Chapter 45

652 17 0
                                    

Cristel's POV

Tumulong ako sa pag tatanim ng mga bulaklak dito sa bakuran nang mansion ni lola. Kasama ko sa pag bubungkal ang dalawang kasambahay, hindi naman masyadong mainit dahil nasa ilalim kami ng punong narra. Malamig ang simoy nang hangin ang naramdaman ko sa aking katawan.

Pangatlong araw ko na sa probinsya ni Lola. Naging mabuti na rin ang aking pakiramdam sapangkat marami ang mga taong nagpapasaya sa'kin kahit na kakarating ko lang nong isang araw. Gaya parin ng dati, palagi silang ngumingiti parang wala silang mga problema sa kanilang buhay.

Inagaw sa'kin ang trowel, " Kami nalang ang magpapatuloy nito, Iha" Sabi ni Manang Aye saka kinuha ang ibang halaman papunta sa kanilang direksyon. " Baka mapapagod ka" Dugtong n'ya.

Ngumiti lang ako,"Okay lang ho, medyo sanay na rin akong mapagod sa ganitong gawain" Sambit ko at kumuha ng ibang halaman upang itanim.

Napatigil siya sa ginawa at tiningnan ako, "Normal lang sa atin ang mapagod. Pero dahil sa sinabi mo ay baka hindi pa mawawala 'yan" Muling sabi ni Manang kaya nalaman kong iba ang kanyang pagkakaintindi sa aking sinabi. " Sige na"

Tumigil nalang ako sa aking ginagawa at tiningnan lang sila sa pagbubungkal ng lupa. Napaisip ako sa kanyang pahayag, may kung anong kirot sa aking puso habang binibigkas n'ya 'yon.

Agad akong nakapalingon sa likuran ng may sumigaw roon.Lumaki angg mata ko sa aking nakita, may dala 'tong isang bouquet na may maraming pulang rosas ang nakalagay.

Lumapit ang lalaki sa'kin, "Fresh flowers delivery po, Ms. Zial. From you're loved ones" Masiglang sambit n'ya kaya nagtaka agad ako. "520 roses"

My eyes widened while looking at the flowers. Wala naman akong pinabili kay Lola na ganitong karaming bulaklak dito sa bayan. Mahina kong hinawakan ang bawat petals nito at hindi ko namalayang nakangiti na pala ako, my comforter.

Sinabihan ko si Kuya na nag deliver nitong bouquet na ilagay sa malaking mesa dito sa loob ng mansion ni Lola pagkatapos ay lumabas na siya sa pinto. Napatingin sa akin ang ibang katulong at binigyan ako ng isang makahulugang tingin bawat isa sa kanila na napadaan sa gilid ko.

Kinabit ako ni Manang Sile, "Galing siguro 'to sa iyong nobyo. Ang swerte mo naman, Iha" Aniya.

Umiling-iling ako, " Impossible po, wala naman akong boyfriend ngayon. Galing lang siguro 'to ni Kuya" Paliwanag ko sa kanya pero hindi pa rin siya nakuntento sa aking sinabi. "Hula ko lang"

"Kung ano man ang masasakit na salita ang sinabi n'ya sayo, ay sana tanggapin mo ulit siya ng buong -buo" Huling sabi n'ya sa'kin at umalis.

Napakamot nalang ako sa batok dahil na weirduhan ko sa kanilang dalawa ni Manang Aye. Sinimulan ko nang binilang ang mga rosas kung sakto ba ang pagkakasabi ng delivery boy kanina.

512....513....514....515...516....517...?

Binibilang ko ito sa 70 beses ngunit ito ay 517 rosas lamang lahat. May nahagip sa aking mata sa isang laso na nakatali sa mismong bouquet.

Isang maliit na card na may hugis puso sa gitna nito, kinuha ko 'yon saka pinagmasdan bago binasa ang nakasulat sa loob nito. Napag alaman ko na gamit sa sulat-kamay ang mga salita na kanyang sinusulat sa mismong card. Tinawagan ko agad ng may number na nakalagay din.

Di nagtagal may sumagot, "Hoy! Bakit kulang ang rosas na binigay mo, Kuya" Agad kong sabi sa tawag pero tahimik lang sa kabilang linya. " 517 lang"

Tiningnan ko ulit ang screen ng aking phone kung pinutol ba ang tawag ngunit hindi naman. Binalik ko 'yon sa aking tenga upang marinig ko ang kanyang sasabihin. My heartbeat quickened when I heard a familiar voice on the call and I almost unbalanced.

When I Fall in Love with the BullyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt