Chapter 6

1.1K 39 2
                                    

Gumising ako ng maaga para pumunta sa school upang gawin ang pinapagawa na punishment sakin ni Ma'am Principal. Hindi ko na rin nakasabay si Celane pumasok kasi natutulog pa ang kapatid ko sa kanyang kwarto. Alam mo kung bakit? Dahil nagpupuyat lang naman sa kanyang boyprend buong magdamag.

Nandito ako sa likod ng Section Three classroom dahil yan ang sinabi ni Ma'am Principal kanina nagkatagpo kasi kami sa hallway. Baka kagatin ako ng ahas dito? Wag naman sana ang hirap kaya mag bungkal ng lupa. Nag simula na akong  bunitin ang mga ligaw na damo.

"Leche ang gumawa ng sulat sa wall!"

"Kakalbuhin ko ang gumawa nun!"

"Galunggong!"

"Alien ka!"

"Finally! tapos na rin ako!"

Nakahinga ako ng maluwag at pinunasan ng panyo ang aking mukha. Ginanahan akong magbunot ng ligaw na damo dahil iniisip ko na ulo 'yon sa buhok nang taong  nagsulat sa wall.

"Are you done, Ms. Zial?" Biglang sulpot ni P. Delae's

Pinagpagan muna ang aking sarili at huminga nang malalim para hindi ko masigawan si Ma'am dahil sa inis na naramdaman ko.

I looked down, "Yess Ma'am Principal" Ani ko.

Tumitingin-tingin siya sa paligid kung may mga ligaw pa ba na damo nung wala na siyang makita tumango na siya at ngumiti sakin. Himala?

Tinuro n'ya ang lugar,"I didn't expect that you are good of this" Namamanghang sabi nito.

"Ahhh..ehhh tinuruan kasi ako ni lola sa mga ganyang trabaho sa bahay niya" nahihiyang sagot ko "Hindi kasi niya gusto na palagi nalang mga yaya ang gagawa sa mga ganyang bagay"

"Okeyyy, you can go now to your room"

Tumango ako at nagpaalam na ni P. Delae's bago lumakad papunta sa classroom ko. Marami ng estudyanteng sa hallway dahil oras na ng lunch time. Habang naglalakad ako bigla nalang nag satikbuhan ang mga estudyante na babaeng nakatagpo ko. Anong meron? May lindol ba?

"Kyahhhhhhhhhh!!!!!"

Halos matanggal na ang ear drum ko sa mga tili nila kaya nilingon ko saan ang ingay na yun

"Nandito na ang H4!!!" Sigaw ng mga babae.

H4? Hydrogen 4 ba 'yun?

"H4 means HANDSOME 4"

Ayy pusang kalbo! Bakit ba palagi nalang si Havaye sumusulpot ng hindi ko siya mahalata sa likod ko. spy girl nerd ba to? Or ninja girl nerd?

Teka Handsome 4 ang meaning ng H4? Mahangin pala ang name ng groupo nila. Lalo na yung lalaking masungit na mukhang siomai slash green shoes.

May humawak sa braso ko,"Yan ang tawag sa mga babaeng estudyante dito dahil sobrang gwapo ang apat na magkakaibigan na yan. Mayaman, magaling sa acads,  may sariling business ang mga parents nila, mahilig maglaro ng tri cards sila ang champion sa lahat ng competitions" Pagsimula n'yang sabi.

Tinuro n'ya ang may dalang libro, "Si Vicari Soriano ang pinakacute sa kanilang tatlo, soft-hearted, at kung maglalaro man sila ng tri card mababasa niya ang nasa isip ng kalaban..."

"Yung isang curly hair yan si Seanju Tan ang pinakaplayboy sa school natin marami na rin siyang napaglaruan na babae pero kung close niya iyon maging matino siya" Tinuro ang kanyang tinutukoy.

When I Fall in Love with the BullyWhere stories live. Discover now