Chapter 38

403 11 0
                                    

Cristel's POV

"You should pick up you're fiance not me"

Nakatayo siya sa mismong labasan ng aming gate sa bahay na habang pinagmasdan ang sarili ko. Lumingon sa aking gilid baka may makita akong butas para makawala ako dito sa bakuran.

Inihakbang ang aking isang paa kaya mabilis n'yang hinarang ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang bakal sa maliit na gate namin. Hindi n'ya talaga ako titigilan hangga't di ako makasakay sa kanyang Ferrari na kotse.

Nagkasalubong ang kanyang mga kilay, " How many times did I'll tell you that I don't like her!" Sigaw nito kaya maraming mga kapitbahay namin na mapapatingin sa aming gawi. " Please.. lovemosh"

Bakit ba ang tigas ng ulo ng lalaking'to?

Mas mahirapan pa 'to sa aking sinasagutan kong mga assignments kagabi. Kailangan na gumawa ng paraan para malaman mo ang isang sagot. He's wearing our school uniform and his hair style are loose quiff. Binaba ang tingin ko sa kanyang necktie na hindi sakto ang pagkaayos.

Lumapit ako sa kinatatayuan nito saka hinawakan ang tie, "Iniisip ko kung sinadya mo ba talaga para ayusin ko 'to?" Sabi ko habang pinapantay ang kanyang necktie sa polo t-shirt.

Yumuko siya para magkapantay kami, "What if I say yes? Can i take you to school today?" Sambit n'ya.

I looked away, " As if naman kung-" Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin dahil dumaan ang kapatid ko sa mismong harap " Hoy! ikaw"

Nag peace sign lang siya," Ghod. Ang aga-aga love quarell agad" Reklamo nito saka sumakay sa kotse nila Kuya. Tanaw kong nag wave lang silang tatlo.

Napasapo nalang ako sa aking noo dahil wala na akong ibang masasakyan kundi ang lalaki na nasa aking harapan. Kinuha ang bag sa kamay ko at pinadausdos ang malalaki n'yang kamay mula sa akin saka hinatak papunta sa kotse.

Pinagbuksan pa ako nang pinto at nilagyan ng seatbelt. Dahil sa sobrang lapit n'ya sa'kin ay bumibilis agad ang tibok ng puso ko habang nakatanaw sa kanyang mukha.

Hinawakan ang panga ko, "Are you jealous of Vary?" He asked now coming closer. He smiled but this time it was genuine " Admit it, lovemosh"

" Hindi, bakit naman ako magsese-"

Agad akong sinunggaban ng halik mula sa labi. Napahawak ako sa aking bag dahil sa kanyang ginagawa. Pinapabayaan ko lang siya dahil alam ko na namiss n'ya ako. Humiwalay din siya nang makuntento na saka pinaandar na ang kotse.

Hanggang sa byahe ay lumilipad ang isipan ko. Hindi ko maintindihan kong ipagpapatuloy pa ang relasyon naming dalawa kahit na itinakda na siyang ikasal sa iba. Kahit na makita ko lang ang mom nito ay feel ko ang palaging binababa ang aking sarili.

Nakarating din kami sa aming pupuntahan. Habang nagpapark si Nickel ng kotse nakita ko kaagad ang mukha ni Vary na nakasandal sa isang kotseng Suzuki. Binuksan ko na ang pinto para lumabas ng pigilan n'ya ko. Umikot pa siya para pagbuksan ako at mabilis na kumapit si Vary sa braso ni Nickel.

Umuna akong naglalakad sa kanilang dalawa.kahit na nakatalikod ako ay dinig kong sinisigawan n'ya ang babae. Hindi ko na 'yon pinapansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Nagulat ako ng may umakbay sa'kin, "Bakit mo'ko iniwan sa babaeng 'yon?" Galit na tanong n'ya.

"Para ihatid mo siya sa classroom" Tugon ko.

He chuckled, "Ano siya bata?" Biro nito kaya napalingon ako sa kanya "Pwede ko naman gawin 'yon sayo. Tutal boyfriend mo naman ako"

Sinukmurahan ko agad kaya napahiyaw siya sa sakit. Natanaw kong palapit sa amin ang H3 at nandun din ang kaibigan ko at aking mga kapatid. Nagbatian muna sila bago sama-sama kaming pumasok sa gate nang school.

Umiieksena ang alagad ni Colors na nakatagpo namin sa hallway para mapansin ng mga boys pero pinatagilid lang sila nang maraming estudyante saka dinala sa likuran na nakatingin sa amin.

Nickel kissed me in the cheeks and all people see it , " I love you" He whispered in my ear while walking at campus . " You're only one I love"

Ngumiti lang ng nakaloloko ang kasabay namin sa paglalakad. Kita ko ang pag ibang ekpresyon nang dalawa kong kuya sa pagbigyan paghalik nito sa publikong lugar. Hindi ko alam kung ano ang aking maisasagot kaya ngumiti lang ako.

