Chapter 13

906 27 0
                                    

"Be my maid, Cristel"

Isang salita na ayaw tumatatak sa isip ko, maid. Takte para naba akong kasambahay sa itsura ko ngayon? Kung sabagay, wala na akong choice eh ito nalang ang tanging paraan upang mabayaran ko ang nasirang statue ni NICKEL THE BULLY.

What if may kinalaman ito sa nangyari kanina? Ang hilig pa naman gumawa ng mga kalokohan ang lalaking 'yon, napaka childishh talaga.

Nasa loob ako ng kwarto ngayon habang iniisip kung ano ang aking gagawin. Sinabi pa ng kapatid ko kay yaya about sa bagay na 'yon, nangako pa siya sa akin na hindi ipagsabi kahit kanino pero ano 'tong ginawa niya? Yan kasi madaldal ang bibig

Pagkatapos ng nangyari sa school kanina, dimiretso na ako umuwi ng bahay. Alam na ng isang kaibigan ko ang nangyari, malapit ko na nga masuntok ang cabinet dahil sa inis na naramdaman ko sa pinya na 'yon! May sugat kasi sa kamay kaya hindi natuloy Hoo...pano na 'to? palagi ko nang makikita ang pagmumukha niya.

"Your work will start tomorrow"

Aishhhh!! Bakit narinig ko ang boses niya dito? Huhu stress na 'yung buhok ko, madami na nga akong iniisip dumagdag pa 'to. Nanjan na ehh, wala na akong magagawa kundi tatanggapin.

"Hoyy ate! Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumagot, puro nalang Linyi ang nasa utak mo" asik nito "Kumusta naman yung sinabi ko sayo, buhay pa ba?"

"Maayos, Patay na patay na"

Napalinga siya sa akin na nakangiti, "Patay na patay sa kilig?" Hindi siguradong dugtog niya

"Bùshì(No), Patay na patay sa galit" Pagtatama ko.

Itinaas ang kanyang mga kamay na sinasabing sumusuko na 'to kasi nagsasalita na ako ng mandarin, akala niya minumura ko siya. May pa awa effect pang nalalaman ang magaling kong kapatid.

Ang panget.

Hindi ko nalang 'yun pinapansin at nagpatuloy sa pag-iisip.Tumambay muna ang kapatid ko sa aking room dahil may gagamba daw sa ibabaw ng kanyang unan kaya siya nandito ngayon. Panay reklamo nga siya na ako daw ang naglagay ng gagamba dun nong nasa kusina pa siya kausap si Yaya. Malay ko jan, nag iisip lang ako dito hoy!

Humiga muna ako sa aking kama at pinagmasdan ang mga nakadikit na pictures ni Linyi sa may wall malapit sa window. Kailan ko ba makikita sa personal ang lalaking'to? pipikit na sana ako ng biglang tumawa ng malakas ang kapatid ko habang nagbabasa ng libro kaya napabagon ako sa higaan na nagugulat ang mukha. Putek nagulat ako kunti.

"BWAHAHAHAHA-ate basahin mo tong storya sobrang laughtrip jusmeiyo"

Binigay niya sakin ang librong binasa na ang pamagat ay Fall Inlove With The Bully. Ako na curious sa nangyari tiningnan ko at binasa ang isang chapter ng libro.

Ang babae na nasa storya ay parang ako ang kanyang ugali, siya'y na inlove sa isang bully dahil lang sa maganda ang pangingitungo nito sa kaniya.

May nabasa din akong part na lasing daw yung girl tapos gusto nito maligo dahil naiinitan pero sa kasamaang palad kumuha siya ng tuwalya, soap,tabo and shampoo at pumunta sa swimming pool upang dun maligo. Yun lang?

Napangiwi nalang ako sa aking nabasa, anong pumasok sa utak niyang maligo sa swimming pool na may tabo? Jusmee stress na talaga ako!

Hinawakan ko ang likod ni Celane at sinabing,
"Bumalik ka na sa kwarto mo nakasisiguro akong wala na ang gagamba dun" Tinulak ko siya papunta sa pintuan at nung nakalabas na siya sa kwarto saka ko pa sinarado ulit.

When I Fall in Love with the BullyWhere stories live. Discover now