CHAPTER 42

205 22 0
                                    

/ᐠ-ᆽ-ᐟ \

SHAINNA POV

Habang nakaupo ako dito sa sofa ni gurang katabi si Maui bigla ko na lang naramdaman na parang naglalaho ang presensya ni Maui kaya tinignan ko etong pusa.

"Hala! Jusme anong nangyayare sa 'yo!?" Gulat kong sabi ng makitang nanghihina siya at medyo naglalaho na ang buong katawan niya.

Kinarga ko naman siya at bigla namang may hangin na dumaloy sa likuran ko at may biglang bumulong.

"Nasa panganib ang buhay ng pusa" rinig kong sabi ng reyna at tagapangalaga ng mga pusa kaya agad ko namang tinignan ang orasan at nanlaki ang mata ko ng makitang saktong alas dose na ng tanghali.

Hindi kayang papasukin ni Maui ang katawan ni Lucas sa katawan niya ngayon. Ibig bang sabihin...

Agad ko naman hinanap si Lucas gamit ang baston ko at mas nanlaki ang mata ko ng makita masyado siyang malayo saamen.

Tinignan ko ulit si Maui saka ko tinignan ulit kung nasaan patungo si Lucas, agad akong na naglaho dala si Maui, at habang binabaybay ang direksyon papunta kay Lucas nararamdaman ko ang mahinang pagdaing ni Maui kaya naawa ako at unti-unti ng naiiyak.

Hindi ko kayang makita ang mga kapwa ko pusa na nasasaktan, sobrang nakakaawa.

"Lucas!" Sambit ko ng sa wakas maabot ko ang kinaroroonan ni Lucas kaya napalingon naman siya saaken ng mabilis bago tinignan si Maui.

Tumingin naman ako sa likod saka ako tumingin sa bintana ng makitang may mga police car siyang kasama.

"A-anong nangyayare?" Nagtatakang tanong ko.

"Lalaine is missing, again! Damn!" Nag-aalala niyang sabi. "What happened to Maui?" Nag-aalala niya rin na tanong.

"H-hindi ko alam pero nanghihina siya ngayon at sa tingin ko ay hindi niya kayang papasukin ang katawan mo sakanya." Paliwanag ko saka kumapit ng maigi dahil sobrang bilis ng pagpapatakbo niya ng sasakyan.

"Anong mangyayare?" Tanong niya.

"Posibleng magkaroon ng diperensya sa paglilipat ng iyong katawan, at pwedeng kahit ano mang oras ay mamatay si Maui kapag hindi agad bumalik ang lakas niya" sabi ko. "At posible rin..."

"What?"

"Posibleng pareho kayong mawala dahil hindi pa nawawasak ang sumpa sa 'yo dahil ang buhay mo at buhay ni Maui ay konektado gayo'ng hinihiram mo ang kanyang katawan." Sabi ko kaya bigla naman niyang nakagat ang ibabang labi niya.

"Wala bang pwedeng solusyon? Darn, not now please! I have to save Lalaine and our baby!" Maluha-luha niyang sabi kaya naramdaman ko namang sinubukang tumayo ni Maui pero natumba siya sa kandungan ko pero pinilit niya pa rin tumayo ng maayos.

"M-meow" nahihirapan niyang ngiyaw.

Lahat ng pusa ay nakakaintindi at marunong umintindi. Sa pagkakataong eto alam kong alam ni Maui ang nangyayare kapag hindi niya pinapasok si Lucas sa katawan niya kaya pinipilit niyang maging malakas.

"Fvck Shainna! You're a damn fairy! Do something!"  sigaw saaken ni Lucas kaya lumunok naman ako saka umiling.

"Tungkulin kong pangalagaan ang mga pusa at gawing pusa ang mga taong masyadong mapang abuso, ngunit hindi ko sakop ang kapangyarihan upang ibalik ang kanilang lakas para lang makapasok ulit ang katawan ng tao sa katawan ng pusa. Hindi ko magagamit ang kapangyarihan ko ngayon at ibalik ka sa katawan ni Maui dahil baka mas maging komplikado dahil hindi pa gaano ganon kalakas ang aking kapangyarihan." pigil-pigil kong iyak na sabi.

MY SPECIAL CAT Where stories live. Discover now