Angelic's POV

Kanina ko pa pinagmasdan si Vary sa kanyang mga galawan. Minsan napapatingin siya sa table ng best friend ko kasama ang boyfriend nito pagkatapos ay magtatawanan silang lahat.

Iba ang pakiramdam ko sa babaeng 'to parang may tinatagong sekreto. Kung may gagawin siyang masama kay Cristel siguradong hindi ko siya mapapatawad kahit kailan. Hindi ko parin niwala ang tingin ko bawat isa sa kanila.

May narinig akong katok sa mesa, "Hey, what's wrong? You always look at them?" Tanong ni Seanju sa'kin. " Look, I didn't flirting anyone" Nag angat din ng tingin ang aming kasama.

"Ano best? Bakbakan na ba this?" Sabat ni Bisaya boy kaya napatingin ako sa kanilang tatlo.

Tinaasan ko sila ng kilay dahil sa mga sinasabi nilang dalawa. Oras ng recess kaya maingay sa loob ng canteen ngayon subalit may iba na nanatiling tahimik. Ito lang ang aming vecant kaya makarelax kami ng matagal.

"Pinagsasabi n'yong dalawa? Flirting? Bakbakan?" Nagtatakang tanong ko at uminom ng shake.

Napakamot si Kolas ng ulo, " Akala ko kasi inaaway ka nila" Ngumuso siya sa groupong alipores.

Hinawakan ni Seanju ang kamay ko, "And I also thought that you're mad at me" Bulong nito.

Nagulat ako sa sinabi nila tyaka umiling-iling. Ibinalik ang tingin ko kay Vary na tumayo mula sa pagkakaupo at pumunta sa table ni Nickel kaya napatayo din ako saka inuunahan siya sa bakanteng upuan na katabi ng bf nito.

She poked my shoulder, "Excuse me? That's my chair so please get out of there" Mataray na sabi n'ya sa'kin at may estudyante napatingin sa amin.

Ngumiti lang ako, " Ayyy talaga ba? May V-A-R-Y bang nakapangalan dito?" Turo ko sa upuan kaya masama n'ya akong tiningnan. "Wala naman"

Papadyak siyang pumunta sa isang pang bakante nang maunahan ulit siya ni bisaya boy umupo. Wala na siyang nagawa kundi bumalik nalang sa kanilang table na parang binagsakan ng lupa.

Napasapo nalang sa noo ang kaibigan naming mahaba ang hair. Nagkatinginan kami ni Kolas sa pagtali ni Nickel sa kanyang buhok para hindi 'yon mapunta sa pagkain. Umiwas ako nang tingin dahil kinikilig ako sa kanila at ganito rin ang ginagawa ang partner in crime ko.

"Tara na. Naging fourthwill tayo dito" Pabirong bulong ni bisaya boy kaya natawa ako.

Nagsilingunan ulit ang mga estudyante, "Sira! Wag mo akong idamay sa ka bitteran mo!" Bulyaw ko.

Rinig kong natawa ang dalawang love birds. Napanguso nalang si bisaya boy sa aking sinabi at tinabunan ang mukha dahil sa kahihiyan. Sakto din na dumaan si Havaye sa table namin kaya kinurot ko siya sa beywang at napaliyad siya sa sakit.

"Okey monkey boy, it's your turn so you don't have to be 'Thirdwill' in couple" Pang aasar ni Nickel sa kanya subalit mas nahiya pa siya roon.

Tinawag ni Cristel ang nerdy kaya huminto 'to paglalakad at gulat na tumingin sa'min. Kita kong napayuko ang bisaya boy dahil palapit ang kanyang crush. Maganda naman si Havaye pero may pagka mahiyain kaya tinatawag siyang nerd.

Kumaway siya sa'min nang makalapit, "Bakit? kailangan n'yo ba ng tutor about subjects? Don't worry tutul-" Hindi na n'ya matapos ang sasabihin nang tinulak siya ni Gaindel.

Diretso siyang napaupo sa mga binti ni Nickolas. Nag hi-five pa ang dalawang feelings cupido sina Gaindel at Seanju pagkatapos nun. Kami naman ay humihiyaw sa dalawa dahil nagkatitigan sila sa mata na namumula ang mga pisngi.

Dali akong inakbayan ni Anju na habang pinagmasdan parin ang pinaglapit nito. Hindi parin sila gumagalaw dahil sa gulat na nangyayari. Umabot ng dalawang minuto bago umalis si Havaye doon saka tumakbo palabas ng canteen.

__________________________________________________________________________________

When I Fall in Love with the BullyМесто, где живут истории. Откройте их для себя