Chapter 19

765 31 0
                                    

Masaya kaming nag kwentuhan ng mga kapatid ko dito sa favorite kong coffee shop. Sila pala 'yung anak ni papa sa pangalawang asawa, nice to meet them. Tungkol sa buhay ang topic namin ngayon, masakit parin isipin ang mga nangyari noon pero kinakaya kong kalimutan 'yon para sa pamilya ko at kay Celane.

Akala ko hindi nila kami magugustuhan pero mali pala ang imahinasyon ko, sila pa 'yung gumagawa ng paraan upang mag kita-kita kaming apat. Naikwento din nila na sa sobrang excited ni kuya lico nakalimotan n'yang dalhin ang bag nito, napansin ko din kanina wala siyang dala.

" Wag mo nang isipin ang ating nakaraan ate, kailangan na natin 'tong kalimutan at maging masaya kung ano ang meron sa atin ngayon"

Yan ang binulong sakin ng kapatid ko. Tama hindi ko na dapat 'yon pinoproblema ang mahalaga ay may mga taong sumoporta saamin ngayon. Lahat ng problema ko sa buhay makalimutan pag kasama ko ang aking mga kaibigan, si Yaya, at ang kapatid ko.

Nasa mall na kami ngayon, gumagala at pumunta sa timezone area. Marami na kaming na try na mga laro sa loob hanggang napagod naisipan nalng namin umuwi ng bahay. Kinuha ko muna ang phone saka nag scroll sa fb news feed.

*Phone notification sound

From: Hedgehog

Shorty, buy me two something delicious food. Hurry up im so hungry. Just click the doorbell if you want to go inside the mansion, understand?

Napahinto ako sa paglalakad ng mabasa ko ang message ni hedgehog, sinabihan ko sila Kuya at Celane na magpaiwan muna ako dito sa mall dahil may kailangan pa akong bilhin.

Sabi nila samahan nalang daw nila ako bumili pero mabilis akong tumanggi sa kanila at sinasabi na 'ako nalang ang bibili' aangal pa sila sa sinabi ko pero tumango nalang at kung may problema tatawagan ko nalang raw sila. Tumakbo ako papunta sa malapit na mamahaling restaurant, sinunod ko ang sinabi ni Nickel.

Dalawang dish ang inorder ko isang lomi at chicken lollipop. Yan lang ang nakaya kong bilhin, kunti lang ang nadala kong pera dahil inilibre kami ni Kuya. Pagkatapos kong magbayad diretso na akong pumunta sa bahay ni bully.

Makulimlim ang kalangitan sa paglabas ko sa mansion nila. Hindi pa ngayon ang oras ng trabaho ko kaya gusto ko muna umuwi sa bahay. Tatawagan ko sana si Kuya Zet na magpasundo ako ng minamalas ka namn lowbatt na 'yung phone ko.

Bigla naman bumuhos ang malakas na ulan. Mabuti nalang may dala akong payong. Sumakay ako ng bus dahil mas kuportable na akong sumasakay kapag nag-commute. Ayaw ko ng sumakay ng taxi dahil palagi akong kinakabahan. Di bale lalakarin ko nalang.

Huminto ang bus sa babaan kaya bumaba na ako dun tutal malapit lang naman bahay kung saan ako nakatira. Habang naglalakad ako ay may matulin na motorcycle ang dumaan at sa kasamaang palad ay natalsikan ako ng tubig na nanggagaling sa simento dahil sa malakas ang buhos ng ulan. Jusmeyo ka!

Nabasa tuloy ang uniform ko! Bahala na nga  pauwi na ako e. Muli naman bumuhos ang malakas na ulan sa kalangitan kaya muli kong kinuha ang payong ko pero, ang tanga! Naiwan pa 'yung payong ko sa bus!

Hohohoho lifee! Hmp kainis!

Wala akong choice kundi ang maglakad nalang sa kalagitaan ng malakas ang ulan. Sinisigirado kong safety ang mga gamit ko sa bag.

🎶 I can make it through the rain, I can stand up once again. On my own and I know, I'm strong enough to mend.... 🎶

Charus napakanta ako dun ah! Ng makarating ako sa bahay ay agad akong sinalubong ni liyi.

"Iha naku naman! Alam mong madali kang tablan ng sakit, pero nagpaulan ka pa rin" Nag aalalang sabi ni Yaya Tela

When I Fall in Love with the BullyWhere stories live. Discover now