Hindi mawala sa isip ko ang pagkakakilala ng aking mga magulang sa isang Mondrallgo na iyon, hindi ako makapaniwala. Kung ganoon ay malawak pala talaga ang impluwensya nila, ng hindi nila pinapasabi o ipinapaalam sa lahat. Ganoon na ganoon ang nasa tingin ko...

Nagayos ako before ko sila sundan sa kotse. Parang nalulutang ang isip ko sa mga nangyayari, kaya wala akong konkretong nagagawa sa mga sumunod.

Habang tinatahak namin ang direksyon kung saan nakatira ang sinasabi nilang si Thriximir ay nagring bigla ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumawag at saka sinilip sila Dad.

"Hello-"

"Yoboseyo?"

"W-Who are you? And how do you know my number?"mahina ko lang na naisatinig ang pagkabigla ko sa tono ng boses nito. Hindi ko alam kung sino ang tumawag na ito, korean pa ang ginamit na lenggwahe.

"A-Ate??"

O_o

Napatakip ako ng bibig. Boses ito ni Alimir, hindi ako maaaring magkamali. Gusto ko sanang ipaalam kina Mommy kaso may pagkaalangan sa isip ko.

"Hey, nasaan ka bang bata ka? Bakit hindi ka pa umuwi? Nandito sila Mommy hinahanap ka"

"Wag mo na akong hanapin ate, ayaw kong makita ka"

"What?"

"Ibababa ko na itong tawag-"

"Hey! Wait-"

"Huh?"

"Sino yung unang sumagot kanina sa tawag ko?"

"Ah, that's Uncle Thriximir,why do I have to answered that stupid question eh? Goodbye!"at doon ay ibinaba na nya ang linya.  Tama nga si Mommy, nandoon ang kapatid ko sa Mondrallgo na iyon. Sinilip ko ang aking magulang na tila pokus sa pagdadrive.

"Nandito na tayo"

Pagkasabing ito ni Mommy ay nagsibaba na ang dalawa at ako ay hindi pa. Sinilip kong mabuti ang gate na sobrang lawak pa sa inaakala ko. Malamang sa malamang ay gubat pa ata ang madadatnan pagpasok sa loob.

May pinindot si Dad na doorbell na hindi maririnig, pero hudyat ng automatikong pagbukas ng gate na kulay itim. Diretso at tila ba mala-imperyo ang disenyo nito.

Napakayaman nila, maski sa gate ay pinagtutuunan nila ng pondo..

Pagpasok namin sa loob ng gate ay bumungad ang napakalawak na bakuran, kalakip ang isang mala-palasyong mansyon. Napasinghap ako.

Ito na ba iyon? Ito na ba iyong bahay nila Thrianne Kilein? Napakalaki nito, hindi kataka-takang napakayabang ng isang iyon..

"Kayo ho pala!"salubong ng isang may edad na lalaki ngunit hindi mahahalata dahil sa kagwapuhan nito. Nakasuot ito ng simpleng t-shirt na puti at polong abuhin sa ibabaw, itenerno sa pants at tsinelas. Tumaas bigla ang kilay ko. Masyadong simple ang isang ito.

"Anong ho?! Magkasing-edad lang tayo!"biro ni Dad, at nagkatawanan sila kasabay ni Mommy. Mukha talagang magkakakilala sila at matagal na siguro. Mahahalata naman kung paano sila magusap ng impormal.

"Oh! Althea! Ang ganda mo pa rin ah! Walang kupas!"

"Ay salamat kumpadre! Hahaha! Ay sya nga pala, nandyan ba si Alimir?"

THE UNEXPECTED Season 2Where stories live. Discover now