Chapter 9

936 38 1
                                    

Pagkatapos ng flag ceremony dumiritso na agad ang mga estudyante papunta sa simbahan. Every friday sa school namin may mass, kaya walang magtuturo samin about morning subjects. But maraming tambak na assignments pagkatapos.

Nakita ko naman ang H3 sa unahan, yung isang kasama nila lumuluhod sa kneeler habang nag dadasal. Maginoo pala to? tapos ang dalawa naman straight lang umupo hindi ito tumitingin kapag may tumawag sa kanila ng mga estudyante. Hayyy salamat wala si Nickel the bully, matahimik na ang buhay ko.

After ng mass sinamahan ako nila Angelic at Nickolas papunta sa locker ng Section Two. Doon ko muna ilagay ang mga notes ko for morning subjects kasi mabigat na sa bag ko.

Pagbukas sa locker ko may nakita akong card kulay gray na may nakalagay na X card at may message pa sa ibabaw ng card, kinuha ko 'yon sa loob at pinakita ang card sa mga kaibigan ko.

Hey!
You are invited to compete the H1 in TRI CARDS.
The game begin at 1:00 pm in the afternoon,located by Wefi Room.

6|14|19


"WHATTTT??!!!" Sigaw ni Angelic.

"Saan mo nakuha 'to? Bakit may ganito kang card? Binubully ka naman nila ha?" Sunod-sunod na tanong ni Nickolas sa'kin.

Hindi ko inexpect na aabot sa ganito ang pangbubully niya sakin. Yan lang ba ang gusto nila? Pwess hindi ko sila aatrasan!!!

Napakuyom ang kamao ko habang nakatingin sa X card at sinara ang locker na sobrang lakas halos umalingawngaw ang ingay, pero hindi ko na yun pinapansin at lumakad na papunta sa Wefi Room na tinutukoy nila.

Nagulat sila sa naging reaction ko. Kaya napatakbo sila ng mabilis para mahabol nila ako para pigilan sa binabalak ko, napatagilid ang mga estudyanteng nakatagpo ko nang makita nila ang mukha kong sobrang galit.

Hanggang sa nasa tapat na ako ng pinto sa isang room na kulay white-black na may logo ng H4. Huminga muna ako ng malalim at lumapit sa doorknob para buksan ng may humawak sa braso ko, nagsimula akong pumiligas sa pagkakahawak nito. Hindi naman ako nabigo kaya nabuksan ko nang tuluyan ang Wefi Room.

***

Pagpasok ko sa room bumungad sakin ang malamig na aircon sa aking katawan. Nahagip ang mata ko sa Game Area at dun ko nakita ang H4. Yung lalaking maginoo sa simbahan kumakain ng chocolate chips.

At yung nakasalamin at may pagka kulot ang buhok naglalaro ng mga cards, ito na siguro ang tri cards. And the last ang bully naglalaro ng dice. Si NICKEL

Lumapit ako sa direction ni Nickel at malakas na hinampas ko ang ibabaw ng lamesa. Napatigil sila sa kanilang ginagawa at tumingin sakin na nagugulat ang mukha. Ang cute nyo magulat.

Tumingin ako sa kanilang apat, "Ano 'to?" pinakita ko ang card na ibinigay ni tukmol-bully

"Don't you see it's an X card" Nickel said.

Ayyy englishero ang gago, nosebleed ako kunti

"May mata po ako sir, kaya nakita ko" Pilisopong sagot ko

Nagtawanan ang tatlo niyang kaibigan sa sinagot ko ng kanilang lider. Totoo naman diba? Kaya itong si Nickel pabagsak niyang inilagay ang dice cube sa mesa at tumingin sakin ng masama.

When I Fall in Love with the BullyWhere stories live. Discover now