Chapter 17

770 32 1
                                    

Nagdaldaldalan ang mga kaklase ko. Ako naman as usual nagsusulat ng mga pinapanood kong dramas. May naramdaman akong nakatingin sa'kin mula sa labas, paglingon ko, si colors. Bigla syang nag smirk at nakipag nagdaldaldalan sa mga friends niya.

Anong problema nun?

"Nandyan na si Ma'am!" Sigaw ni Sio galing sa hallway, tumakbo sya at umupo sa pwesto niya.

Nagsibalikan sa kanilang pwesto ang mga kaklase ko at nanahimik. Pumasok sa classroom ang teacher namin sa Aral-Pan.

"Good morning, class may ia-announce ako sa inyo tungkol sa meeting ng mga faculty " Sabi ni Ms.Pazir. "Makinig kayong mabuti"

"Ano kaya yun"

"Baka naman tungkol sa examination"

"Feel ko may new students"

"Sana fieldtrip"

"Oo nga, tapos punta tayo sa South Korea"

"Shhh..magsasalita na si Ma'am"

"Yes Mr. Sio, we have a two new transferi students all teachers and our principal agreed na dito siya sa Sec. Therine tutuloy" Umpisa ni Ma'am

Ngayong araw pala papasok ang mga new students. Ano kaya ang itsura nila? Nerd? Gangsters? Bullies? yan ang naisip ko. Eto naman ang mga classmate kong babae naglabasan ng mga make-up kit sa kanilang bag at nagpaganda.

Yung iba kong kaklase ay napanganga especially boys. Kami lang tatlo ng kaibigan ko ang walang gumalaw sa pwesto namin, chill lang. Napasapo nalang ng noo si Ms.Pazir sa kanyang nasaksihan.

"Okey students, reminders lang ha, be friendly, don't make any trouble inside this classroom. Rinig ko galing sila sa Havasu Sci High"

Havasu Sci High?!!

Napalingon ang mga kaklase ko sa kinauupuan ko nang marinig nila ang pangalan ng school. Iniwasan ko na lang ang mga kakaibang tingin nito. Dati kong eskwelahan sila galing? Sino kaya sila? hindi kasi ako pala kaibigan dati, palagi akong binubully ng mga tao dahil sa katawan ko.

Palagi kong iniisip nun na baka sasaktan lang nila ko nang matagal, gagamitin at ano pa. Fresh pa rin sa utak ko ang mga pangyayari sa school na yun pero ngayon pareho lang din eh may isa bumubully sa akin.

"Are you sure bro this is my classroom?"

Napatingin kami sa pinto nang marinig namin na may nagsalita galing 'dun. Agad lumabas si Ma'am sa classroom. Niligpit ko muna ang mga gamit na nasa desk saka nilagay ito sa bag.

Hindi nagtagal bumalik si Ma'am na may kasamang isang lalaki na matangkad samantala 'yung isa nasa labas lang ng pintuan. Baka sila 'yung mga  newbie?

Hindi mawala ang gulat sa aking mga mata na napagtanto siya 'yung lalaking nakapunit ng panyo ko sa 7 eleven. Nanatili parin akong nakatingin sa kanya hanggang nawala siya sa paningin ko.

Malinis ang kasuotan nito pero nang tingnan ko ang kasama niya parang gangster ang pananamit niya may piercing sa kaliwang tenga, matangkad din siya huh? Baka magkaibigan sila?

"Class, this your new classmate in this section. Please introduce yourself to everyone" Wika ni Ma'am saka ngumiti

Inayos muna niya ang necktie nito at nagsuklay sa buhok gamit ang kanyang kamay. Marami ang napatili na mga kaklase ko dahil sa kakaibang nilalang na nakita nila. Nakisali na din 'yung groupo ni colors sa labas ng classroom, nag iingay pero hindi sila pinansin ng lalaki.

When I Fall in Love with the BullyOnde histórias criam vida. Descubra agora