sa video call.

Sinagot ko iyon.

"Ria, punta ka sa bahay sa October 30- Hoy!"

Inalis ko sa dalawang papel ang tingin at bumaling sa phone ko. Naka higa si Jia sa kama niya.

"Ayos ka lang?"

"Oo... Sorry..." ngumisi ako. Nag-aalala parin ang mukha nito.

"Okay lang ako! Promise, medyo lutang lang sa shift kanina."

"Okay. But I can feel there's something up with you..." nanunuya ang tingin ni Jia, naka ngisi pa.

"Anyways, punta ka rito sa 30th ha..."

"Bakit? Ano ganap?"

"Magpapa Holloween party ang bunso kong kapatid. Syempre hindi pwede siya lang ang productive ang holloween, dapat ako rin." umupo si Jia sa higaan at sumandal roon sa header ng kama niya.

Napatawa ako, "Sira ka talaga! Oy, wala akong costume niyan ah.. Wala akong time."

"Kaya nga sinabihan kita ahead of time! And don't worry na sa custume, girl..Ako na bahala."

Pagkasabi ni Jia sa huling sinabi niya ay agad nanliit ang mata ko.

"Bakit?! You don't trust my skills?"

"Skills, skills.. Eh baka pagsuotin mo ako ng halos makita na ang kaluluwa ko!" agad na humagalpak si Jia sa sinabi ko.

"Hala siya, hindi kaya! PG-15 lang ang kaya ko noh!"

"Weh... Mamatay?" panunuya ko pa.

Parang nagsisimula nang mainis si Jia, umirap siya sa phone at humingang malalim na parang nag-aalala.

"Baka ma F. O na kami ni Brent kapag ganon.."

Tumaas ang kilay ko. Wow, that is not something she would say.

"Anong nangyari sa 'Girls wear what they wanna wear' campaign?"

Noon pa man kase, si Jia ang klase ng babae na hindi mapapangunahan. She's very vocal, confident. She says what she thinks, act what she wants and definitely do what she wants, wala siyang pakealam sa mga sasabihin ng mga tao. And that confidence is what probably most men like about her. If hindi ko siya kilala, mahihiya akong makkpagusap sa kanya. Kaya nagulat ako sa sinabi niya ngayon.

You over the StreetlightsWhere stories live. Discover now