Chapter 36

382 12 2
                                    

Nickola's POV

Nung nalaman ko tungkol sa balitang kumalat sa loob ng campus ay hindi parin ako makapaniwala. Kahit na matagal na kaming dalawa ni Angelic nag aaral dito ngayon lang 'to nagkaganito.

Kaya ko nga pinutol ang sasabihin ng kaibigan kong madaldal dahil muntik na niya 'yun malaman ni Cristel. Tumawag kasi si Vicari kagabii sa'kin na 'wag ipaalam ang nalalaman naming dalawa.

"Ba't ang tagal ni Cristel?" Kinalabig ako ni Angelic.

Pumasok talaga ako ng maaga para masilayan si Havaye sa kabilang classroom pero nakita agad ako ni Angelic kaya hindi ko na tinuloy. Dalawang oras na kami nag hihintay sa labas sakto din na nakitambay ang H4 sa railings habang seryoso lang ang mukha lalo na kay Nickel nagkatagpo ang dalawang kilay. Binigyan ko na rin ng punishment si Gaindel- na kumain ng hilaw na gulay.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Magkasama naman kayo kahapon ah" Ani ko.

Napameywang siya, "So kasalanan ko na nawala siya sa paningin ko? Ganun ba bisaya boy?"

" Ikaw lang ang nagsabi n'yan"

Inilibot lang niya ang kanyang mga mata. Kung wala lang ang boyfriend nito ay kanina ko pa siya inuupakan. Di parin nagsasalita ang tatlo pero nakasulyap sila ngayon sa kanilang lider.

"Hey people in the world!" Sigaw ni-Cristel.

Sinusundan namin siya ng tingin hanggang tumigil 'to sa harap ng Handsome 4. Nagkatinginan kami ni Angelic dahil sa inaaction ng kaibigan namin. Parang wala lang sa kanya ang kumalat na balita kahapon pa nangyari at kasama niya ang dalawang kuya na walang pinapakitang emosyon.

"Mukhang maganda ang gising natin" Sabi ni Seanju sa kaibigan ko kaya napatingin si Nickel.

" Aba syempre naman" Masiglang tugon niya.

Lumapit si Vicari, "Are you sure you're okay?"  Isang matamis na ngiti lang ang tanging sagot ni Cristel sa tanong ng isang kaibigan ni Nickel " You're not"

Humakbang palapit si Lico sa kanyang kapatid saka inakbayan, "What you see now, is the answer to your question dude" Anito bago nagpaalam sa'min.

Para kaming nanood ng isang teleserye. Masama kung tumingin ulit si Nickel na nakasulyap parin nila Vicari at Cristel. Naramdaman din 'yun ng iba kaya hinatak nila pabalik kung saan 'to nakatayo.

Napahawak siya sa strap ng bag," Sige pasok na kami sa room baka pagalitan kami ni sir kapag late kami. Strict pa namn 'yon" Sabi pa niya  at nagsimulang maglakad.

"Cristel" Tumigil siya sa paglalakad ng tawagin siya ni Angelic kaya napalingon ulit 'to " Di'ba dito ang room natin? Saan ka pupunta?" Takang tanong.

"Oo nga best" Sang-ayon ko.

Dali-dali siyang bumalik sa dinadaanan at diretso lang lakad papunta sa loob ng room. Narinig namin ni Angelic na may sumuntok sa reading stand sa likuran ko kaya naman ay hindi nalang pinansin at sumunod na pumasok sa pintuan ng room.

Nang nakaupo na ako sa aking upuan ay agad kong kinalabit si Cristel dahil parang nawawala sa sarili. Nagsibulungan na rin ang mga kaklase namin habang nakatingin sa pwesto naming tatlo.

Tumayo si Angelic, "Hoy Flea, ilista mo nga sa noisy 'yung mga nag chismisan dyan sa tabi-tabi" Utos nito sa aming classroom mayor kaya tumahimik agad sila at bumalik sa kanilang silya.

***
Nakatingin lang kami kay Cristel mula sa kanyang likuran na naglalakad. Maraming katanungan ang pumasok sa aking isipan sa mga nangyari pero wala akong lakas na magsalita dahil mas masaktan si Criste at ayoko ko rin na mangyari din 'to sa aking kapatid.

When I Fall in Love with the BullyWhere stories live. Discover now