Chapter 09

107 7 0
                                    

Titigil

Hindi pwedeng umuwi ang isang 'to na dumudugo ang labi.

Dinala ko siya sa kainan ni Aling Triny. Maliwanag kasi doon. Wala na ring masyadong tao dahil abala na sila para magsara.

Nakita kong nagsisimula nang maging kulay green ang bandang panga niya. Kailangan malagyan ng yelo. Kailangan rin malagyan ng antiseptic cream man lang ang labi niya.

"Hindi mo na sana ako sinundan pa. O dapat tinawag mo ako, hindi ako komportable kapag may naglalakad sa likod ko."

Tahimik naman si Ethan habang sinusuri ko ang trahedyang ginawa ko sa mukha niya. Pero... hindi ko parin masasabi na trahedya. Cute parin siya tignan. Okay! Gwapo! Sobra. Nakakainis.

Umalis na kami sa guter na inupuan namin at naki-suyo ako kay aling Triny na nakabili ng yelo at manghiran ng first-aid kit nila.

May first-aid naman sa bahay, pero baka kainin muna ako ng lupa bago siya makatapak doon. Nakakahiya. Hindi pa naman kami close o classmates man lang para may excuse ako.

Ramdam na ramdam ko ang mata ni Ethan na nakasunod sa akin habang kinakausap ko si Aling Triny. Tinignan ko siya isang beses para malaman niyang alam kong nakatingin siya pero hindi man lang siya natinag, mapakla pang ngumiti. Binalingan ko kaagad si Aling Triny nang binigay ang first-aid at nagpasalamat.

Nag-iinit na naman ang pisngi ko dahil talagang nakatingin lang siya sa akin hangang sa bumalik ako sa lamesang nilipatan namin.

"I thought you hate me," natigil ako sa pag kuha ng antiseptic gel at alchohol saglit sa sinabi niya. Umirap ako.

"'S'an mo napulot yan?" pilyong tinaas ko ang kilay ko sa kanya. Ang OA! Pero cute siya na parang takot siya sa'kin ngayon. Hindi naman ako nangangagat.

"Your classmates. I mean lahat yata kayo sa section niyo, galit sa akin."

Oh, b'at parang nagsusumbong ka sa akin? Gusto ko sanang sabihin pero napatitig lang ako sa kanya.

"Kase naman... Mahilig kang makipag-away. Lahat ng nakakabanga mo parang papatayin mo kasi nakaharang sa'yo. Mayabang for short." hindi ko alam paano ko nakayanang sabihin sa kanya iyon habang nilalagyan ko ng antiseptic cream ang cotton buds. Hindi naman siya shocked sa sinabi ko. Parang alam niya na na ganon ang tingin namin sa kaniya.

"Lapit ka..." pinapalapit ko pa siya sa akin para maabot ko ang labi niya. May cut doon, buti nalang walang masyadong dugo ang lumabas.

Sinunod naman niya ako. Pero sobrang tahimik sa pagitan namin. Awkward? Awkward na simula palang kanina. Inilapit niya ang mukha sa akin. Mas doble yata ang heart rate ko ngayon, parang galing tumakbo!

Cute at gwapo siya nung bata kami. Pero ngayon? Diyos ko, mahabagin! Combination ng cute, gwapo at mataas na kompyansa sa sarili. Mas defined ang nose, mas lumalamin ang mga mata, ngayon parang kayang higupin ako gaya ng ginagawa ni Obito sa Naruto. Mapupula at malulusog na labi na ngayon ay dapat nakatuon ang mata ko dahil sa sugat doon.

Parang nakalimutan ko kung paano huminga ng maayos!

Alam kong sa'kin nakatingin si Ethan kaya hindi na ako sumubok tignan siya sa mata. Panibagong awkwardness iyon kaya diniretso ko ang atensyon ko sa pagwrap ng yelo sa hanky na dala ko. Binigay ko iyon sa kanya.

"Put pressure on the affected area." sabi ko, hindi makatingin sa kanya. Ginawa niya naman iyon. Inabala ko ang sarili ko sa pagligpit ng kit at pagtapon ng basura galing sa ginamit namin.

Sinauli ko iyon kay Aling Triny at sinabihan niya ako na magsasara na daw sila. Binalikan ko si Ethan na naglalagay parin ng yelo sa may baba niya.

You over the StreetlightsWhere stories live. Discover now