Chapter 22

744 30 0
                                    

"I told you to stop that!"

Bumalik na ako sa trabaho ito ang napakaraming pinalinis sa akin ni Manang Analy halos buong mansion na nga. Day off ngayon ng ibang kasama ko kaya mabilang lang sa kamay ang mga kasambahay dito. Pero sabi n'ya bilang pambawi sa mga araw na umabsent ako dahil may lagnat.

Marahan akong napasang ayon dun sa sinabi, tutal iilang araw nalang ay matatapos ko na din ang pagiging kasambahay, wala na akong utang sa lalaking'yon. Maging tamihik na ang buhay ko, hindi ko na makikita ang pagmumukha n'ya, wala ng mambubulabog sa buhay ko!

Ngayon, eto pana'y sigaw sa akin dahil hindi muna n'ya ako palinisin ngayong gabi. Ang dahilan ay kakagaling ko lang 'raw' sa lagnat, minsan hindi ko na maintindihan ang hedgehog na 'to.

Noong first day pa lang tinulak n'ya ako sa canteen walang bakas na naawa siya ng time na 'yun tapos nagkasakit na ako dahil sa litseng kalokohan na 'yan dun pa siya bumait, magaling.

Habang naglilinis ako sa sahig gamit ang mop palagi n'ya akong kinukulit. Ipinagpapatuloy ang ginagawa ko at hindi ko siya pinansin, manigas ka dyan. Hanggang sa naubos na ang pasensya nito ay kinuha ang hawak kong mop saka ibinigay sa ibang katulong upang siya ang magpatuloy sa paglilinis.

"Ano ba ang problema mo?! Naiinis na wika ko, kung hindi lang sana dito mansion baka nasampla na kita "Nakita mo naman na naglilinis ako dito!"

Hindi ko na talaga kayang tiisin ang taong 'to! Siya ang may gusto nito tapos pipigilan n'ya ako maglinis. Ano na naman ang nakain nito ba't nag transform bigla? O sadyang concerned lang talaga?

"Magpahinga ka na.."

Tatlong letra lang ang sinabi pero nakaramdam na ako ng kakaiba sa sarili ko. Bumilis na naman ang tibok ng aking puso, ano ang kahulugan nito? Hindi ako ganito noon, marami naman ang nagsabi sa akin 'yan pero bakit sa kanya lang 'to tumitibok?

Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos n'yang sabihin 'yun. Sinunod ko nalang ang kanyang gusto, nakita ko ang sarili kong naglalakad pataas at muling bumaba dala ang seatworks. Umupo ako sa sofa saka nagsimulang sagutan 'yon.

Bakit may subject mathematics bawat grades? Kailangan ba 'to sa ating buhay? Paano naman akong bobo kahit questions hindi ko maintindihan

Inabot na ako nang ilang oras ay wala parin akong maintindihan. Sinilip ko ang grandfather clock kong anong oras na, mag hating gabi na pala. Pero nagtataka kung bakit hindi pa naisara ang ilaw ng living room as in chandelier lang nasa itaas ang umilaw. Madilim ang paligid, dito lang sa lugar ko mayroong liwanag. Iniyuko ko muna ang aking ulo sa table kasi inaantok na ako.

"Need help?"

Inangat ang aking ulo at saka nilibot ang aking paningin sa paligid kung sino ang nagsasalita, sana hindi 'yun multo. Wala namang tao sa likuran at gilid ko, pero nung humarap ako kita ko ang nakalolokong ngiti ng isang hedgehog.

Mahina kong sinampal ang pisngi ko para hindi tuluyang makatulog, naramdaman ko na umupo 'to sa aking tabi. Isang dangkal ang agwat naming dalawa kaya kapag gumalaw ako ay masangga ko na ang braso n'ya, inferness ang bango ng damit halatang expensive.

Anong ginagawa n'ya dito sa ganitong oras? Di'ba ay nagpapahinga na siya?

Umayos akong umupo sa sofa, "Bakit tutulungan mo ako? at tiningnan ko siya na nakataas ang kilay.

Hindi siya sumagot at binawi ang ballpen ko galing sa aking kamay saka kumuha ng scratch paper. May sinulat siya'ng parang formula yata na base sa lessons, ang bilis nang kamay n'ya habang nagsusulat kahit ang lahat na 'yon ay hindi ko naintindihan. Ganito ba talaga ang matatalinong tao?  Basic lang? Edi sanaol sa inyo!

