Chapter 24

762 25 0
                                    

Ang kalangitan ay nasa normal na temperatura. Ipinagpatuloy pa rin ng mga kapwa ko estudyante ang kanilang ginagawa. Pansinin na abala sila sa pag-aaral para sa kanilang kinabukasan.

Nasa library ako ngayon naghahanap ng libro na pwedeng basahin. Gusto kong tuklasin ang mga aralin na tinatalakay namin kamakailan.

Dumiretso na ako dito pagkagaling ko sa canteen, hindi na nako sumabay sa dalawang mag best friend kasi pana'y tukso pa nila sa akin habang naglalakad sa hallway. Palagi ko silang sinisita pero hindi parin sila makinig sa akin at mas nilakihan pa ang kanilang mga boses, stubborn people.

Pinadulas ko ang aking kamay sa hilera ng mga librong nakalagay sa bookshelf. Napangiti ako habang tinitingnan ko sila pagkatapos ay huminga muna ako nang malalim at sininghot ang mabangong amoy ng bagong libro.

Umagaw sa'king atensiyon ang isang kulay-abong libro na may nakasulat na 'I hate you' sa gilid nito. Isa pala itong nobela ng isang taong mag kaaway at nagkaibigan. Dahil sa curiosidad ay binasa ko ang unang pahina nito.

Si Casia ay isang matapang at palaban na babae. Gusto niya lang naman mag aral sa kaniyang pinapangarap na paaralan ng mga mamayaman , pero hindi niya inaasahang makilala ang isang lalaking walang puso sa lahat—tinuguriang magkaaway hanggang sa nahulog na ang kanilang damdamin sa isa't isa.

Gusto ko pa sanang magbasa ngunit bigla kong napatingin sa harapan ng may tatlong magagandang nilalang na naglalakad papunta sa pwesto ko. Tinago ko muna ang libro sa ilalim ng bag ko upang hindi nila makita 'yon.

"Woahh..You like reading romance stories?"

Nabigla ako sa kanyang sinabi. Sinilip ko ulit ang libro na nasa ilalim ng bag pero wala na dun pagtingin ko sa kanila ay nasa kamay na ni Vicari, Paano niya nakuha yan? Sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi habang hawak pa rin ang libro.

Akmang kukunin ko sana galing sa kamay nito nang inilagay niya ito sa pinakataas na istante, hindi nalang ako nagpatalo sa kaniya at saka umupo nalang ulit. Tingin nang mga taong nasa loob ng  library ay nasa amin ang pansin, nakaramdam ako ng hiya kasi pinag titingnan kaming apat.

"Yeah I like that especially dramas" I answered his questions, ilan sa mga teenager ngayon na mahilig sa romantikong drama. Habang nanood parang sila 'yung artista na gumaganap.

Napalapit yung crush ni Angelic sa akin saka umupo sa tabi ko. Halos lahat ay nagsibalikan sa kanilang mga ginagawa ng sermunan sila ng librarian dahil sa ingay.

Pinaglaruan ko nalang ang kamay ko habang nakayuko dahil napadaan ang striktong librarian sa gilid ng table namin, chill lang 'yung tatlo pero isang kasama nila na kumakain ay malaki niya 'yon ningitian si Ma'am.

"Alam mo ba na pwedeng magkakatotoo ang binabasa o pinapanood mo...?" Sabi nito habang nakatungkod ang isa niyang siko sa lamesa at tiningnan ako. Medyo naguguluhan ako sa pahayag niya sa akin. " ...sa totoong buhay"

"Having someone's feeling is just a normal. This is the sign that you are inlove with that person. If you look at him you can feel slow motion, your heart is beating fast because you're fall on him" Vicari said to me

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon sa kanilang sinabi. They are talking about love thingy. Dahil ba 'to sa aking binasa na libro kaya sila naging dalubhasa? Kung si Seanju hindi na ako magugulat pero pag si Vicari malabo eh. Pagkatapos non ay umalis na sila sa table ko na may iniwan na nakangiting mukha, weirdo's.

***
Lumabas ako para makaamoy ng sariwang hangin. Hindi ko nakayanan ang tingin ng mga tao sa akin sa loob ng library. Tumingala sa ako sa itaas at saka pinagmamasdan ang ulap mula sa langit, isang wave clouds ang aking nakita. Napangiti nalang ako sa sobrang ganda nito pero hindi nga lang ako nagtagal nakatitig dahil nasilawan ako sa araw at pumikit.

When I Fall in Love with the BullyWhere stories live. Discover now