Chapter 41

415 10 0
                                    

Balot na balot ang aking katawan habang naglalakad sa kumpulang tao dito sa Cx Mall. Tangi ang mata ko lang ang makakita sa'kin. Inaya pa akong mag shopping ni Celane dahil na bored daw siya sa bahay. Dahil ako nga ang ate ay sinamahan ko nalang baka kasi maligaw ang pandak na 'to dito. Ayaw ko pa naman sumama dahil sa video.

"Hey Ms. Dresser, dito po tayo sa national book store pupunta"  Hinatak n'ya ako papunta sa loob.

Animo'y isang divisoria ang lugar dahil halos lahat ay bumibili ng mga novels book. Nagsimula na akong kabahan dahil may kakilala ang kapatid ko dito sa shop at ipahiya ako sa madla.

Nakasunod lang ako sa kay Celane kung saan siya pupunta. Inayos ko maigi ang aking cap at jacket para hindi nila ako makilala. May kumalabit sa akin na guard kaya napapikit nalang ako.

Humakbang siya palapit sa'kin, "Excuse me Ma'am, pwede po bang makita ang mukha n'yo? Security lang po" Sabi nito kaya lumapit ang aking kapatid.

She scratch her head, "May photophobia kasi 'yang ate ko kaya nakasuot siya ng ganyan" Pagdadahilan pa nito saka inayos ang aking glasses. "Tara na"

Tumango lang si Manong guard at bumalik na sa kanyang pwesto. Pumunta na rin kami sa counter saka nagbayad sa pinamili ni Celane na mga libro bago tuluyang lumabas sa bookstore. Gaya nan,g kanina ay nasa likuran lang ako sa kanya.

"Salamat sa ginawa mo, Kry. Kung wala ka doon baka ay pinagtatawanan na ako" Mahinang sambit ko kaya lumingon siya sa aking gawi.

Humakbang siya pabalik at niyakap ako, "Di na sana ako nag wish noong 14 b-day ko na mag bf kana upang hindi umabot sa ganito ang sitwasyon" Sabi n'ya sa'kin kaya nilagay ang kamay ko sa kanyang likuran para yakapin din siya. "Sorry ate ko"

Nagyakapan kaming dalawa sa gitna ng water fountain. Kahit na maraming napatingin sa aming mga tao ay hindi namin 'yon pinansin. Naintindihan ko ang kagustuhan ng aking kapatid gusto n'ya lang maging masaya ako, may mga mabuting kaibigan.

Magsasalita pa sana ako sa kanya ng may narinig akong sumigaw na lalaki sa aming likuran kaya gulat kaming napalingon. Parang may hinahanap 'tong isang tao dahil tiningnan n'ya bawat store.

Nagtanong siya sa isang matandang babae at saka tinuro ang kinaroroonan namin ng kapatid ko. Kumakabog agad ang puso ko nang lumakad siya papunta sa aking tinatayuan at siya ang taong mahal ko. Narinig kong nahulog ang binili ni Celane.

" There you are, two timer" Sabi ni Nickel nang makalapit saka hinawakan ang papulsohan ko " We need to talk in private place" Seryosong saad nito.

Taka ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa.  Sinabihan ako na two timer? Bakit? Pinag bilinan ko na ang kapatid ko na tawagan si Kuya para ihatid siya sa bahay at sinunod agad n'ya to. Hinintay ko muna siyang lumayo saka nilingon ulit si Nickel.

Niyakap ko siya beywang, "Anong pag uusapan natin, lovemosh?" Lambing na sabi ko sa kanya pero hindi siya kumibo. " Hmmm.."

"We're talking about us" Sambit n'ya.

A/N: Music played- Love Exist by Wei Qi Qi(魏奇奇) or Muli by Acel Banzuelo for this scenes!

Hinawakan ulit nito ang aking papulsohan at dinala ako sa isang lugar na kahit isa walang tao. Sobrang higpit ang pagkakahawak n'ya sa'kin parang galit na galit talaga siya. At ako'y nagtataka kung bakit ganyan ang kanyang inaasta. Huminto kami sa isang museo na may malawak na katubigan sa bandang gilid. Sa ngayon ay lumuwag na ang paghawak n'ya.

" Bakit dito pa pwede naman sa—" 

Hindi natuloy ang aking sasabihin dahil nagbitaw siya ng salita na hindi ko inaasahang marinig mula sa kanyang bibig.

When I Fall in Love with the BullyWhere stories live. Discover now