Chapter 30

733 24 0
                                    

Saturday ngayon, buti nalang wala kaming pasok. Dito muna sila Kuya nag stay sa bahay ngayon, pinayagan naman sila ni Mama na tumuloy upang makapag bonding kaming magkakapatid.

Kaya tinutulungan namin si Yaya Tella na manglaba ng mga damit tanging ang dalawang magkuya ang nagtitimba nang tubig, pinaliguan si Liyi, naglilinis sa loob ng bahay pagkatapos ay nagpahinga kaming apat sa sofa habang nanood ng horror movie.

Mapatago kaagad ako sa braso ni Kuya Zet kung may nakita akong nakakatakot na mukha mula sa tv. Hindi ako sanay manood ng ganito.

Tinawanan lang niya ako. May kinuha siyang unan sa likod ni Kuya Lico na chill lang nanood at bigla nalang siya nag kungfu posisyon dahil sa gulat na may gumalaw sa kanyang gilid. Agad na inihagis nito sa akin ang unan kaya lumanding 'yon sa aking mukha.

Pagtingin ko ulit sa harapan kakatapos lang pala ng movie kaya ni off nalang ni Celane. Tumingin siya saming tatlo na naka pout ang mukha. Kinuha niya ang sealed water bottle sa mesa saka binigay niya sa akin, napataas agad ang kilay ko.

" Atee!!! Kuya!! Laro tayo!!" Masiglang sabi nito.

Una niyang pinuntahan si Kuya Lico na parang naglalaro sa phone. Ayaw daw niya sumali pero pinipilit parin siya nito. Kaya ayon nilagay nalang ang phone sa kanyang bulsa at sumandal.

Gaya din Kuya Lico kinumbinsi din niya si Kuya Zet na nakatingin lang sa kanya, pareha lang sila ng sinasagot kaya ako naman ang pinuntahan niya napa thumbs up nalang ako dun.

Sinimulan ng pinaikot ang water bottle. Naghintay kami kung sino ang tinuturo nito- si Kuya Zet. Kung sino ang katapat nito siya ang magtatanong.

"Truth or Dare?" Sabay naming sambit.

Napaisip muna siya kung saan sa dalawang 'yon. Di namin nahalata na nanood pala sina Mama at Yaya Tella sa amin mula sa kusina habang naglalaro kami. Truth ang sagot ni Kuya Zet kaya napangiti si Kuya Lico sa kanya.

" What is the most stupidity things you did?" He asked his older brother.

Kinuha ko ang bottle at pinaglalaruan 'yon habang naghihintay kami sa kanyang sasabihin. Simula na akong kabahan pag ako na ang tanungin dahil nasisiguro akong tungkol kay Nickel ang kanyang sasabihin. May sumundot sa akin kaya lumingon ako kung sino iyon.

"Hmm.. Pagsimula niya " I used your toothbrush to clean my shoes. That was our first day"

"Gezz, seriously bro?!"

Nakibit balikat siya, " Yeah that's it"

Nagtawanan kaming tatlong ng makita namin na siya ay nandidiri sa kayang narinig. Pinaikot ulit namin ang water bottle. Unang tinuro nito ay si Celane, kaya nagtanong ako sa kanya. Nalaman ko na break na pala sila ng kanyang boyfriend.

Gusto ko sana magtanong kung ano ang dahilan pero nanatili lang akong tahimik, makatikim ang lalaking 'yon ng sampal pag nagkita kami. We're sending hugs to her para naman gumaan ang loob nito and I guilt kung bakit ko pa natanong 'yon.

Lahat naman sila pinipili ang truth. Sobrang laughtrip naman ang larong 'to. Total ako nalang hindi nila natanong or gumawa ng task, kaya mas lalo silang napangiti ng makita ang necklace mula sa aking leeg.

" Dare" Matipid na sagot ko.

Umismid siya papunta sa akin.Nagulat ako ng bigla niya akong hinampas sa braso at sinilip ang mukha ko. Kahit mugto na ang mata sa kakaiyak ngumiti pa parin siya. Napatingin din sa akin sina Kuya.

" Dalhin mo sa akin ngayon kung sinong lalaki ang nagbigay sa mamahaling kwentas" Utos niya.

Wag mong sabihin na pupuntahan ko pa si Nickel sa kanilang mansion para dito?

When I Fall in Love with the BullyWhere stories live. Discover now