Napahikab nalang ako habang nakatingin sa papel. Gusto ko na talaga matulog sa malambot na kama pero may na force sa akin na hindi muna, kaya eto ako pinipigilan na hindi makatulog.

Sakto-saktong may ipinakita siya saakin na examples of solving, habang tinitingnan ko 'yon mas naintindihan ko na kung paano makukuha ang tamang sagot sa ibinigay na questions. Ilan kaya ang IQ nito?

"This problem is so easy Cristel, your solving skills is not right..all of them are wrong. Try to understand this paper that are only mine solving" 

Kahit pumipikit na ang mga mata ko binabasa ko ulit ang papel na may nakasulat. Naintindihan ko siya pero wala na akong lakas na sagutan 'yun.

Malakas n'yang hinampas ang mesa kaya gumawa 'to ng malaking ingay sa mansion. Sobrang strict naman pala ang lalaking'to pagdating math, napakamot ulo nalng ako sa ginawa n'ya at nakinig ang napakagandang speech.

He point the paper," We call angles A and B, simply A and B. A and B are acute angles of the right triangle and are complementary, meaning, the sum of the angles A and B is equal to 90°....The six basic trigonometric ratios are based on the relationships among the sides and angles of the right triangle. Do you understand or will I repeat? "

Nang tingnan ko siya nakikita ko kaagad ang nagtatanong na mukha. Hindi ko akalain na tinulungan n'ya ako dito sa seatworks ko ngayon, di'ba dapat ay minamalit n'ya ako kasi alam na kung ano ang pinakahina ko.

Pero hindi iba ang ipinakita sa'kin ibang Nickel ang nakita ko. Nag sign nalang ako na 'wag na' kaya tumango lang siya, sinimulan ko nang I solve ang mga questions na binigay. Grabe parang dudugo na 'yung utak.

Nakaramdam ako ng hiya kasi tinitigan niya ako habang nagsusulat, umiwas 'to ng tingin kapag lumingon ako sa direction nito. Bumalik ang tingin niya agad sa'kin pero hindi ko nalang siya pinansin.

Nagpatuloy lang ako sa pagsusulat hanggang sa natapos ko na ito. Dun ko pa nalaman na nakaka enjoy pala no? Ang mag solve ng mga problems kahit hindi mo naman problema sa buhay mo.

"By the way, who is the man who tried to punch me the other day?" Seryoso na saad nito "He is your boyfriend, Cristel?" saka umiwas ng tingin sakin

Isinandal ko ang likod ko sa sandalan ng couch. Hindi ko mapigilan na matawa sa tanong n'ya, kailangan ko pa naging boyfriend ang kuya ko? sabagay hindi siya interesado sa may buhay kaya wala siyang alam.

Pero teka pang dalawa na niya tinawag ang pangalan ko at hindi na 'yung palagi n'yang tinatawag na 'shorty' nickname. Andami kong nadiscover sa lalaking'to, anong klase ng spirito ang sumanib sa kanya? good spirits?

Pumipikit na ako pagkatapos kong matawa, He's not my boyfriend ... he's my brother " Tugon ko

Tumingin siya sa direction ko. Kahit ang hina ng pagkabigkas ay narinig kong napamura siya sa narinig. Sino ang hindi magugulat na naging kapatid ko ang crush ng bayan? Bakit siya nagtatanong sa bagay na 'yun?

"That's good to hear. Akala ko mag jowa talaga kayo base sa narinig ko sa campus, pero hindi pala. Because you have the same last name, yeah even I believed in fakes...I will punch those asshole for making that nonsense"

" Tss..Hayaan mona, kung ano ang naisip nila tungkol sa amin ay hindi ko na 'yun problema" Pag sinabi ko sa kanila ang totoong dahilan ay baka husgahan nila ang pagkatao ko mas mabuti na sila mismo ang makaalam. " Ayaw ko na maungkat ang nakaraan ko"

Sandali naghari ang katahimikan. Muli kung tiningnan si Nickel kong nandun pa ba siya sa kanyang inuupuan. Hindi ko na kayang dugtungin ang aking sinabi ay baka may masabi ako na hindi magandang pakinggan. Hinayaan ko lang siya magtanong kong meron pa man.

Sobrang inaantok na talaga ako kaya umidlip muna pero nagtuloy-tuloy na 'yun hanggang sa nakatulog na ako ng mahimbing sa couch.

"Rest well, baby"

________________________________________________________________________________

When I Fall in Love with the BullyWhere stories live. Discover now