Chapter 29

692 20 0
                                    

Cristel's POV

Makalipas ang ilang buwan ay naging maayos na ang pagsasama namin sa H4. Iba talaga pag nagiging close mo ang isang sikat tao may maiingit sayo. Kagaya ngayon sama-sama kaming kumakain sa iisang table ng canteen nakisabay na din ang mga kapatid dito.

Walang away na nagaganap sa araw na 'to pero napansin ko kami lang 'yung maingay sa aming pwesto. Tahimik lang ang mga estudyante kumakain sa kanilang snacks, may iba na napatingin sa akin tapos ay tinarayan lang ako.

Nakalabas na kami ni Nickel mula sa hospital nung thursday kaya pumasok na school upang makahabol ng mga lessons. Since, malapit na 'yung student's day  medyo busy na ang mga teacher.

Habang ngumunguya ako ay may naglagay ng gulay sa aking plato. Tumingin ako sa aking gilid kung sinong tao naglagay nito-si Nickel lang pala.

"Eat that. I will make you a healthy person"  Bulong nito sa aking tenga saka sumandal sa upuan habang sumulyap sa'kin. Ibabalik ko sana 'to sa kanyang plates ng pigilan niya ang kamay ko " Gusto mo bang ako pa ang susubo sayo para kumain ka?"

Jusko po!

Nagpapanggap na walang narinig ang kasama namin ng tingnan ko sila isa-isa. Busy sa pagkukwentuhan at pagkain ng snacks. Actually, ayaw ko sa ampalaya na gulay masyadong mapait kapag kainin pero dahil sa sinabi ni hedgehog ay pilitin kong kumain nito.

"Oh, Tapos na." Pinakita ko sa kanya ang plato

Tumango-tango lang siya sa kanyang nakita. Sa ganun ay lahat sila'y napatingin sa aking pwesto. Uminom muna ako ng tubig para mawala ang kapaitan. Nang matapos ay nagulat ako na may mga pagkain na ulit sa aking plates. Para na akong kumakain sa fiesta sa dami.

"Mukhang nag eenjoy ka sa pagkain, Cristel." Sabi ni Seanju na may nangangahulugang ngiti. Kita kong hinampas siya ni Angelic sa braso.

Nasusuka na nga ako tapos nag eenjoy?

I rolled my eyes. Hindi ko ginalaw ang pagkain na nasa harapan ko. Tinitigan ko lang 'yun. Kanina ay sobra nilang ingay tapos ngayon parang nasa taas kami ng kabundukan dahil sa tahimik. Biglang tumayo si Nickel sa kanyang inuupuan kaya lahat ng estudyante ay nasa kanya ang pansin.

"Attention to all students. From now on, there will be no more bullies at school. Be friendly" Announce ni Nickel sa lahat ng tao na nasa loob ng canteen.

Naghiyawan sila sa kanilang narinig lalo na sa mga estudyanteng may insecurities sa sarili. Lihim akong napangiti sa aking nasaksihan, mabuti naman at nagbago na siya. As usual, nagbabasa na naman ng libro sina Celane, Vicari at Kuya Zet.

"Iba pala kapag inlove ka sa isang tao"Pagparinig ni Gaindel habang nakatingin kay Nikolas na kumakain ng saging. "Naging changeable"

"Inggit ka lang. Wala kasing nagmamahal sa'yo" Banat ni Nicko sa kanya.

Natawa nalang kaming lahat sa sinabi nito. Sinamaan lang niya ng tingin at kumuha ng pagkain mula sa plato ko. Itinulak ko ang plato sa kanyang harapan upang makain niya ang lahat, di naman siya umangal dun at kinain.

Hindi ko inaasahan na inakbayan ako nang isang hedgehog sa harap ng aming kasamahan. Literal na napanganga ang mga tagahanga ni Nickel sa kaniyang kinikilos ngayon.

Patuloy parin sila Kuya sa kanilang ginagawa malibang kay Vicari na sumulyap na pala samin. Nang tingnan ko siya nagsalubong agad ang kilay nito habang nakatingin sa kaibigan niya. Matagal din bago niya nilipat ang kanyang tingin sa akin.

When I Fall in Love with the BullyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora