Chapter 27

664 23 1
                                    

Hinahabol ko ngayon si Nickel. Isang mabuhangin na lugar ang aking natapakan bawat takbo ko para makasabay ko siya. Makailang ulit ko siyang tinawag pero kahit isa hindi 'to tumitingin sa akin. Diretso lang siya sa paglalakad  hanggang sa umabot na sa dalampasigan. Sobrang lakas ng alon at tirik ang araw mula sa asul na kalangitan

Bigla akong natisod dahil sa sanga ng isang puno kaya nasubsob ang aking mukha ng buhangin. Hindi na ako katayo at nanatili lang sa aking pwesto. Mula dito ay makita kong nasa dagat na si Nickel, tuwid parin siya naglalakad.

" Nickel! Wait lang!" Sigaw ko sa kanya

Sa aking pagsigaw ay nakita kong napatigil siya sa paglalakad. He is just wearing a simple white tshirt with a black jacket and he only barefoot

He looked in my direction" Galit ka sa akin di'ba?" Tanong nito habang nakayuko

Napailing na lang ako " Nagkamali ka, hindi ako galit sayo" Sagot ko sa kanya

Ngiti na puno ng kalungkutan ang nasulyapan ko sa kanyang mukha. Nakaramdam ako ng kaba sa ginagawa niya. Hindi man lang ako tinulungan tumayo. Diretso lang ang kanyang tingin sa akin.

" Good bye, Cristel" Huling sabi niya at muling bumalik sa paglalakad patungo sa dagat.

Agad akong tumayo saka tumakbo papunta sa tubig " Bumalik ka dito.. Nickel! Delikado dyan!"

Hindi na siya lumingon pa sa akin. Unti-unting nang nababasa ang kanyang kasuotan dahil sa malakas ang hampas ng mga alon mula sa dagat.

***

Napadilat kaagad ang aking mga mata. I didn't expect that was a nightmares. Bawat detalye ng aking panaginip ay parang totoo. And I notice that his outfit ay yun ang sinuot niya nung pinuntahan ako para iligtas sa kapahamakan.

Ang lugar na tinutuluyan ko ay kulay black-white. Nasisiguro ako na hindi ito ang aking kwarto. I heard a sound of machine at my side- I'm in the hospital. Sa kabilang side ay nakita ko si Kuya at Celane na natutulog sa couch na nakaupo kasi hindi sila kakasya pag nakahiga.

Binalingan ko ng tingin ang aking kamay dahil parang may tao doon habang nakahawak. Pagkatapos ay may dalawa din babae nakatulog sa magkabilang side ko, nalaman ko na si Angelic 'yun pero hindi ko alam kung sino ang isa. Hawakan ko sana ang light brown na buhok ng bigla akong napaaray sa sakit dahil sa aking brasong may benda.

"Gising na siya!"  Sigaw ni babae-mama. Hinawakan niya ang pisngi ko habang umiiyak. Napabagon din sila kuya dahil sa narinig bale pinalibutan nila ako "Kumusta ang pakiramdam mo anak?"

I smiled at her, "Okey na ako ma, medyo masakit lang 'yung braso ko" Sabi ko habang nakahawak sa aking braso dahil bigla itong sumakit "Bakit bigla kang napauwi dito? Yung trabaho mo ma?"

Umayos siya ng upo saka napa cross arms. Matagal ko na siyang gustong makasama ulit, kahit espesyal na araw ay kami lang tatlo nila Yaya ang mag celebrate kasi malayo siya. Tumaas ang isang kilay niya sa tanong ko, hindi parin nawawala ang pagkamaldita nito.

"Tapos na ang kontrata ko kaya umuwi na ako dito. Nalaman ko din ang nangyari sayo na may kumidnap sa anak ko." Mahinang tugon nito.

Lumapit si Kuya Zet sa hinihigaan ko. May nilahad itong isang eyeglasses na kulay itim na pareha sa iniregalo sa akin ni Lolo kaya kinuha ko 'yon sa kabilang kamay ko at saka tiningnan ng malapitan. Sa pagkakaalam ko ay nasira 'to dahil sa tinatapakan ng alagad ni One. Pero bakit walang damage bawat anggulo nito. Binigyan ko siya ng tingin nagtatanong, napakamot ulo lang siya.

When I Fall in Love with the BullyWhere stories live. Discover now