"Ano bang pinagsasabi mo dyan bakla?"mahinang bulong ni Princess sa kanya, saka awkward na ngumiti sa akin. Napangisi ako, tila alam ng utak ko kung anong irereak sa posibleng matuklasan nila.

Nahuli na kayo sa balita, matagal ko ng tinapos ang tukmol na iyon..

"Hindi naman ako naniniwala na kayang gawin iyon ni Thrianne no,"kibit balikat na tugon pa nya,"mainitin ang ulo nya at nakakamatay ang kamao, pero imposible pa rin na magagawa nya, mabuting tao sya, kahit ang isang ulol na demonyong kagaya ni Gary ay hindi nya magagawang dungisan nya ang kamay nya ano"

Napapikit ako at nagheads down. Wala akong pakialam sa opinyon ng iba, gagawin ko kung anong gusto ko, ang tapusin ang sinumang bwisit na haharang sa akin..

By the end of the day, ganon pa rin naman, hindi pa nila ako masyadong kilala. Nakikita ng mga tao ang kabutihang nagagawa sa kanila ng iba kahit may bulok silang pagkatao.

Nag-aalangan na nilingunan ako ni Orange. Alam nya, kung ano ang mayroon sa akin, ang nakaraan ko at ang malamig kong kalooban.

Hindi pupwedeng maging mabait sa taong nagumpisa..

Lalo pa at ang mga katulad ni Gary ang madudurog ko sa aking kamay. Hindi talaga imposible..

----

"Tara kain tayo!"yaya sa amin ni Princess pagkatapos ng klase. Break time na at nakakawalang ganang bumaba, pero dahil kailangan pa ni Orange ng magaassist sa kanya, hindi pupwedeng maiwan sya. Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga kasama namin, gusto ko lang makasiguro.

"Aba teh! Mahirap talagang mamatay ang isang masamang damo! Tingnan mo yan si Princess, hala ang gaga, kakain na nga lang magmamake up pa! Hoy!"

"Ano bang paki mo bakla ka?! Palibhasa inggit ka sa beauty ko! Ugh!"aniya at pabagsak na nilapag ang make up powder. Hindi ako makakain ng maayos dahil ito namang si Orange ay napakadaldal na naman. Ilang saglit pang naubos ang pasensya ko ay isinubo ko sa bunganga ang kanin.

"Teka pala, anong ganap pala sa inyo ni Shinichi?"pagiiba ni Princess sa usapan. Biglaang nagtaas ng kilay si Orange.

"Oo nga ano! Medyo inabot rin ng ilang araw yan, dali chismisan tayo about dyan-"

"My private life matters"maikli kong sagot. Namilog ang mga mata nito at halos hindi makapaniwala kung namamalikmata ba ito o hindi.

"Wow ang sosyal ni gaga, may pa-private life matters nang nalalaman! Eh pati nga hibla ng buhok mo kinakalkal ng mga langaw rito ano! Wag ka nga!"

"Korek!"

"Tss, bat ba!"pagdadahilan ko,"wala namang espesyal na nangyari"

"Hay nako! Ano pang aasahan mo rito sa kaibigan natin? Baka hindi pa nga siya inumpisahang tanungin ni Shinichi busted na yun eh"kibit balikat na anito ni Princess. Tahimik na lang akong ngumunguya habang nakatingin sa sahig. Hindi ko gustong pagusapan pa ang tungkol doon. Kahit ano pang resulta ng nangyari, wala namang magbabago.

Isa siyang Kazumi. Ano kaya sa palagay ng iba ang mangyayari sa amin sakaling tuluyan na kaming magkasama? Hindi ako tanga para hindi ko maisip iyon.

Habang nasa kalagitnaan ng katahimikan ang kinaroroonan namin, kataka-taka ang lalong pagtikom ng ingay sa lugar na ito. Hindi ko na simubukang magangat ng tingin dahil alam ko na kung sino ang may pakana.

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now